1: Neverland~

289 3 0
                                    

Third Person's POV







"Ugh...."









Nagising ng sinag ng araw si Sehun. Tanghali na ito nagising. Pinipilit nyang tumayo pero masakit pa yung katawan niya. Tinignan nya yung paligid nya, at hindi ito pamilyar, dahil napapaligiran siya ng.... nipa.











O bahay kubo? Hindi nya alam. Basta nakikita nya, may upuan, may mesang yari sa kahoy, at puro nipa. Malamang, nasa isang bahay kubo nga siya. Pero hindi nya maalala kung pano sya nakarating doon.... at kung sino siya.







Pero bakit siya nandoon? Hindi naman niya kabisa ang lugar. Nang tinignan nya ang sarili nya, naka mangas siya at may dahon dahon sa noo at sa mga bisig nya.








"Bilis! Itapon nyo nalang yan dyan!"





"Eh pano kung may makakita sa kanya? Gago ka ba?!"









"Mapapagalitan tayo kay Supremo pag di mo tinapon yan dyan! Dali!!"







"No... Stop, please.."





























"Oh, gising ka na pala. Tayo ka na dyan, kakain na tayo. Tas magtatanong tayo sa bayan para itanong saan ka nakatira." Nagulat si Sehun sa nagsalitang babae. Mukhang kasing edad lang ni Sehun at may kagandahan ito ngunit hindi halata dahil asal tomboy siya. Pero hindi na inintindi ni Sehun kung sino man ang kausap nya dahil pilit nya kasing inaalala kung sino yung mga taong nakikita nya sa panaginip nya.













"S-sino ka?" Oh, at dahil uso na ang Google Translator ngayon eh nagpa install na ako sa utak ko. Imaginin nyo nalang na nagsasalita ng Korean si Sehun at natranslate na para sa inyo. Hindi nga lang sya naiintindihan ng mga fictional characters ko dito.











"Teka, teka. Bisaya ka? O Ilocano? O baka naman Ilonggo? Paki ulit nga yun?" Sabi ng babaeng nakatayo sa harap niya. Ano? Ang naitanong nalang ni Sehun sa sarili nya.











"Aynako. Gutom ka no? Teka." Lumingon ang babae sa direksyon sa labas ng kubo at sinabing, "Itoy! Halika sandali, tulungan natin itong lalaki para makatayo't makakain na.." Isa naman batang lalaki ang pumasok sa kubo at inakay si Sehun. Mukhang nasa otso anyos na ito.









Inakay nung babae at nung batang lalaking nagngangalang Itoy si Sehun papuntang mesa. Doon, nakahapag ang mainit pero kakarampot na kanin, talbos ng kamote at gatas ng kalabaw. Napatingin naman si Sehun doon. What is this?









"Ah, pag pasensyahan mo na yang naihanda ko ah? Wala kaming kita ni Itoy ngayon eh. Pero di bali na, may raket kami mamaya ni Itoy dyan. Mamayang gabi baka sinabawang kangkong naman ulamin natin. Ano nga palang pangalan mo?" Nagsimula nang kumain ang babaeng kaharap niya gamit ng kamay kaya kuntodong nagtaka si Sehun. Hindi ba sila gumagalit ng kutsara, tinidor o kaya naman eh chopsticks? Nakataas pa ang paa ng dalaga sa upuan na parang siga kumakain.











Tumingin parin ng nakapagtataka si Sehun sa babaeng kaharap niya. Dahil una, nagtataka parin ito kung sino sila.











"Lintek. Hindi ata to nakakaintindi ng tagalog, Itoy, eh. Uh... Pano ba to..." Sabi ng babae at kinamot ang ulo nya, "Ah.. Uh... You.. Name. Washyorneym?" Sabi nito at ginalaw galaw nya pa ang kamay nya para maintindihan ni Sehun. Napick up naman ito ni Sehun na tinatanong ang pangalan nya. Kaya lang....











Lost In Her Neverland [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon