chapter 2 [ASAWA!!!]

301 8 2
                                    

pasensori po sa lahat ng mga nabigo ko na maganda ang next update. nabura po kasi ito eh kaya inulit ko na lang ulit. tnx nga pla sa nagfollow sa akin love you all much :)

sana magustuhan ninyo po . baka matagalan ulit ang update sisingit ko na lang ulit tnx :)

chapter 2 [ASAWA!!!]

AMBER POV

"ASAWA!!!... SILANG DALAWA ???"

"oo naman aming princess" nakangiting sabi ng dalawa..

ganun ba talaga sila magsalita talagang sabay??.. pero ang cute nila kapag nasasalita ng sabay :).. HALA? anung pinagsasabi ko?

"teka? ang alam ko kapag ikakasal sa iisang tao lamang bakit naman dalawa?"

"yun nga princess may kailangan kang malaman......" sabi ni Xander

"anu yun?"

"na kami ay mga bampira at ikaw ang aming soulmate dahil sa kambal kame" dugtong naman ni Alex.

"huh? nababaliw ba kayo o maluwang lang ang turnilyo ninyo? walang mga bampira sa taong ganito no?"

"hayaan mo kameng magpaliwanag princess" pakiusap sakin ni Xander.

nakita kong sincere si Xander kaya hinayaan ko silang dalawa na magpaliwanag kahit na natatakot ako at handa ng lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko.

"kaming dalawa ay mga bampira........halata din na kambal kami tungkol dun sa sinasabi mo na kung bakit dalawa kaming mapapangasawa mo eh dahil nga sa kapag kambal iisa din ang kanilang soulmate. ang soulmate naman ay isang kahati mo kapag wala ang isa mararamdaman mo na parang kulang ang pagkatao mo hahanap hanapin mo siya" sabi ni Xander.

ahh.. totoo pala yung mga nababasa ko sa library tungkol sa mga bampira. Pero hindi ko naman akalain na totoo pala sila, nahilig lang naman ako sa kanila kasi parang napaka mysterious nilang creatures......yun pala mapapangasawa ko pa ang dalawa sa kanila???..

"ehh?" ang akward naman kung sasabihin ko sa kanila na bakit dalawa ang papakasalan ko ayos lang ba sa kanilang dalawa na magkahati sila sa akin?..

"princess ayus lang sa amin yun" sabi ng dalawa.

"huh? wala naman akong sinasabi ah? anung sinasabi ninyo?" ang gulo nila ah

"na ayus lang sa amin na dalawa kaming papakasalan mo" sabi naman ni Alex

hayys wala na ata akong magagawa kundi ang pakasalan ang dalawang ito...

XANDER POV

hays... hindi pa ata kame tanggap ng aming prinsesa pero gagawin namin ang lahat para magustuhan niya kaming dalawa nangangako ako..

-sa hapag kainan-

habang kumakain kami ng hapunan....oo kami nga nakakain naman din kami ng pagkain ng mga tao ah..hindi na lang puro dugo no? hindi naman kami masama eh mga prinsipe kame ni Alex sa kaharian namen hindi p namen nasasabi kay prinsesa kasi baka magulat nanaman siya at mahali........huh?? grabe gnun na nga siya ka cute at naiisip ko ito tsk.... 

napatingin ako kay Alex at parang ganun din ang iniisip niya?..tsk kambal nga kame talaga..

 "ahm.... Amber pede ka bang makausap?. pagkatapos nating kumain ng hapunan? may kailangan lang kameng ipagtapat  sayo"

"sige" sabi ni prinsesa.

AMBER POV

anu naman kaya yung sasabihin sa akin ng dalawa? nakakacurious tuloy. pero kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon anu kaya ang sasabahin nila sa akin?

_pagkatapos ng hapunan_

nandito na kami ngayon sa hardin dahil mas tahimik dito, maganda ring mag usap sa ganitong lugar dahil mabango ang simoy ng hangin dito. puro bulaklak kasi dito.

"a-anu ang s-sabihin ninyo sa akin?" halos mabulol na sabi ko.

"ahmn. prinsesa kailangan mong malaman na kaming dalawa ay mga prinsipe ng bampira. Kailangan namin sabihin sayo to dahil ayaw namin maglihim sayo, at upang maproktektahan ka namin." sabi ni Alex.

"at upang mangyari yun na nalalaman namin kung nasaan ka kapag nawala ka kailangan natin na magpalitan ng dugo." sabi ni Xander ng nakayuko, siguro iniisip nito na hindi ako papayag hahahaha nakakatawa naman siya.

ayus lang naman sa akin na ganun upang maging blood bonded na kami ayoko rin kasi na may mangyaring masama sa akin pati na sa pamilya ko.

"sige pumapayag na ako" nakangiting sabi ko.

pagkasabi ko ng mga salitang iyan parang nabunutan ng tinik ang dalawang kambal hahaha nang mag angat ang ulo nila parang paluha na sila. 

"prinsesa talaga bang ayus lang sayo?" nagtatakang tanong ni Alex sa akin. tumango na lang ako upang sagutin ang mga tanong nila.

"Ahm... prinsesa masakit lang ito sa una pero tiisin mo ah?" papalapit na sabi ni Alex.

nang nakalapit na sa akin si Alex ay hinawi niya ang buhok ko at hinalikan ang kakagatan niya, nakaramdam ako ng matulis na bagay na malapit sa aking balat at bigla nalang bumaon ito sa leeg ko. napasigaw ako ng malakas sa sobrang sakit ng pagkakabaon ng pangil niya. pero unti unting nawawala na ang sakit at napapalitan ng kakaibang sensasyon. naramdaman ko na parang nauubos ang buhay ko pero mayamaya ay tumigil siya at dinilaan ang pinagkagatan niya sa akin upang maghilom ito.

pagkatpos naman niyang makuhanan ako ng dugo ay siya naman ang kumagat sa braso niya at inalok sa akin. tinanggap ko naman at unang lasa ko ay mapait pero tinuloy ko pa rin ang pag inop ng makuntento na naman ako ay tumigil na din ako. parang nakaramdam na ako ng pagkakonekta ko kay Alex parang ayaw ko na siya mawalay sa akin.

si Xander naman ang kakagat sa akin, hindi na siya masakit dahil parang may kakaiba sa pakiramdam ko ngayon parang malakas ako dahil sa pag inom ng dugo ni Alex. ganun din ang proseso na ginawa namin ni Xander. pero ng mainom ko ulit ang dugo niya ay mas lalong lumakas ako? 

nang matapos ang pagiging blood bonded naming tatlo ay nagpasyang magpaalam ng dalawa sa akin. 

nakakalungkot tuloy ng mag isa na lang ako sa kwarto ko. parang namiss ko agad sila.... o namimiss ko talaga sila?

hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog ako na sila ang iniisip ko.

hanggang dito na muna tau ha? hindi kinaya ng brain cells ko eh sakit sa bangs kumulot tuloy.

vote, comment, and be fan :))

blood_coss09

Married To Two Vampire?? [Two Of Them Is My Soulmate?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon