Ika-labing Walong Kabanata

2.6K 121 26
                                    

Marga's P.o.V

"Ash! Bilisan mo! First day ng school ayokong ma-late!" Naiinis kong sigaw sa may hallway bago ako bumaba sa grand staircase ng mansion.

Nakasimangot akong lumabas ng mansion at saka sumandal sa hood ng aking kotse.

First day kasi ng klase sa uni ngayon. Ayokong ma-late kasi first impression lasts nga naman talaga.

Yung buong sem break ko, inaayos namin ang papers ni Ash. Akalain mong may mga requirements siya galing sa academy nila?? Nagmukha tuloy na secondary course na niya ang culinary! Tsk. Naunahan pa ko!

"Miss Marga, hatid ko na po kayo?" Tanong ni Dwayne sa akin ng makita niya akong nakasandal sa hood ng kotse.

"Ahh no need Dwayne. I got it. Magaling ata akong mag-drive. Mana sayo eh." Natatawa kong sabi at napangiti ko na naman si Dwayne dahil sa sinabi ko. Proud siya dahil siya nagturo sakin mag drive.

"Okay Miss. Ingat po kayo." Sabi ni Dwayne at saka naman siya tinawag ni Carlos, isa sa kasambahay namin. Humihingi ng tulong since matangkad at malakas itong si Dwayne.

"Haist." Napabuntong hininga ako dahil nakita ko ang oras sa aking watch. Ang tagal ni Ash!! Baka mamaya niyang trapik eh!

At sakto pagkasabi ko nito ay lumabas si Ash sa pinto ng mansion. Napanganga ako sa kanyang suot.

Naka black, maroon, red and white checkered siyang palda na hindi lalagpas sa kalahati ng kanyang thighs. Nakablazer siyang maroon na may logo ng uni namin at sa loob nito ay longsleeves polo na pangbabae, I think. Tapos may necktie siyang kulay maroon din. Kapareho ng aking uniform noong freshmen hanggang sophomore. Ngayon kasing third year pwede na kaming mag-civillian. Depende na sa kurso mo kung ano ang uniporme or kung mayroon man.

Ang cute ni Ash my ghad! No, scratch that. She's so freaking hot sa suot niyang damit. Bagay na bagay sa kanya!! Shit. Natutuyuan ata ako ng laway!

"H-hi." Nahihiyang bati ni Ash sa akin.

"H-hey..." My goodness! Bakit naman ako nautal. Shemay parang ang init dito.

"O-okay lang ba? Feeling ko kasi medyo tight yung uniform eh? Pero baka feeling ko lang yun. Pero next sem naman daw may ibibigay silang uniform na pang-chef." Nahihiya niyang sabi habang nakatingin sa kanyang uniform.

Hindi ko siya masagot kasi nahihiya akong sabihing ang hot niya. Baka kung anong isipin niya sa sinabi ko diba?

Naglakad na lamang ako papunta sa driver's side at nagsabing baka ma-late kami. Alam ko nalungkot si Ash dahil di ko pinansin ang tanong niya.

Hinintay kong sumakay si Ash at tama nga ako, nakasimangot ito na para bang nalugi. Sasabihin ko sanang mag-seatbelt siya pero kusa na siyang nag-seatbelt. Sayang. Ano ang sayang aber?? Sabad mg mahadera kong utak. Uhm. Sayang lang kasi ako na sana ang maglalagay ng seatbelt niya? You know. Safety first? Tsa-tsansing ka lang kamo! Aba't?! Syatap brain!

Nag-drive na ako papalabas ng aming property at diretso sa EDSA. Tama ako. Medyo traffic na nga. Haist. Sana hindi kami ma-late.

Nanaig ang katahimikan sa amin ni Ash. Alam kong nakatingin siya sa labas ayon sa aking peripheral vision. Hindi din ako makatingin sa kanya kasi natetempt akong tumingin sa makinis niyang legs. Kainis! Manyak! Buset ka brain!

Binuksan ni Ash ang radio makalipas ang ilang minuto. Siguro nao-awkwardan na siya sa katahimikan namin. Buti mellow lang yung kanta at medyo mahina kaya hindi masakit sa ulo.

Lumipas ang ilan pang minuto at naiinis na ako sa katahimikan. Hindi ko na matiis pa and out of nowhere bigla akong nagsalita.

"You look beautiful in your uniform..." Mabilis kong sabi and I am waiting for a response mula kay Ash pero wala. Bingi ba 'to?? Kaya ng tumigil ako sa stoplight ay agad akong lumingon kay Ash. Nakatingin siya sa kanyang mga kamay na nasa kanyang lap at namumula ito.

Genie in a Bottle...of Tequila?? (girlxgirl) #wattys2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon