IWOY 4

746 30 0
                                    

CHAPTER FOUR




HABANG nasa daan ay kapwa wala pa rin silang kibuan. Si Ed ang bumasag sa katahimikan nilang dalawa. Yakap ni Race ang sarili dahil sa lamig.



"Ano ang akala mo papalipasin ko ang gabing ito ng ganito lang?" wika ni Ed.



Hindi alam ni Race kung siya ba ang kausap nito. Nilingon niya ito. "S-Sino ang kausap mo?"



"Bakit sino pa ba ang puwede kong kausapin dito maliban sa 'yo?"



Tinuro niya ang sarili. "So, ako?" nagtatakang tanong pa rin niya.



Tumango lamang ito.



Napakunot-noo siya. "Hindi kita maintindihan." Ibinalik niya ang tuon sa daan na bahagya lamang naiilawan ng street light, malapit na sila sa mga kabahayan kaya may nadadaanan na silang mga ilaw.



Hinarang ng kanang kamay ni Ed ang kanyang dibdib. Muli niya itong nilingon at pinukol ng nanunuring mga mata. "Ano?"



"Stop," anito.



"Bakit?"



Unti-unting lumapit ang mukha ni Ed sa kanya na labis niyang ikinabigla.



"Uhm," anas niya sa kabila nang paglapat ng mga labi ni Ed sa kanya. Kung ang halik nito kanina sa kanya ay kakaiba ang dulot sa kanya, ngayon ay malayo ang kaibahan niyon, tila mas lalo iyong sumasarap sa kanyang panlasa. Nagugustuhan na niya ang ginagawa ni Ed sa kanya na ni anumang oras na kapag bumitaw siya ay ikakabaliw niya.



Napadiin ang mga labi niya dito nang sa ganoon ay mas lalo niyang madama ang pag-ibig nito. Pag-ibig? Pag-ibig ba talaga iyon? Biglang tumambol ang kanyang dibdib sa isiping iyon.



Kumalas sa kanya si Ed. Hinila siya nito palapit sa isang puno. Isinandal siya nito doon at muling ginawaran ng masuyong halik mula sa leeg patungo sa kanyang mga labi. Pagkatapos ay bumaba iyon sa kanyang dibdib. Ang hatid niyon sa kanya ay sobrang saya. Walang katumbas iyon sa kahit anumang tamis ng isang pagkain.



Ang ginawa nila ay nagtapos sa damuhan na kapwa walang saplot. Hinihingal pa rin siya at bahagyang kumikirot ang kanyang pang-upo. Sa kabila niyon ay ang sayang makikita sa kanyang mga mata kung sakaling abot sila ng ilaw doon.



Umupo siya at sumandal sa paanan ng puno. Napapalunok na lamang siya at hindi makapaniwala. Totoo bang nangyari ang isang bagay na iyon sa kanilang dalawa ni Ed? Ito lang ang nagparanas sa kanya ng bagay na iyon na labis niyang ikinasisiya sa mga oras na ito.



"Ed?" pukaw niya dito na sumandal na din sa tabi niya.



"Mahal kita, Race..." Iyon ang naging tugon sa kanya ni Ed.



"Ha?"


"You heard it right. Mahal kita, iyon ang nararamdaman ko para sa 'yo."



"Ha?" iyon pa rin ang naging sagot niya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala sa naririnig mula dito.



"Just say you love me, and it will be official, Race." HIndi niya nakikita ang reaksyon ng mukha nito pero ramdam niya ang senseridad sa mga katagang sinasabi nito sa kanya.



Humugot siya ng napakalalim na hangin bago nagsalita. "Ed, natatakot ako."



"'Wag kang matatakot kung may nararamdaman ka para sa akin... Sabihin mo dahil gusto kong malaman ang nasa loob niyan..." Pagkasabi niyon ay idiniin nito ang hintuturo sa kanyang dibdib.



"Ed?"



"Mahal kita, iyon lang ang alam ko. Mahal mo ba ako?"



Napatango siya sa sinabi nito? Sa sinabi niyang iyon ay naging dahilan para magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang kanilang pagniniig...




"PAGBALIK ko dito ay kukunin kita," iyon ang sabi ni Ed kay Race. Nasa iisang kama sila. Kapwa nakatakip ang parehong hubad na katawan.



Kakatapos lang nilang pagsaluhan ang masayang sandali. Mahigit isang linggo na sila nitong mag-boyfriend.



Nagkakaintindihan sila nito at masaya siya sa bawat araw na kasama niya ito.



"Talaga?" aniya. Sabi nito ay mag-a-abroad daw ito at pagkatapos ng kontrata nito ng anim na buwan ay babalik ito ng Pilipinas at magsasama na sila. Labis na natuwa siya sa balita nito.



"Oo, nangangako ako."



"Mahal kita, Ed."



"Mahal din kita, Race..."



Ngumiti siya dito. Tumayo na siya at nagsuot ng damit. Ganoon na rin ito.


Pagbukas niya ng pinto ay laking gulat niya nang makita sa salas si Jessica. Kapitbahay ito nina Ed. May hawak itong isang mangkok. Kahapon pa niya napapansin na nag-aalialigid ito kay Ed.



Sumama ang timpla niya.



"Si Ed?" tanong nito saka tumayo.



"N-Nasa loob."



"Ano'ng ginagawa n'yo sa loob?"



Nangunot-noo siya dito. "N-Nag-usap..."



"Nag-usap sa loob?" usisa pa nito.



"O-Oo, bakit?" Paano kung ano ang isipin nito? Kinabahan siya. "Ed?" ani Jessica. Nilagpasan siya nito nang makita si Ed. Binaba muna nito ang mangkok pagkatapos ay niyakap si Ed. "Sobra kitang na-missed."



Napalunok na lamang siya sa nakikita.



Nakakuha siya ng tiyempo na makaalis sa bahay na iyon. Nagngingitngit siya sa galit. Selos ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Walang sinuman ang nakakalam sa relasyon nila ni Ed maliban sa kanilang dalawa.



Sekreto iyon.



Nang makauwi sa bahay ay ginawa na niya ang dapat na gawin. Tiwala siya kay Ed. Sigurado siyang hindi ito magloloko. Mahal niya ito at sabi nito ay higit na mahal siya nito. Iyon ang importante sa isang relasyon, ang nagmamahalan ang dalawang taong nagkakaintindihan.


No Turning Back & I've Waited On YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon