IWOY 3

931 30 0
                                    

CHAPTER THREE



KANINA pa nakauwi si Race pero hindi pa rin maalis sa mga labi niya ang ngiti. Kung sakali yatang may makakakita sa kanya ngayon ay baka mapagkamalan siyang baliw. Hindi na niya alam kung ilang minuto na siya nakaharap lang sa hapag-kainan. Hindi naman niya nagagalaw ang pagkain. Mabuti na nga lang at wala ang inay niya kung hindi ay kanina pa siya nito nasita sa weirdong ginagawa.



Nagsimula na siyang kumain. Binilisan na niya nang sa ganoon ay mayroon siyang maraming pagkakataon na isipin ito. Napangiti na lamang siya sa naisiip.



"Tao po. Tao po?"



May tumatawag sa labas. Kung hindi siya ay nagkakamali ay boses iyon ni Ed. Bakit ito pupunta sa kanila nang ganito kaaga? Ah, baka nananaginip lang siya dahil sa sobrang pag-iisip na sana ay close sila nito.



Binuksan niya ang pinto. Tumambad sa kanya ang bulto nito. Naamoy pa niya ang mabangong perfume na gamit nito.



"Ah, Ed?"



"Hi! Magandang umaga," bati nito sa kanya. At ang paraan nang pagkakangiti nito ay kakaiba. Pati mga mata nito ay ngumingiti. Pero ang reaksyon ng katawan nito at paggalaw ay tila pigil.



"Magandang umaga din. Napasyal ka?"



"Ah-eh. Hmn. M-May itatanong lang sana 'ko." Kumawala na ang pagiging uneasy nito.



Kumunot ang noo niya. "Ano 'yon?"



Bago nagsalita ay nagkibit-balikat ito. "Mag... Ma-Manghihiram lang sana ako ng notebook?"



"Notebook?"



"O-Oo, notebook. Tama, notebook. Notebook ang hihiramin ko. M-Meron ka ba?"



"Meron. Bakit ano'ng gagawin mo do'n?" Nagtataka na talaga siya dito. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto. Nasa door frame lang siya.



"Ah. May isusulat. Hindi kasi ako makahanap ng notebook dito, eh. Ang hirap pala dito."



Sa pagkakaalam niya ay nagtitinda ng notebook at ialng school supplies si Aling Anita. Sari-sari store. At meron itong tindang mga papel at notebook. Kumpleto ito sa mga school supplies. Kaya nagtataka rin siya kung bakit hindi ito nakakita ng notebook doon. Eh, kahapon lang ay nakakita siya ng nakapatong-patong na tindang notebook doon. Nagtataka man ay nagkibit-balikat siya dito.



"S-Sige. Pasok ka muna. Maghahanap ako ng notebook na walang sulat." Nang makapasok ito ay saka niya ito iniwan sa salas. Nang bumalik siya ay may dala na siyang notebook. "'Eto lang ang nakita ko na walang sulat." Habang sinasabi iyon ay nakayuko siya. At nang mag-angat siya ng mukha ay hindi niya iyon naituloy sapagkat may mga kamay na humawak sa kanyang magkabilang-balikat.



"Ah," anas niya.



"Race?" boses iyon ni Ed.



Tumingala siya dito. Ang mata nito ay tila nagtatanong. Sinusukat ang kanyang mukha at parang ang bawat sulok ng kanyang mukha ay animo bolang kristal kung tingnan siya nito. Napalunok na lamang siya.



"Ed?" Ang pagkunot ng kanyang noo ay tila kusang sumilay sa kanyang mukha.



Dumadampi ang binubugang hangin nito sa kanyang pisngi. At nagugustuhan niya iyon. Ang bawat hininga nito ay ibig niyang kunin iyon mula dito at gawin niyang kanyang hininga. Ibig niyang ang hininga na lamang nito ang kanyang maging hininga.



Sa pagpikit niya at panandaliang pagkurap ay bumababa na ang mukha nito sa kanyang mukha. Sunud-sunod ang kanyang paglunok. Parang anumang oras ay titiklop siya dahil sa panghihina ng kanyang mga tuhod. Ibig niyang humawak sa anumang makikitang bagay para kumuha ng lakas kung sakali.

No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon