CHAPTER 30 FINAL DEFENSE

922 21 0
                                    

"Kinakabahan ka ba?" tanong ni Xylem kay Avery habang naghihintay sila sa classroom. Sa oras nay un, grupo nila Wylen ang nakasalang sa harap ng panel para sa thesis defense, pagtapos nun grupo naman nila.

"Medyo, pero, confident naman ako sa gawa natin kaya mas excited ako." Nakangiting sagot ni Avery.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos din ang grupo nila Vixia.

Sa presentation nila Avery, tuwang tuwa ang panel. Pinuri sila ng mga ito at binigyan sila ng mataas na grade.

Kinabukasan isang party ang inorganize ng mga estudyante para sa successful nilang defense at para na rin sa nalalapit na graduation.

"Party?" tanong ni Reese habang nagliligpit ng mga gamit niya. Pauwi na sila ni Tyre at sila na lang ang naiwan sa faculty room. "Muntik na nga akong mahuli nung nakaraan diba?"

"I know! Pero, pagkakataon mo na to para bumalik yung feelings sayo ni Ave."

"What if mahuli na talaga ako this time?"

"Don't worry, syempre magcha-change costume ka."

Huminga ng malalim si Reese at saka umupo sa armchair. Natutuwa siya at suportado ng mga kaibigan ni Avery kung ano man ang meron sila ng dalaga, bago pa ang party, nagtext si Vixia tungkol doon. Si Tyre din, hindi sumusuko kahit na siya sa mismo nawawalan na ng pag asa.

Kumuha ng upuan ang morenong guro at tumabi sa kanya. "Red, malapit na ang graduation nila, after nun, hindi na natin alam kung anong pwedeng mangyari, worst baka hindi na talaga kayo magkita. This might be your final chance to defend your feelings for her. Tigilan mo na ang kaka deny and fight for her, bago pa siya tuluyang mawala sayo. Di mo ba napansin? Sakto talaga ngayon, wala ka ng klase and she's there. Baka, ngayon na yung nakatakdang magkita kayo, after a long time."

Hindi na naka suot ng tuxedo si Reese pagpunta sa masquerade party, white shirt, black leather jacket at slacks na lang ang suot niya. Naka suot din siya ng tap hat at gold na maskara. "Bakit ba ang hilig sa masquerade party ng mga batang to? Nahihiya ba sila sa mga mukha nila?" Tanong ni Reese sa sarili niya. "pero ok na rin, atleast makakapag disguise ako." Pagpasok niya hinanap niya agad si Avery na hindi naging madali.

Makalipas ang ilang minutong paghahanap naisip niya munang lumabas dun maghanap, malapit na siya sa entrance ng may nakabangga siyang lalaki na nakamaskara. "Sorry." Sabi nito saka nagmadaling lumakad palayo.

Isa pang lalaki ang nasalubong niya na walang maskara na medyo namukaan niya. Tama! Yun yung kasama nila Avery sa stage nung acoustic night. Sinundan ni Reese ang lalaki, naisip niyang baka kasama ng mga ito sila Avery.

"Ok na yung plano natin para kay Avery." Sabi ng lalaking walang maskara sa lalaking nakamaskara.

Tinanggal ng lalaking nakamaskara ang takip niya sa mukha. "Si Xylem." Pagkaka kilala ni Reese sa lalaki.

"Prof. Reese?" bulong ng isang estudyante mula sa likod ng guro.

"Vi? Paano niyo ko nakilala?" pabulong din na sagot ni Reese.

"Yung singsing niyo po sa hinliliit." Sagot ni Wylen.

"Ah, eh itong disguise ko obvious ba?"

"Hindi naman po, madilim naman po e." sagot ni Oyen.

"Buti naman, oo nga pala, si Avery bakit hindi niyo kasama?"

"Ay, sinama po nila Lali kanina." Sagot ni Vixia.

"Pero po baka pabalik na rin po yun! Sa wakas magkikita nap o kayo!" masayang reaksyon ni Oyen.

"Sana nga, pero, kanina narinig kong nag uusap si Xylem saka yung kaibigan niya, may plano daw sila para kay Ave, alam niyo bay un?"

"Plano? Ano naman kayang pinaplano ng epal nay un?" naaasar na sagot ni Vixia.

"Hindi kaya aalukin na niya si Ave na maging girlfriend niya?" tugon ni Oyen, bigla naman siyang kinurot ni Vixia.

"Oyen, kanino ka ba talaga kampi?"

"Prof. Reese, mabuti pa po, hanapin nap o natin si Ave. Kayo naman Vi, alamin niyo kung ano yung plano nila Xy at pigilan niyo yun."

"Sige po, sigurado po Prof. Reese, pag nakita nap o kayo ni Ave, hindi na makaka epal yung Xylem nay un." Hinawakan ni Vixia si Oyen sa braso. "Halika na Oyen, sisiguraduhin natin na hindi magtatagumpay yang Xylem nay an sa mga balak niya." Sabi ng sporty girl sabay tawa.

"Ready kana ba Xylem?" tanong ni Kaycee sa kaibigan. Nasa likod sila ng stage at naghahanda na.

"Ok, let's do this." Nag inat si Xylem at saka umakyat ng stage.

Sa tabi ng stage isang video presentation ang nag umpisang mag play,

"Avery, ready kana?" tinanggal ng babaeng kaklase ni Avery ang piring niya sa mata.

"Ano ba to?" tanong ng dalaga, nagulat na lang siya na nasa harapan na siya ng stage. Si Xylem nakatayo sa harap niya habang may hawak na gitara.

"Hi!" nakangiting bati ng binata mula sa stage, saka nag umpisang maghiyawan ang mga tao. "Ave, sorry kung pina kidnap kita, I just want this night to be perfect. Please, steady ka lang dyan, this song is for you." Nagstrum si Xylem sa gitara at saka kumanta.

"Oh, her eyes, her eyes, make the stars look like they're not shining... her hair, her hair, falls perfectly without her trying, she's so beautiful and I tell her everyday..."

Nang marinig ni Reese ang pangalan ni Avery kaagad siyang lumapit sa pinaggagalingan ng kumakanta. Sa tapat ng stage, nakita niya ang dalaga.

Ito na, magkikita na ulit sila pagkatapos ng matagal na panahon.

Dahan dahan siyang lumalapit kay Avery, inunat niya ang kanan niyang braso para tapikin ang balikat ng dalaga.

"Ave!" tawag ng isang kaklase ni Ave sa kanya. Bago pa siya mahawakan ni Reese, hinila na siya ng mga ito paakyat ng stage.

Hinabol ng babaeng propesor ang dalaga at hinawakan ito sa braso.

"Si Cinderellaman." Bulalas ng isang babae ng makita ang taong nakamaskara na nasa harap niya.

Napabitaw si Reese sa braso ni Ave at napaatras.

"Oo nga, yung maskman, siya yun." Sabi pa ng isang estudyante.

Karamihan sa mga estudyante nakatingin na sa taong nakamaskara.

Napatingin na rin si Ave sa likod niya, "Cinderellaman?" bumitaw siya sa pagkakahawak ng mga kaklase niya at tumingin sa mga nagkukumpulang mga tao. Unti unting bumubilis ang tibok ng puso niya, pakiramdam niya aatakin siya sa puso sa kaba. 'Si Prof. Reese.'

"Hulihin niyo siya para malaman natin kung sino siya." sabi ng isang estudyante.

Sinubukan ng ilang lalaking estudyante na hawakan si Reese, pero bago pa man sila makalapit sa kanya, nakatakbo na siya.

"Nasan na siya?" tanong ni Ave sa mga estudyanteng nagkukumpulan.

Crazy (Forbidden) Love (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon