NTB 3

2.3K 66 0
                                    

CHAPTER THREE





AT ANG lahat ng akala ni Darwin na totoo ay hindi. Hindi niya na lang namalayang may pumupuno na pa lang luha sa mga mata niya dahil sa naalala. Tuluyan na iyong bumagsak kapagdaka. It was raining so nobody will notice his crying. Para siyang batang umiiyak. Ibig niyang pagalitan ang sarili sapagkat hindi niya magawang maging malakas sa kabila ng lahat. He had to move on. Kung ito ay nakapag-moved on na ay dapat ganoon rin siya.



Nang tumila ang ulan ay tumila rin ang mga luha ni Darwin. Tila nakikisama sa kanya ang panahon. Hindi na niya nilingon pa ang dalawang naghaharutan. Sumakay na siya ng taxi.



Habang pababa ng taxi si Darwin ay napansin niya sa sulok ng kanyang mata ang pagbaba rin ni Salvador ng taxi. Sinusundan ba siya nito? iyon ang nais niyang isipin. Pero napaka-assuming niya naman kung itatanong niya iyon dito. Doon rin ito nag-aaral kaya malamang ay doon rin ito pupunta.



Nang makapagbayad ay lumakad na siya. Kailangan niyang magpakatatag sa kabila ng lahat. Hindi na niya dapat ito iniiisip, hindi na niya dapat ito pinapansin at ini-entertain sa kanyang isip.



Buwisit na pagmamahal 'to! naisaloob niya.



"What?" anang isang boses sa kanyang likuran.



Sino ba ang kausap ni Vad? Siya ba o kung sinong kasabay nito?



"Hey, talk to me..." sabi pa nito.



Hindi nga siya nagkakamali. Siya ang kinakausap nito. Bakit kung makaasta ito ay parang okay lang ang lahat? Na parang wala ni anumang nangyari sa kanila? Ibig niyang harapin ito ngunit natatakot siyang ipagkanulo siya ng kanyang mga luha. Baka kapag makita niya ito sa malapitan ay bigla na lamang niya itong mayakap at halik-halikan. Pigil niya ang sariling kinausap ito. Lumapit na ito. At sa sobrang lapit nito sa kanya ay naaamoy niya ang pabango nitong kailan lang ay sinabi niyang iyon ang pinakagusto niyang pabango sa lahat. His manly scent was like musky and sandal wood. Ang natural fragrance nito ay nakakapagdulot sa kanya ng kakaibang pangingilabot.



"May balak ka bang kausapin ako?"



"Wala," sabi niya. Patuloy pa rin ang paglalakad niya. Gusto na niyang makarating sa pupuntahan pero tila ang layo-layo ng pupuntahan niya at masyadong mabagal ang mga oras. Bakit ba kapag nasa malapit ito ay tila bumabagal ang oras?



"Why?" nagtatakang tanong nito.



Lumingon na siya dito. He had to show to him that everything's all right. That everything's happened between them was just nothing that he has to bury those in total grave. "Gusto mo ba talagang ipaalala ko sa 'yo?



"You never let me to explain, Dar," nag-aakusang sabi nito.



"Ano pa ba ang mga dapat mong ipaliwanag? What I saw between you and that... that dog was for real. No need to explain, Vad. No need to lie. 'Wag na tayong maglokohan. Tayo lang ang masasaktan sa bandang huli. Alam ko 'to, dahil once ay naramdaman ko na 'to. Dahil minsan na akong nasaktan sa unang lalaking akala ko ay mahal ako."



Huminto ito sa paglalakad maging siya. "You never let me to explain that's why we're both hurting. I thought, you believed me, I thought, no matter what happens we are capable of fixing things that weren't even happening yet. And this problem should be fixed now. We should fix these things in clear talking..."



Hinila niya ito sa gilid nang sa ganoon ay hindi sila makaabala sa mga nagdaraan. "Me? You?" sarkastikong turan niya. "No, Vad. Don't fool me, please. Don't fool yourself and me. I know what I saw. I never failed to my premonitions?"

No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon