Author's POV
Ang chapter 19 po and 20 ay magkadugtong lang. Ito po ang kadugtong ng pamamaalam ni Paolyn kay AC.
-----------------------------------------------------------
Is it Goodbye?
Paolyn's POV
"Neu? Lumaban ka! Please! Mahal kita! Huwag mo akong iwan."
"Dito ka lang sa akin. Huwagggggggggg!!!!"
Nagising na lang ako bigla. Gabi na pala. Mag-aalas dose na pala ng hatinggabi.
Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko? Totoo kaya? Huwag naman sana.
"Manong, malapit na po ba tayo?" pagtatanong ko.
"Malapit na po tayo." wika ni Kuya.
Nandito kami sa Mindoro. Nagsinungaling kami kay Hans, JV, Kai, AC at Jun-Jun. Ang akala nila, aalis kami ng Pilipinas para sa dreams namin. Sayang naman ang drama ni Bela. Pero yung sa akin, hindi. At ang akala nila, wala na si Neu pero ang totoo, tinatago namin siya. Wala kasing naalala si Neu at ang kilala lang niya, kaming lima. Lalo na ako. Mahal raw nya ako. Yun ang naalala niya.
Biglang nag-ring ang cellphone ko.
Si Tita May? Bigla na akong kinutuban.
"Hello po, Tita? Bakit po?" sabi ko.
"Paolyn, si Neu." sabi ni tita. Napahawak na lang ako sa bibig at napaiyak. "Manong, pakibilisan po. Nag-aagaw buhay na po yung kasama namin." sabi ko. Parang naguguluhan na ako. Mawawalan na yata ako ng pag-asa.
Nandito na kami sa isang secret resort kung saan nandito si Neu.
"Ladies, we need to go to Neu. Nag-aagaw buhay na siya. Kailangan niya tayo." sabi ko habang tumatakbo ng mabilis.
"Clear." naririnig ko na ang doktor sa room ni Neu. "Excuse me, po." sabi ko. Napahagulgol na lang ako.
"I'm sorry po, misis. Talaga pong bumigay na ang katawan ng inyong anak." pagbubunyag ng doktor.
"Hindi, Doc, gawin niyo pa ang lahat! Neu, lumaban ka. Mahal na mahal kita. Huwag mo akong iiwan. Neu!!!" sigaw ko habang napayakap sa kanya. Lahat sila umiiyak na lang sa nakikita.
Neu. Mahal kita. Huwag mo akong iwan.
--------------------------------------------------------------------------------
Dumating na ang araw....
Araw para magpaalam na ako.
"JV?" nagulat kong sabi.
"Dahil kay Tita May. Bakit niyo tinatago sa amin? Eh di sana natulungan ka namin, Paolyn." sabi ni Kai.
"Alam niyo namang si Pao, malihim talaga siya. Ayaw niyang ipasabi sa inyo kaya nag dahilan kami na pupunta kami sa ibang bansa." pagbubunyag ni Bela.
"Paolyn, ok lang ba na kasama namin si AC?" pagtatanong ni Hans. Kaagad naman ako nagulat. Biglang nagbago ang mood ko.
"Sige lang. Basta huwag niyo siyang ipapakita sa akin. Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong magwala sa libing pa ng mahal ko." sabi ko sabay talikod sa kanila.
"Sorry, AC, hindi mo pa siya makakasama. Galit pa rin sa mga sinabi mo sa kanya." sabi ni JV. Narinig ko iyon kaya bigla akong pumunta sa isang puno.
-----///-----
Hindi na ako sumama sa libing. Alam kong napakasakit na mawalan ng mahal sa buhay mo. Pero kailangang tanggapin, kahit ang hirap, I need to let go of the things that I still remember Neu.
"Paolyn." biglang may nag abot sa akin ng payong. Malakas na kasi ang ulan.
"AC? Anong ginagawa mo?" sabi ko.
"Inaabutan ka ng payong. Ayaw ni Neu na magkakasakit ka dahil sa kanya. Bahala ka, baka multuhin ka." sabi nito.
"Gago." sabi ko. "Pero salamat na rin sa payong. Kahit ang laki ng galit ko sa iyo, hindi ka pa rin nawawala sa tabi ko. Kahit magkaibigan na lang tayo." sabi ko.
"Oo naman. Tanggap ko naman na hanggang kaibigan lang tayo." sabi nito sabay ngiti sa akin.
"So, tara na, nilalamig na ako eh." sabi ko sabay tayo. Inalalayan naman niya ako.
---------------------------------------------------
A/N: Alam ko pong bitin sa inyo pero sisiguraduhin ko pong mas papagandahin ko pa po itong first work ko sa wattpad community.
--------------------------------------------------------------
Over 10 years...
Yvana's POV
"Mama!" tawag sa akin ng anak ko. Isang dekada na pala ang nakalipas nang mangyari yoon no?
"Bakit, anak?" sabi ko naman sa anak ko. Siya nga pala, ang anak namin ni Jun-Jun, si Eva.
"Water." sabi niya habang nag pupuppy eyes. Hindi lang kami ang may mga anak na. Si Bela at Hans, anak nila ay si Reiner. Si Hezyl naman at Kai, anak nila ay boy rin, si Patrick. Si Syrone naman at JV, babae, si Maxine. At si Paolyn at AC, oo, sila ang nagkatuluyan. Kinumbinsi namin si Paolyn na mag moved on na at muling buksan ang puso. May anak na rin, si Christina.
"Ang bilis ng panahon, guys, ngayon may mga anak na tayo." sabi naman ni JV.
"Oo nga eh, parang dati lang, mga bitch tayo, tapos ngayon, lots of obligations na." dagdag naman ni AC.
"Alam niyo, kung hindi dahil sa inyo, baka tatanda ako ng dalaga. Salamat sa convince niyong lahat, pati na rin sayo, By." sabi naman ni Paolyn kay AC. Medyo nag blush si AC at niyakap si Paolyn.
A/N: Alam ko pong bitin sa inyo pero sisiguraduhin ko pong mas papagandahin ko pa po itong first work ko sa wattpad community.
------------------------------------//-------------------------------------
DU1lP2
BINABASA MO ANG
When Campus Princesses slash Campus Bitches fall In Love with Bad Guys
RomanceBitches troops meets the Heartthrob troops? Will bitches fall in love to heartthrobs? Let's find out!