7: Last Memory

62 1 0
                                    




Mabilis ang takbo ng sasakyan ni Simon papunta sa mumunting bahay ni Jaja, kasama na rin si Mikay at Itoy na nasa backseat. Napakatalino ni Itoy para makapunta at makapuslit sa bahay nila Simon dahil ekslusibo iyon pero dahil na rin siguro sa panic, hindi nya namalayan kung paano nya nagawa iyon. Basta ang alam lang ni Itoy, natatandaan nya kung saan papunta ang bahay ng dating pinagtatrabahuan ng ate nya dahil minsan nya na rin itong sinama roon.

Tahimik lang sila sa sasakyan. Tanging ang buga ng aircon lang nito at ang makina ng kotse ang naririnig nila. Kinakabahan si Jaja, hindi nya alam ang uunahin nyang isipin sa utak nya. Una, disrespeto kay Ma'am Synthea na hindi magpaalam kahit isang pagkumpas lang ng kamay. Biruin mo, nasa harapan nya na ito kanina pero kahit isang mapagpaumanhing ngiti ay di nya ito binalingan.

Pangalawa, itong gabing ito ay nakalaan para kay Simon. Kasi nga, gusto syang makasama nung tao, tapos sya pa mismo ang naghatid sa bahay nila ng maaga dahil kay Sehun? Pambihira. Sinilip ni Jaja si Simon at ang binata ay seryosong nagdadrive at diretso lang ang tingin. Bahagyang nakakunot ang noo nito at mariin na nakadikit ang labi. Sobrang gwapo parin pala talaga nya kahit madilim, pero hindi yon ang kaso. Baka galit sya. Baka magtampo sya kasi heto nanaman tayo, si Sehun ang dahilan bakit siya iiwanan ni Jaja.

Pangatlo, ano ba kasi talagang nangyari dun sa damuhong si Sehun? Ang sabi ni Mikay kanina ay sobrang sakit daw ng ulo nya. Pero matagal na yung huling atake ng sakit ng ulo nya, baka naman nakakaalala na sya ngayon? Sana hindi sya lumabas ng bahay, baka mapahamak nanaman sya pag nagkataon.

Natigil ang pag iisip ni Jaja nang nahinto ang sasakyan. Paano kaya nalaman ni Simon ang bahay nila Jaja? Narinig nya ang unang pagbaba sa likod ni Mikay at Itoy pero sya ay di parin nakakababa.

"S-simon... Pasen—"

"He needs you. Sige na, bumaba ka na," mahinahong sabi ni Simon at hinawakang marahan ang kamay nito. For the nth time, he gave her a warm, reassuring smile.

Tinignan ni Jaja si Simon ng diretso. Maswerte sya at ganito kabait ang binata, kasi kung tutuosin pwedeng pwede ito magalit nalang, hindi sila ihatid at di na sya pansinin kailanman... Pero hindi. Nagawa parin nyang maging mabait sa kanya.

"Don't look at me like that," sabi ni Simon at pabirong ginulo ang buhok ni Jaja. Napangiti naman si Jaja kasi hindi nya ito sinungitan. Bababa na sana si Jaja nang balikan nya si Simon at niyakap ng mahigpit at sinabing, "Salamat, Simon."

Mabilis din naman kumalas sa pagkakayakap si Jaja at tumakbo papunta ng bahay. Nakakahiya yung ginawa nya! Pero in fairness, ang bango-bango ni Simon. Bigla syang nakarinig ng sigaw mula sa bahay. Paksyet! Si Sehun nga pala! Talandi kasi tong si Jaja, nakalimutang nya tuloy si Sehun.

Pagpasok nya ng bahay, nanlaki ang mata nya.

Ang gulo!

Nagkalat ang kaldero, kumot, at kung anu-ano pang bagay na madaling mabato. Mabuti nalang ay di babasagin ang mga baso kung hindi, nako!

Nadako ang tingin ni Jaja kay Sehun na kasalukuyang nasa sahig at sinasabunutan ang sarili. Para itong bata na nakadikit ang paa na nakaupo, umiiyak, at parang inagawan ng laruan. Pwera rito, sumasakit ang ulo nya. Sumisigaw sya ng mga kung anu-ano pero hindi maintindihan ni Jaja. Pilit syang pinapatahan ni Mikay at ni Itoy pero hindi ito nakikinig. Tinutulak pa nga sila ni Sehun palayo.

Sinensyasan ni Jaja si Mikay at Itoy na lumabas muna na sya namang sinunod ng dalawa. Lumuhod si Jaja kay Sehun para magkapantay sila, tsaka unti-unting hinawakan ni Jaja ang mga kamay ng binata.

"Sehun... Shhh.. Si Jaja ito," natigil sa pag-iyak si Sehun nang marinig ang boses ni Jaja. Nandito na siya!

Tinignan ni Sehun si Jaja ng namumula pa ang mata at may luhang tumutulo sa pisngi nya. Pawis na pawis ito dahil nakakulob lang sya sa isang tabi at mukhang nagwala pa nga ito kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost In Her Neverland [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon