3: tR3$ b!tcHacHa$zxc

116 4 4
                                    

"440.. 470.. 500!! YESSSSS! ANDAMI NATING BENTA NGAYON!" Deklara ni Jaja at nagpasuntok-suntok pa sa hangin sa sobrang tuwa. Nagbibilang kasi sila ng mga kinita nila mula sa pagtitinda ng abaniko, puto, at kutsinta buong maghapon.



Ilang araw na nga ba si Sehun kila Jaja? Mga mag-iisang linggo na rin siya. At nasanay na sya sa pamumuhay doon sa bukid, dahil kahit medyo mahirap makaraos sa isang araw, masaya naman silang tatlo kahit papaano. Si Sehun, ayun. Naging instant tutor ni Itoy. Basic English lang naman kasi kaya yakang yaka ni Sehun iyon. Sa pananaw naman ni Itoy, napakaswerte niya. Dahil may ate na syang hindi siya pinapabayaan, may kuya pa syang gumagabay sa pag aaral nya kahit sign language lang ang komunikasyon nila sa isa't isa.




Natututo na rin si Sehun ng mga ilang pilipinong salita katulad ng 'oo', 'hindi', 'wag', at 'sige'. Kaso nga lang ay nahihirapang bigkasin ni Sehun ang salitang 'sige' dahil ang pagkakasabi nito ay 'thige'. Tawang si Jaja sa kanya nung marinig nito mula kay Sehun ang 'sige'. Tinawag pa nga ni Jaja na 'pakat' si Sehun. 'Pakat' ang tawag ng mga Kapampangan sa mga taong may lisp, yung hindi makapagpronounce ng letrang S ng mabuti.




"Itoy, punta nga kayo ni Sehun sa tindahan. Bili kayo ng bigas at kapnudels. Kasya na siguro yang 200 'no? Itatabi ko muna 'tong 300 para sa tuition mo," sabi ni Jaja kay Itoy sabay bigay nung pera. Tumango naman si Itoy at hinatak na si Sehun palabas ng bahay kubo.



Nang makalabas na sila at naglalakad, lahat ng taong madaanan nila ay mapapatingin kay Sehun. Oo nga pala, isa itong gwapong dayo sa lugar nila kaya kapansin-pansin ito. And as usual, naka-bitch face lang si Sehun at hindi na inintindi ang mga tao na nakatingin sa kanya. Pakiramdam nya kasi sanay na sya sa atensyong nakukuha nya ngayon.





Nakarating na sila ng tindahan at nadatnan doon si Mikay, ang baklang bespren ni Jaja. Nakikipag chikahan ito dun sa tsismosang tindera habang bumibili.




"Oh, hi fafa Sehun!! Naku, buti naman at lumabas ka na sa lungga mo. Kumusta na ang gwapong dayo?" Sabi nito bilang salubong kay Sehun. Syempre hindi sya naintindihan ni Sehun kaya hindi nya ito sinagot. Tumingin nalang ito kay Itoy at hinihintay nitong itranslate ang sinabi ni Mikay para sakanya.




"Kumusta ka na daw?" Signal ni Itoy.



Nagthumbs up naman itong si Sehun kay Mikay at bahagyang ngumiti. Tumili naman ang bading na lukaret dahil sa killer smile ni Sehun. Gwapong binata kasi, tsk.




"Aba, aba! Kalantung na nini! (Ang landi nito!) Ninu ya wari yan? (Sino ba yan?)" Tanong ng tinderang si Sel Ler o kilala bilang Aling Sel kay Mikay. Kapampangan din ito kaya ganyan sya magsalita.




"Ay, 'nuko neh, atching Sel. Bisita neng Jaja yan. Koreanu ya. Neng kasanting, ne? (Ay nako no, ate Sel. Bisita ni Jaja yan. Koreano sya. Ang gwapo nya 'no?)" Sagot ni Mikay kay Aling Sel. Nagpakilala naman ng maayos si Aling Sel kay Sehun at ganun naman din si Sehun, with matching 90 degree bow pa.




Pinagbilhan na ni Aling Sel si Itoy at Sehun ng bigas at kapnudels para makaalis na. Pahakbang palang paalis si Sehun nang marinig nito ang malakas na pag sabi ng, "Salwan nang X.O. candy! (Pabili ng X.O. candy!)"


Nagpantig ang mga tenga nya. X.O, X.O..... San nya nga ba narinig iyon?



Napalingon ulit si Sehun sa tindahan at may nakita syang tatlong babae. Hindi lang basta-basta tatlong babae, sila ang 'tR3$ b!tcHacHa$zxc' na kilala sa buong bayan ng San Juan dahil sa pagiging maganda, mayaman, sexy..... At jejemon.






Lost In Her Neverland [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon