2: Pula daw eh.

217 3 4
                                    

"Oh, lalim ng iniisip natin ah?" Sumulpot bigla si Jaja sa likod ni Sehun. Napatingin naman ito dahil narinig nya ang salitang Oh. It seems familiar...









"Hello!!! Ayos ka lang? Bat natulala ka?" Winagayway ni Jaja yung kamay nya sa harap ni Sehun. Natauhan naman ito at umayos ng upo. Nag mumuni kasi si Sehun sa labas ng kubo. Dalawang araw na din kasi ang nakalipas simula nung magising si Sehun.







"Mianhe." Sabi ni Sehun. Hindi naintindihan ni Jaja ang sinabi nya kaya naupo nalang siya sa tabi ni Sehun.















"Hay... Alam mo nakakainggit ka. Nawala ka sa mundo mo at nakalimutan mo lahat.... Lahat ng nangyari sayo dati. Siguro kung may problema ka, ang swerte mo dahil hindi mo naaalala lahat ng yun. Sana ako rin..." Hindi man naintindihan ni Sehun ang sinasabi ni Jaja, pero interesado siya. Dahil mukhang malungkot si Jaja at may sinasabi ito na problema. Nakikinig lang siya at nakatingin kay Jaja.

















"I know u dont anderstan me. Its oki. Alam mo, minsan lang ako maglabas ng problema kaya wag ka magulo. Hehehe." Tumatawa man si Jaja, nakikita at nararamdaman ni Sehun ang lungkot sa likod ng tawang yun. "Yung problema ko, siguro mula dito hanggang kung san ka galing. Yung tuition fee ni Itoy sa eskwelahan, hindi ko pa nababayaran. Ni hindi ko rin alam kung may kakainin tayo mamaya. Tapos... Tapos yung may ari ng lupa ng kinatatayuan ng bahay natin, naniningil na. Jusmiyo. Ano ba to." Medyo napaface palm si Jaja at umiling. Si Sehun naman, napatingin siya sa malayo. Iniisip kung paano niya mapapagaan ang loob ng kasama niya. "Hirap talaga pag wala yung mga parents no?"















Narinig ni Sehun ang salitang 'parents'. Yun lang ang naiintindihan nya, pero mukha nagest nya na kung anong sinasabi ni Jaja. "Parents." Sabi nya sabay turo kay Jaja, "Where?"



















"Tinatanong mo wer are my parents?" Tumango si Sehun, "Ah. Ano ba, pinapaalala mo nanaman eh. Pero.... Sige, papadaliin natin. My parents. Died. Long time ago."













Medyo nanlaki ang mata ni Sehun sa narinig nya. Kaya pala hindi nya nakikita ang parents ni Jaja, yun pala patay na. At kaya pala si Jaja ang nagtataguyod kay Itoy.













"Serprays? Hahahah. A car. Bang! Nabangga sila. Walang hiya yung kutunglupa na bumangga kay ima at papa, hindi man pinanagutan yung pagkakabangga nya sa kanila."













(Author's note: pasingit. HAHAH! Ima means mommy/nanay sa Pampanga. Kapampangan po si Jaja, di ba? And since kapampangan ako, akong bahala sa translation jan. UKI BYE.)











"Simula nung namatay sila, naiwan sakin si Itoy. At sa maniwala ka't sa hindi, Itoy, not really my brader. Inampon lang siya nila ima nung araw na nabangga sila. Gusto kasi nilang magkaroon ng anak na lalaki, kaso masyadong maselan ang pagbubuntis ni ima. Muntik na nga siyang namatay nung pinanganak niya ako eh. Kaya ayun." Unti unti nalang tumulo ang luha ni Jaja pero di nya ito pinansin, "Tapos.... Tapos milagro pang naligtas si Itoy mula sa aksidenteng yun. Binilin sakin ni ima si Itoy na mahalin ko daw siya at alagaan. Kaya ayan..."















Isa... Dalawa... Tatlong luha ang sunod sunod na pumatak mula sa mata ni Jaja. "K-kasi naman eh.. Hindi ko pa kaya na wala sila..."













Lost In Her Neverland [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon