4: Epekto ng Blood Moon

133 3 0
                                    

"Ya~ Sehun! Ayos ka lang? Naku naman. Nasan na ba si Itoy?" Balisang-balisa na si Jaja habang yakap-yakap si Sehun. Sumasakit nanaman na kasi ang ulo ni Sehun at nagsisisigaw ito ng malakas. Meron pa nga itong sinasabing hindi maintindihan ni Jaja, pero malamang sa malamang nagsasalita ito ng korean. Si Itoy naman, nasa eskwelahan pa siguro pero dapat sa oras na ito eh nakauwi na sya.

"Nae~ Luhan hyung~ bogoshipeo~" at ngayon at umiiyak na si Sehun. Aakalain mong binabangungot sya pero mukhang hindi naman.

"Pakshet. Ano ba yan? Ang gulo nya." Inayos ni Jaja ang pagkakahiga ni Sehun tsaka hinaplos yung noo nyang pawis na pawis na, "Sehun... Tama na. Nandito ako, oh. Shh."

Natandaan tuloy ni Jaja na tuwing umiiyak si Itoy kapag natutulog nung bata ito ay kakantahan lang niya ng paborito nyang "Tulog Na".

Tama! Iyon nalang ang gagawin nya kahit hindi gaanong kagandahan ang boses niya (joke lang, maganda naman talaga boses nya, pahumble lang ang gaga). Siguro naman maging okay na si Sehun. At sana, marinig nya ito.

Tulog na, mahal ko

Hayaan na muna natin ang mundong ito

Lika na, tulog na tayo.

Tulog na, mahal ko

Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama

Saka na mamroblema

Unti-unting kumalma si Sehun. Tumigil na sya sa pag ungol at pagpiling ng ulo. Pinunasan naman ni Jaja ang malapit nang matuyong luha ng binata.

Tulog na, hayaan na muna natin sila

Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan

Kung matulog, matulog ka na...

Napansin ni Jaja ang mapupungay na mata ni Sehun. Ang matangos nitong ilong. Ang pagkakaroon nito ng napakaputing kulay ng balat. Kung lalagyan ito ng kolorete at pekeng buhok, magmumukha itong babae. Isama mo pa ang mapula at malambot nitong labi. Pero itong nasa harapan ngayon ni Jaja... Isang napakagwapong lalaki na mistulang hulog ng langit para sa kanila.

Tulog na, mahal ko

Nandito lang akong bahala sa iyo

Sige na, tulog na muna

Tulog na, mahal ko

At baka bukas ngingiti ka sa wakas

At sabay natin haharapin ang mundo...

Sinuklay ni Jaja ang daliri nya sa buhok ni Sehun. Inulit-ulit nya iyon hanggan sa maging kalmado na ito at natulog ulit. Medyo naiilang na nga si Jaja sa pwesto nila ngayon dahil nakaupo sya sa gilid ng kama at nakayakap si Sehun sa baywang ni Jaja habang nakahiga, animo'y parang bata na anytime eh iiwanan ng nanay nya.

Tulog na, hayaan na muna natin sila

Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan

Kung matulog, matulog ka na...

La la la~ La la la~

Nang sa tingin ni Jaja ay hindi na magigising si Sehun, unti-unti nitong tinanggal ang brasong nakapulupot sa baywang nya. Akmang tatayo na sana sya nang biglang..

"Hmm.. Kajima.." Ani Sehun at hinatak nya papalapit si Jaja kaya walang nagawa ang dalaga kundi umupo ulit. Lalo pang hinigpitan ni Sehun ang pagyakap kay Jaja. Nung una ay medyo awkward kay Jaja pero napangiti nalang ito dahil sa paglalambing ni Sehun. Cute daw kasi.

"Luhan... Hyung.." Inulit ni Sehun iyon sa mas mahinahong tono ng pananalita, na parang alam nyang ligtas na sya dahil kasama nya na ang hyung nya. Ngumiti ito ng tulog. Nagulat naman at kung ano pang naramdaman ni Jaja nang marinig nya iyon. Dismaya? Pagkalungkot? Pagtatampo? Hindi nya alam. Pero isa lang ang nararamdaman nya...

Lost In Her Neverland [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon