IWOY 5

754 30 1
                                    

CHAPTER FIVE



NGAYON ang araw kung kailan aalis na si Edward. Kahapon ay nag-usap na sila nito na magkikita sila bago ito umalis. Ngunit, tiyempo namang utos ng utos sa kanya ang inay niya. Hindi tuloy makapagpaalam si Race. Dahil baka kung iwan niya ang ginagawa ay mag-usisa pa ang inay niya at wala naman siyang maisip na idadahilan kung sakali.



"Napuno na ba 'yong balde?" tanong ng inay niya.



Tumango siya. "Wala na ho?"



"Anong wala na? Magtupi ka muna. Sandali, bakit mukhang balisang-balisa ka?"



Umiling siya. "Hindi ho, 'Nay."



Nalintikan na. Talagang hindi yata niya makikita si Edward ngayong paalis na ito. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa. Marami itong text doon. Ni wala nman siyang pantawag. Ang dapat niyang gawin ay bilisan nalang para makapunta na siya sa bahay nina Ed.



Natapos siya sa lahat ng gawain nang alas-nuwebe, ngunit pagdating niya sa bahay nina Ed ay wala na ito. Nakaalis na. Nang tumalikod siya, patungong bahay ay napaluha na lamang siya. Hindi man lang niya ito nakita. O kaya baka kung ano ang isipin ni Ed sa hindi niya pagsipot dito.



Pero baka O.A. lang siya, hindi naman siguro ito mag-iisip ng ganoon. Naiintindihan siya ito.




LUMIPAS ang mga araw na wala ni isang text siyang natatanggap mula kay Ed. Kinakabahan na siya. Paano kung may mangyaring masama dito? Ilang beses na siyang tumawag dito, pero ni isang tawag niya ay hindi makapasok.



Lumipas ang mga araw na ganoon pa rin. Naghintay siya. Walang nangyari. At habang lumilipas ang mga araw ay lalo lang siyang nakakaramdam ng guilt. Ang dating normal na mga ginagawa niya ay tila iba na at nakakapagod na. Hindi na iyon tulad ng dati na masaya siya. Ngayon nagbago na ang lahat at kagagawan iyon lahat ni Ed.



Isang hapon ay napansin ng kanyang ina ang pagiging malungkot niya.



"Anak, nitong mga nakaraang araw, eh, napapansin kong palagi ka na lang nakatulala. Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" tanong ng inay.



Mataman siyang tumitig dito. Wala siyang balak na sabihin dito ang totoong nararamdaman niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito at hindi siya handa para doon.



Ngumiti siya ng peke. "Wala, 'Nay. Pagod lang siguro ako."



Nagbuntong-hininga ito. "Pasensiya ka na, anak kung pagkatapos mamatay ng tatay mo ay halos ikaw na lahat ang umako sa dapat na obligasyon niya sa atin. Hayaan mo... Alam kong gustung-gusto mong mag-aral. 'Pag nakaipon ako, mag-aaral ka."


"'Nay, hindi 'yon. Alam ko naman 'yon, eh. Obligasyon ko rin sa inyo bilang anak iyon. Dahil wala na si tatay, ako naman ang magsisilbi sa inyo."



Lumiwanag ang mukha nito. "Napakabuti mong anak. Pero kahit pa, gusto kitang mag-aral." Niyakap siya nito nang mahigpit. "Tinawagan ko na ang tiyang mo sa Maynila. Puwede ka doon tumira kung gusto mo, maghanap ka ng trabaho kaya? Pagkatapos puwede mo ng pag-aralin ang sarili mo."



"'Nay, pa'no kayo? Hindi ko naman kayo maiiwan ng mag-isa dito, 'no?"



"Kaya ko ang sarili ko, Race... Ito lang ang tanging naiisip kong paraan."



"Kung hindi kayo sasama sa akin, eh, hindi na rin ako pupunta doon."



"Anak..."




NAKARATING ng Maynila si Race sa Tiyang niya. May pinsan siya doon, si Darwin. Ito lang ang pinsan niyang closed niya. Umaga siyang nakarating doon at naabutan niya ang pinsan sa bahay ng mga ito. Wala ang tiyang niya, namalengke daw.

No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon