So kamusta naman first day of classes niyo? Kahit naman yung iba sa august pa ang pasukan kami sa TUA june 13 palang may pasok na kami. Okay lang naman ako nakakasurvive pero syempre may mga problema din naman na hinaharap...
So paano nga ba makasurvive sa school Lalo na't may mga bagong students na makikilala:
1. Be friendly pero syempre pakita mo sakanya na hindi ka masyadong friendly. Kung baga pakita mo na mabait kang tao sa mga taong mababait sayo, at ipakita mo din na nagiging tiger ka kapag nalaman mong backstabber siya or kung ano man na hindi mo magugustuhan.
2. Unang araw palang pakita mo na magaling ka. Para hindi ka nila maliitin at matakot pa sila sayo. Malay mo biglang mataas na bigla ang tingin sa'yo maging idol ka pa nila.
3. Wag kang magpapatalo sa old students. Since madaming new students ngayong grade 11, pinapakita ko na mas magaling ako sa old students hindi man verbally pero magaling ako sa knowledge and skills, sa drawing, sa kung ano ano Lalo na sa English. Dahil mas maganda parin na may first impression ang mga new students sa'yo na maganda. Hindi yung sasabihin nila na hindi ka nila napapansin kasi bukod sa wala kang participation wala ka din utak.
4. Mag-aral. Hindi naman porke puro mga kalokohan nakasulat dito ay hindi ka na mag-aaral dahil alam mo yung ibang way na makilala ka ng tao, syempre kailangan aral aral din. Kahit naman ayaw mo syempre isipin mo nalang para sa future mo to.
WELL! I'm back, as I've said. I will return... Anyway may bago akong naisip dahil sa mga totoong experiences na naexperience ko at dahil sa mga yon nagkaroon ako ng bagong isusulat sa wattpad at sana magustuhan niyo. Dahil alam ko naman na ang boring ng mga naisusulat ko dahil masyado akong busy and lutang. Anyway! Eto na!
short mataray story no. 1
Mayroon kayong grupo na masayang kasama at nakakaloka kaya naman naiinggit ang mga tao sainyo. At dahil sa inggit nila ayaw nilang maingay kayo at gusto nila sila lang ang napapansin at mas mataas dapat sila sainyo.
Sa T.L.E room namin palagi kaming nagpapatugtog sa radio, yung grupo naman namin nakikisabay sa kanta sa radio. At dahil nga napapansin kami ang sinabi ng haliparot na warfreak naming kaaway ay:
"Pwede bang wag kayong maingay? kasi nakikinig kami sa kanta, eh. Buti sana kung maganda yang mga boses niyo."
Saamin parang wala lang yun, kasi parang masyado nga kaming maingay. Pero ang hindi katanggap-tanggap ay bigla naman sila ang kumanta, kaya kami naman nagsalita....
"Pwedeng wag kayong maingay? Hindi lang naman kayo ang nakikinig, eh. Buti sana kung maganda yang mga boses niyo! Yung naangatan mga boses namin. Kung saamin pangit ano pa kaya sainyo? ubod ng pangit?"
Natahimik sila. At pumanik na kami sa classroom namin....
Wala kaming guro kaya free time lang kami. At dahil successful ang pakikipag away namin ay nag celebrate kami at nagsaya. Pero ang ginawa naman ng karibal namin ay nagsisisigaw tapos may bigla nalang tumalsik na notebooks at mga libro kaya natahimik kami. Sabi naman ng haliparot na warfreak:
"ANO KAYO LANG MAY KARAPATANG MAG INGAY?"
At dahil masyado nang mababa ang tingin namin sakanya, hindi nalang namin pinansin. Pero honestly sa utak ko pinapatay ko na siya. Nanaginip pa nga ako na dinudukot ko yung mata niya gamit yung malaking gunting na purple.
THE END!
BINABASA MO ANG
Tips on how to be mataray like me
HumorGusto mo bang matutong magtaray katulad ko? Subukan mo tong basahin at sa isang saglit ay matututunan mo din agad ang mga kabalbalan ko.