Ateneo

55 0 0
                                    

Aly's pov

Habang nagdadrive ako papuntang ateneo, hindi ko maiwasang isipin uli yung babae kanina. Maganda nga mataray naman. Hahaha, and just wtf? She called me a monkey. There is something in that girl.

Nandito na ako sa ateneo at pinark ko na ang kotse ko. Bumaba na ako at kinuha ang mga pagkain sa backseat at tumingin sa phone ko. Habang naglalakad ako, napatingin ako sa harap ko. Parang pamilyar yung sasakyan, oh well. Nevermind nalang yun.

Dumiretso na akong BEG at nakita kong wala pa yung mga bago at ang mga ka teammates ko pa lang. Tumingin saakin si ella at napangiti. Alam ko na kung bakit.

"Guys! Break time muna! May dalang pagkain si aly!" Sigaw ni ella kaya kumaripas ng takbo tong mga toh saakin at inagaw yung box ng cheese cake sa kamay ko at excited na binuksan yun.

"The best ka talaga aly!" Sabi ni ate gretch

"Nga pala aly, dadating yung isa naming ka team mate dati ngayon. Nauna lang siya ng isang season sayo. Pero umalis siya ng bansa then dun ka na natanggap dito." Sabi ni ella.

"Ahh. Kaya pala hindi ko siya naabutan. Okay"

After 10 minutes, dumating na ang mga rookies at sakto naman tapos na kumain sila ella. Tapos start na ng pagpapakilala.

"Deanna wong"

"Bea de leon"

"Jhoanna mariguinot"

"Maddie madayag"

"Ponggay gaston"

and marami pang iba. Habang pinag sstart nanamin sila sa drills and warm-up, may pumasok sa BEG

"Hi guys! Sorry i'm late!" Luh? Sino toh?

"Denden! Omygosh!"

Lahat ng mga team mates ko pumunta sa lanya at dinaganan siya. Denden? Who you? Lol. Yung rookies nakatingin na lang sa kanila.

"Guys, baka nakakalimutan niyong nag papatry out tayo?" Sabat ko sa usapan nila.

Napatingin naman sila saakin sabay peace sign. Tas nagbalikan sa pwesto nila. Yung babaeng kakarating lang. Wait... Blue eyes?

"Ikaw?!" Sabay naming sigaw.

I can't believe this. That idiot girl who almost killed me is now infront of me.

"Anong ginagawa mo dito? Fuck." Don't tell me..

"I'm a player here. And you? Rookie ka ba? If you are rookie, then you should go out now. Hindi ka na pasado" aba aba ndi pa ata ako kilala.

"I'm a player here too. And just so you know, matagal kang nawala. So i suggest to you na kailangan mo uli mag try out. But then you dont need it kasi you're failed." Ngiting ngiti kong sabi.

Namula naman siya sa sobrang inis. Nag cross arms at tinaasan ako ng kilay. Ang ganda pa rin niya. Ugh, wala akong sinabi.

Nagtitigan lang kami. Patigasan hahaha. Naputol lang yun nung may pumagitna saamin.

"Hep hep tama na yan. Sad to say den, but its true matagal kang nawala and you need to try out again. And ikaw aly, porket kaaway mo, hindi mo na pagtatry outin. Understand?" Taas kilay na sabi ni ate dzi.

"But ate dzi!-"

"Shut up denden, dun ka na sa mga rookies."hahahaha buti nga.

Habang nakatalikod si ate dzi sakin at kaharap niya si denden. Dumila ako kay denden na sibrang kinapula niya at kinatawa ko ng malakas.

All of us (alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon