NTB 6

1.7K 55 0
                                    

CHAPTER SIX




TUMUNGO si Darwin sa boarding house ni Vad. Naghihintay ito sa kanya. Nang makarating doon ay kumatok na siya. Ito ang nagbukas sa kanya ng pinto. Mag-isa lang ito sa kuwarto nito. May dala siyang birthday cake para dito.



"Good evening," bati niya.



Hinagkan siya nito sa pisngi. Inabot niya dito ang cake. "Thank you."



Pagkatapos nilang magkuwentuhan ay pinagsaluhan na nila ang dalang cake. Magana silang kumain. Nang matapos ay sabay na lamang silang napahiga sa kama. Napansin niya ang isang photo frame sa paanan ng kama. Kinuha niya iyon.



It was him. Nakangiti siya doon. Tinitigan niya ang picture niya. "Bakit mo 'to nilagay dito?"



"Para palagi kitang nakikita. Para sa araw-araw na gigising ako ay ikaw ang unang makikita ko. Para good vibes palagi."



Ngumiti lamang siya sa sagot nito. Picture niya iyon nang unang araw na naging sila.



"Alam mo ba kung bakit parang sobrang saya mo diyan?"



"Bakit mo nasabing masaya ako dito?



"Masaya ka diyan kasi nakita mo na 'ko. Tama ba ako?" Nakangiti ito nang inilapit nito ang mukha sa kanya. Mabilis na hinagkan niya ito sa labi.



Inginuso pa nito ang labi. Nagsasabing ulitin niya ang ginawa niya. Umiling siya. Pinalungkot nito ang mukha nito. "'Wag ka ngang magpapa-cute, hindi bagay sa 'yo."



"Hindi ako bagay maging cute?"



"Yes. Kasi 'di mo na kailangang magpa-cute. Kahit 'di ka man magpa-cute diyan. Needless to say, naku-cute-an na talaga ako sa 'yo."



"That's why I like you. Bolero ka." Sinugod siya nito dahilan para mapahiga siya at pangubabawan siya nito.



"Like lang? Hindi naman ako facebook, ah." Tila nagtatampomg wika niya. Tumalikod siya ng higa dito. Bago pa man niya iyon magawa ay pinigil na siya nito gamit ang ulo nito.



"I mean, I love you. You're not a facebook, baby." He grinned.



"Mabuti't nagkakaintindihan tayo." Pinagtaasan niya ito ng kilay.



"Yes, commander." Gamit ang kaliwang kamay ay sumaludo ito sa kanya.



Napansin niyang tumutubo na ang balbas nito sa baba. "Why don't you shave your..."



Ginamit nito iyon para kilitiin siya sa tiyan. Tawa siya nang tawa. "Stop it," reklamo niya dito.



"Do you really want me stop?" Inulit nito ang ginawa nito kanina.



Ang tawa niya ay nauwi sa halakhak. "No!" tili niya sapagkat kiniliti na naman siya nito nang hindi niya inaasahan.





MAHIGIT isang linggo nang nagkabalikan sina Darwin at Salvador. Palagi silang nagkikita nitong mga nakaraang araw. Nanonood ng TV si Darwin kasama ng pinsan niyang si Race. Comedy ang pinapanood nila, ngunit hindi niya magawang tumawa kasabay ang pinsan sapagkat kanina pa siya nagti-text at tumatawag kay Vad ngunit wala ito ni isang sinasagot doon.



Lumipas ang araw na hindi pa rin ito nagpapadala ng text message sa kanya. Nababahala na siya. Ayaw niyang isipin na ganoon rin ang eksenang ito noong una pero hindi niya maiwasan ang bagay na iyon na isipin at ikonekta.



Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. Naglakad siya nang pabalik-balik. Nag-iisip siya. Ano ang maaaring gawin ni Vad para hindi nito magawang magtext man lang sa kanya?



Something is going on...



"Insan, kanina pa kita napapansin diyan, ah. Nahihilo na 'ko sa 'yo."



"'Wag mo nga akong intindihan," aniya.



"Sino ba kasi ang iniisip mo?"



"Si Vad, siyempre," aniya. Tumabi siya dito. "Dati naman hindi ganito, eh. Palagi naman siyang nagte-text sa 'kin, simula sa kung kumain na siya o kung kumain na 'ko. O kaya kung matutulog na ako... Lahat monitored. 'Di ko alam kung bakit hindi siya tumatawag at hindi siya nagte-text."



Lingid sa kaalaman nito ang relasyon niya kay Vad.



"Bakit hindi mo tawagan?"



"Ilang beses na 'kong tumatawag sa kanya, hindi niya sinasagot. Ilang beses na akong nagtext sa kanya, hindi siya nagri-reply. Baka may nangyayaring hindi ko alam."



"Bakit hindi mo puntahan?"



Actually, kahapon pa niya naisip iyon pero hindi niya gagawin iyon. Ayaw niyang mag-panic. O baka naman ay nag-o-overreact lang siya. Baka nga ay busy lang ito. Pero kahapon pa. At hindi iyon natural. Hindi siya sanay. "Pupuntahan ko na ba talaga siya?"



Tumango ang pinsan niya. Right. Pero pinalipas muna niya ang ilang araw. Nang hindi na talaga siya makatiis ay nagbihis na siya at tinungo ang tinutuluyan ni Vad. Ayon sa landlady ay ang pang-isang linggo na ang araw na iyon na hindi umuuwi si Vad. Nabanggit daw nito dito na doon muna ito sa hospital. Nabanggit din sa kanya ni Vad na may ate itong nagtatrabaho doon. Tumungo na rin siya sa hospital.


No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon