The past

38 0 2
                                    

Tumingin ako kay mela dahil siya ang huling nagsalita.

Ngumiti siya pero halatang pilit yung ngiti niya.

"Hey guys, uwi na ako. Lagot ako kay ate dzi pag lumagpas ako sa curfew eh." Natawa ako.

"Hoy mela! Bat ka tumatawa?" Kunot noong tanong ni aly.

"Walaa, takot ka talaga kay ate dzi! Sige na tsupi na!" Natawa naman ako mukha niya.

"Pinagtatabuyan mo ko? Eh kung sabihin ko kaya kay.." Sulyap niya kay kim.

Namula naman ako at tinulak siya palabas.

"Leche ka lumayas ka na nga." Nagpaalam na siya kila kim tas dumila sakin bago lumabas. Ugh 🙄🙄🙄 lakas mang asar.

"Kayo ndi pa kayo uuwi?" Tanong ko kila ara.

Nagtinginan naman silang dalawa ni bang at tumingin uli sila sakin. Ngumiti pa ng nakakaloko. May naisip tong dalawang toh. -.-

"Bakit mela? Gusto mo na kami umuwi?" Tanong ni bang tas sumulyap kay kim.

Buti ndi napansin ni kim. Kumakain eh. Hahaha.

Namula nman ako. "Grabe, tinanong ko lang."

"Bakit? Tinanong ko lang rin naman ah.

"K."

Natawa naman si ara. Tas hinila si bang palabas ng karaoke hub.

"Kim, dude. Bili lang kami ni babe sa convenient store ng beer ah."

"Geh lang dude. Ramihan niyo ah."

"Oke"

At lumabas na si ara at bang. Tumingin naman ako kay kim and nakatingin rin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin.

Nilabas ko na lang yung phone ko tas kunwari may binabasa pero yung totoo tumitingin lang ako ng picture naming dalawa dati. I miss her so much.

Nanatili ang katahimikan or sabihin kong awkward silence hanggang sa hindi ko nakayanan at nagsalita na ako.

"Kim." Tumingin naman siya sakin.

"Yes?"

"Can we talk?"

"About what?" Plain niyang sabi.

"About the past."

"There's nothing we should talk about,mela. It's clear na niloko niyo ako. And please, wag ngayon. Fresh pa."

"But, kim. Hindi naman lagi dapat na ganto tayo. Pati pagkakaibigan natin naaapektuhan."

"Makuntento ka kung ano tayo ngayon. Wala kang karapatang magreklamo dahil ikaw ang nagloko. Pagkakaibigan natin, naaapektuhan? Malamang, wala na akong tiwala sayo eh. Kung hindi ka nga lang kaibigan nila bang, itatrato na kitang hangin eh. Pero syempre respeto na rin sa mga kaibigan ko."

" bakit ndi mo kayang pag usapan? Bakit? Mahal mo pa ba ako?"

Shet, nadulas ako. Napatingin naman siya sakin. Tumitig ako sa mata niya. Wala akong nakikitang iba kundi anger, hatred, sadness, disappointment.

I know i deserve this kind of treatment from her. Masakit aaminin ko pero wala akong karapatang magreklamo.

" hindi Porket nasasaktan pa rin ako, mahal pa rin kita. Napahiya kasi ako mela, nagpakatanga ako para sayo. nagbubulag bulagan ako sa mga nakikita ko. Yung tingin mo sa kanya pag magkakasama tayo. nagbibingi bingihan ako sa mga naririnig ko pag sinasabi nilang niloloko niyo ako. Nag manhid manhidan ako mela nung oras na lumamig yung pakikitungo mo sakin. Kahit alam ko sa sarili ko na nagsasawa ka na. Tinanggal ko sa isip ko yun at inintindi ka. Mela, kaibigan ko kayo ni panaga eh. Anlaki ng tiwala ko sa inyo, lalo na sayo. Pero wala eh, sinira niyo."

May tumulong luha sa mata niya.

Umiwas ko ng tingin sa kanya at ndi ko namalayan na umiiyak na ako.

"Im sorry"

"Hindi ko pa matatanggap yan ngayon. Pero pag ito, nalagpasan ko, ako pa hihingi mismo ng closure sayo at sasabihin kong napatawad ko na kayong dalawa. Be happy mela, pinili mo si panaga kesa sakin kaya alam kong mas sasaya ka sa kanya."

Tumayo na siya at lumabas ng hub.

Napatingin ako sa pinto at tumulo uli luha ko.

"Tama ka kim, pagsisisihan ko ang pagpili sa kanya kesa sayo."

________________________
Flashback po ng fatunay ang next chapter. Siguro mga 2 or 3 chapters then ibang loveteam na.

All of us (alyden)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon