Author's POV
Maraming thank you sa mga sumuporta ng story ko. :D Alam kong ang tagal kong mag update! Pasensya na talaga at wala talagang connection sa bahay at kailangan ko pang mag computer shop para dito ;) Salamat na rin sa mga 80 plus na votes. Dahil sa inyo, mas sinipag akong mag update! Enjoy this chapter!
-----------------------------------------------------------------
When Heartache Begins...
Paolyn's POV
"Hello. AC."
"Bakit, Pao?" pagtatanong niya.
"Pwede ba tayong magkita? May sasabihin ako." pagtatapat ko. Alam kong mali itong gagawin ko. Para sa ikakatahimik ng lahat, sige gagawin ko.
"Saan ba? Sa park?" sabi niya.
"Oo. Sige punta na ako." sabi ko then baba ng cellphone. Alam kong makakabawas ng bitch points itong move ko pero at least hindi naman ako makakasakit ng damdamin. Mahirap magbulag bulagan kung mismo ang puso ang nag lilinaw para sayo.
AC's POV
"Paano ba iyan, Ate?! Mukhang sasagutin na yata ako ni Paolyn. Naeexcite ako!" sabi ko kay Ate sabay nagbihis kaagad.
"Alam mo, AC. Huwag kang magpakasiguro. Hindi sa pagiging kontrabida sa inyo, pero, don't expect too much ha? Baka ang expectations mo maging disaster sa iyo. Konting advice lang." sabi ni Ate habang nakaupo sa kama ko.
"Hindi ko kailangan ng advice. Ang kailangan ko, confidence. Sige, aalis na ako." sabi ko sabay labas ng room
"Mag iingat baka masaktan sa daan." sigaw ni ate. Kahit kailan naman talaga, oh? Laging may kokontra sa iyo.
Bela's POV
"Bela, sigurado na ba kayo na iiwan niyo kami?" tanong niya sa akin. Alam ko sa sarili ko na ayaw ko siyang iwan, kaso kung ang usapan ay pangarap, kailangan ko siyang ipagpalit.
"Hans." sabi ko sabay hawak sa kamay niya. "Ayaw kitang iwan. Kung pwede kitang isama, gagawin ko para lang makasama ka kaso hindi pwede, para sa pangarap ko ito--- natin." sabi ko habang tumulo na ang luha niya. Kaagad naman niyang pinahid.
"Bela. Please. Dito ka lang. Huwag mo akong iwan." nagmamakaawa niyang sabi.
"Kung mahal mo ako, papayagan mo akong maging masaya." sabi ko sabay piglas ko sa kanya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Hans. Please let me go." sabi ko habang pumipiglas ako sa kanya. Ang higpit pa rin ng yakap niya sa akin. Hinarap ko na ulit siya. "Mahal kita, Hans." sabi ko sabay piglas ko sa kanya.
Tumakbo na ako papunta ng sasakyan at doon ako umiyak.
"Alam kong masakit ang mawalay sa minamahal mo. Yung tipong hindi mo siya kasama sa tabi mo. Pero ginawa mo lang ang tama. Ang tuparin ang pangarap niyong dalawa." tugon ni Yvana sa akin. Nakayakap silang lima sa akin.
"Mahirap pero kailangang mag-adjust..." sabi ko sabay pahid ng mga luha ko. "Guys, tara na sa airport. Gusto natin ito. Para ito sa pangarap natin." Sabi niya habang nakababa ang kamay niya. "For our dreams!" sabi naming lima.
"Tara na" sabi ko. "Wait. May dadaanan pa tayo." sabi ni Paolyn.
"Anong ginagawa natin sa park?" pagtatanong ni Syrone.
"May kikitain ako." Maikling tugon ni Paolyn. "Ayan na siya. Please, wala kayong sasabihin. Ako lang ang magsasalita, Ok?" sabi niya. "Si AC?" pagtatanong ko.
"Oo. Shut up ha?"sabi nya sa aming lima.
"Paolyn!" sabi niya sabay takbo papunta sa amin. Mukhang masaya pa siya sa gagawin ni Paolyn. Hindi siguro niya alam.
"Ano bang sasabihin mo?" sabi niya.
"A-ano kasi..... AC..... Kasi....----"
"Kasi aa-----" bigla kong tinakpan ang bibig ni Hezyl. Nilagyan ko ng electric tape ang bunganga at kamay niya para hindi matuloy. Buwisit na kulot na ito!
Paolyn's POV
"Ano bang nililihim niyo sa akin?" pagtatanong niya sa akin. "Paolyn, sabihin mo sa akin." dagdag nito. Nakakainis naman kasi si Hezyl eh.
"Aalis ako. AC. Gusto ko lang sabihin na hanggang magkaibigan na lang tayo. Mahirap na, AC, baka masaktan lang kita." sabi ko.
"Masaktan? Mahirap bang sabihin ang 'OO' sa taong pinayagan mong pumasok sa puso mo? Paolyn, akala ko ba mahal mo ako? Bakit ang hirap mong mapasagot?" angil nitong wika.
"AC, hindi naman sa ganun---"
"Hindi naman sa ganun? Ganun yun, Paolyn. Naiintindihan ko. Hindi ako tanga o bobo na para magbingi-bingihan." sabi niya habang naiinis na siya. Naiiyak na ito sa mga naririnig niya. Sana naiintindihan mo ako, Cedric. "Sabihin mo, Paolyn, mahal mo pa ba si Neu? Yung tarantado na iyon na ipinagpalit mo sa akin? Sabihin mo, anong nagustuhan mo sa gagong iyon? Katawan niya? Meron naman akong ganun ha----" nasampal ko na lang siya sa sobrang inis. Nagulat na lang ako sa nagawa ko.
"Alam mo, AC, ok lang na damdamin ko ang saktan mo pero kung idadamay mo ang importante sa akin, ibang usapan na iyon. Alam mong naaksidente yung tao dahil sa akin at pinagsisisihan ko yun. Hindi mo alam ang nararamdaman na naiipit ka sa dalawang bato. Parang mamamatay ka na lang kung anong gagawin mong pag-alpas. Hindi ko na alam kung sino ang mahal ko. Hindi ko na alam." naiiyak kong sabi. Silang apat, natahimik na lang. Si AC, ayun walang reaksyon. "Alam mo, tama si Bela, yung payo niya sa akin na baka masaktan lang ulit ako sa'yo, she's right. Ito pa nga lang, pinagseselosan mo na, paano kaya kapag naging tayo ulit? Ayoko na, AC, tama na. Ang second chance, minsan, nakakahiwa na iyan ng damdamin kapag hinayaan mo lang. We need to go, Goodbye." sabi ko sabay talikod sa kanya. "Guys, tara na." sabi ko sabay pasok na sa van.
Napabuntong hininga ako.
Tama ba ang desisyon kong ito?
BINABASA MO ANG
When Campus Princesses slash Campus Bitches fall In Love with Bad Guys
RomanceBitches troops meets the Heartthrob troops? Will bitches fall in love to heartthrobs? Let's find out!