Ika-labing Anim na Kabanata

2.7K 126 35
                                    

Marga's P.o.V

"Marga? Have you been to an amusement park?" Tanong ni Ash out of nowhere habang nakahiga sya at naga-ipad at ako nama'y nagsusuklay ng buhok.

"Hmm? Oo? Sa enchanted kingdom." Sagot ko naman sa kanya.

Umupo siya sa kama ko at humarap sa akin.

"Enchanted kingdom?! Is it really enchanted?!" Mahahalata sa boses nya ang curiosity at excitement.

"No Ash." Natatawa kong sagot sa kanya. "Name lang yun ng amusement park. Pero yes, somehow echanting siya kasi ang daming rides and ang cool ng park na yun." Explain ko sa kanya.

"Hmm? Rides? What do you mean?" Takang tanong nya sa akin. I looked at her reflection sa mirror at nakita kong naka tilt sa kanan ang kanyang ulo. Ang cute talaga ni Ash.

"GMG!" natatawa kong sigaw.

"Ano ba yang mga sinasabi mo? Paki explain please?" At hindi nga ako nagkamali, she's pouting kasi di na naman nya maintindihan ang sinasabi ko.

"I mean, Google Mo Girl. Kaya ka nga may ipad eh." Naiiling na sabi ko at napa oo nga naman siya. Agad nya itong hinanap sa google at maririnig mo sa kanya ang samu't saring mga paghanga.

"Let's go here Marga!! Oh my god!!! Ang cool ng lugar na ito! I haven't been to one of these before!!" Tuwang tuwang sabi ni Ash at lumapit pa talaga siya sa akin.

"Haha. Okay okay. Punta tayo dyan pag free ako, okay na?" Natatawa kong sabi sa kanya.

Bigla nya akong niyakap kasabay ng pag sigaw ng paulit ulit na thank you sa akin. Nanigas na naman ako dahil sa ginawa niya. Yung tyan ko nag Summersault na naman lalo na ng masinghot ko ang kanyang nakakaadik na amoy.

May biglang kumatok sa pinto at agad na kumalas ng yakap si Ash. Binuksan nya ang pinto na para bang wala lang epekto sa kanya ang ginawa nyang pagyakap sa akin at agad na binati ang kasambahay.

"Ma'am, nandyan na po si sir James." Sabi ni Neri, ang isa sa kasamabahay namin, na halatang kinikilig ng makita si James. Ang gwapo naman kasi ng sundo ko.

Ilang araw na din kasi akong patuloy na kinikilig dahil kay James. Ilang araw na kasi niya akong hinahatid at sundo sa bahay. Ang haba ng hair ko!!

"Sige Neri, tell him I'll be down in a minute." Nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango naman siya at saka lumabas ng aking kwarto.

"Nandyan na naman siya?" Tanong ni Ash sa akin. Tiningnan ko siya ng masama dahil pakiramdam ko ayaw na ayaw nya kay James.

"Yes. And please be good to him. Mabait na tao si James, Ash." I said habang inaayos ang gamit sa aking bag.

"Okay." Maikling sagot ni Ash. Ang weird na naman nya. Bakit ba ayaw nya kay James? Nagseselos kaya sya?

"Ash? Come here." Tawag ko sa kanya pero di sya lumapit. Nakatayo lang sya malapit sa pinto habang nakasimangot.

Minsan, gusto kong isipin na totoong nagseselos sya kay James. Ewan ko kung bakit, pero kinikilig ako twing ganito sya.

Tumayo na lamang ako at lumapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa kanyang braso at iniharap sa akin.

"Are you mad?" Tanong ko sa kanya. Nakasimangot syang umiling sa akin.

"Eh bakit ka nakasimangot?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"W-wala. Di naman ako nakasimangot ah?" Sabi nya sabay lingon sa iba.

"Are you sure?" Tumango naman sya bilang sagot. "Wala akong pasok bukas, gusto mo labas tayo?" Nagulat ako sa aking tanong. Parang ang dating kasi eh, I'm asking her out on a date. Pakiramdam ko tuloy umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha.

Genie in a Bottle...of Tequila?? (girlxgirl) #wattys2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon