Ika-labing Dalawang Kabanata

3.7K 142 9
                                    

Hello guys!!

So ito na po ang update ng genie. Pinagisipan ko pa talaga kung maga-update ako. Pakiramdam ko kasi pangit ang chappy na ito. Pero keber lang. Ito lang kinaya ng brain ko eh. Haha. Pagtiyagaan nyo na lang muna. :))

Babe InspiredbyChriss  gising ka na ba? Kumain ka muna ng dinner. Then Basahin mo na po ito afterwards. :) i love you lagpas pa sa sampung daliri ko. Haha. :*

-unedited

-Chriss14<3

⚢•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•⚢

Marga's P.o.V

"Marga, okay ka lang ba?" Naga-alalang tanong ni Ash sa akin ng makita nya akong napaluha. Tumango lang ako sa kanya matapos kong punasan ang luha ko. Nabasa ko kasi yung post ni Stace.

"My little toy is back. First day pa lang nya, so much entertainment na ang binigay nya. Bukas ulit love!"

At tumatagingting na 801 likes na ang post nyang iyon. 209 comments na nagsasabing cool daw ni Stace at loser daw ako. Pero ng mabasa ko ang mga reply ni Stace na basura ako at ang buong pamilya ko. Lalong kumulo ang dugo ko sa kanya. Hindi ako ganito. Never akong nagtanim ng galit sa tao. Kay papa nga hindi ako nagalit eh. Pero sumosobra na kasi itong Stace na ito. Pati pamilya ko dinadamay.

"Are you okay lang ba talaga?" Tanong ulit ni Ash sa akin. Tumingin ako sa kanya at tumango. "What's wrong ba? Bakit ka umiiyak?" Hindi din nila ako nakita kahapon na madumi dahil sakto pagdating ko sinamahan nya pala sina mama at lola sa mall. Si The Rock lang at Kiel ang may alam ng nangyari.

"Wala nga Ash. Ang kulit mo. Matulog ka pa, madaling araw pa lang." Inis na sabi ko sa kanya at ibinaling ulit ang tingin sa timeline ni Stace.

"Kanina ka pa kasi dyan eh. Matulog ka na. May pasok ka pa mamaya diba?" Tanong sa akin ni Ash. Hay ang kulit. Tumango ako sa kanya at saka nag scroll down sa timeline ni Stace. Nagiisip ako kung paano ako gaganti sa kanya. Sa kanila.

"Sige ka papangit ka nyan." Sabi nya pero di ko sya pinansin, naramdaman kong nagtalukbong na sya ulit para matulog.

"Ang sungit." Bulong niya.

"Anong sabi mo?" Iritable kong tanong kay Ash at saka siya nagsalita ng wala po. Tsk. Ewan.

Teka. Pangit daw???

"Ash!" Sigaw ko sa kanya at agad syang napabalikwas sa kama.

"Marga ano ba?? Bakit ka ba nanggugulat??" Nakita kong medyo umilaw ng dilaw yung kanyang mata. Hala! Ibang kulay naman ngayon! Si Ein na natutulog sa kanyang kama ay nagulat din pero naghikab lang siya at saka natulog muli ng makitang kami lang 'to ni Ash.

"B-bakit dilaw ang mata mo??" Gulat kong tanong sa kanya at napalayo ako sa kama.

"Psh. Ganito ang kulay ng mata namin kapag sobrang gulat or stressed or depressed. Tsk." Paliwanag nya at saka naupo sa dulo ng kama at saka tumitig sa akin. Maya maya pa ay nawala na yung pagkadilaw ng kanyang mga mata. Natakot ako dun ha. Akala ko kasi kung ano na namang delubyo ang magaganap!

"Bakit nga ba nanggugulat ka??" Tanong nya sa akin habang nagtatali ng kanyang buhok. Kitang kita ko tuloy ang kanyang maputi at makinis na batok.

"Ahh. Uhm. A-Ano." Wala sa isip kong sagot. Nadistract kasi ako bigla sa kanyang batok eh. Ano ba yan.

"Huh?" Takang tanong nya sabay lingon sa akin. At dun ko lang naalala ang sasabihin ko sa kanya.

Genie in a Bottle...of Tequila?? (girlxgirl) #wattys2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon