Ika-apat na Kabanata

3.8K 143 3
                                    

Dahil magaupdate si InspiredbyChriss , as promised, eto na update ko babe. ;) I love you. :3

Ayan po ha. Pag tyagaan nyo na lang po. Yan lang naibuga ng utak ko eh. Haha. XD

Comment?

Vote?

-Chriss14

⚢•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•⚢

Marga's P.o.V

Pagkarating na pagkarating namin ng university ay agad akong tiningnan ng mga estudyanteng nakakasalubong namin.

May mga bulungan at tawanan akong naririnig galing sa mga chismosang mga estudyante.

Inis! Akala mo naman hinalikan ko si James kung makapag-bulungan ang mga to.

"Wag mo na lang silang pansinin bez." Sabi sakin ni Kiel habang nakangiti.

Dahil sa warm smile nya sakin ay gumaan ang pakiramdam ko. Tama. Hindi ko na lang sila papansinin. Mga echuserang froggy lang sila.

Naglakad na kami ulit ni bez papunta sa aking classroom. Hinatid nya ako sa klase dahil sa trip nya lang daw. Pero feeling ko para maramdaman kong hindi ako nagiisa sa gitna ng mga nagchichismisang mga estudyante.

"Oh pano bez. Mamaya na lang ha? Sabay tayong mag lunch." Sabi nya sabay kindat pa sakin.

Natawa na lang ako sa ginawa nya at saka iiling iling na pumasok sa loob ng classroom.

Pagpasok ko lahat ng classmates ko nakatingin sa akin. Kasabay ng paglakad ko papunta sa aking upuan ang pag init ng aking mukha sa kahihiyan.

Bakit ba kasi ang big deal nito sa kanila? Wala naman akong ginawang masama ah?

Pagkaupo ko ay agad akong tumungo dahil nahihiya pa din ako. Sana nandito si bez para may makuhanan ako ng lakas ng loob. Hai.

Nagulat ako ng may isang daliri ang tumusok sa aking balikat.

Napaangat naman ako agad ng tingin sa taong gumawa nito.

Uhh. Anong kailangan ng babaeng to sakin??

"Hey." Malambing na sabi ni Trish sa akin habang naka smiling face pa sya.

"H-hey?" Hindi ko alam sasabihin ko eh.

Umupo sya sa aking tabi at doon ko lang napansin na nakatingin lahat ng mga classmates ko sa amin.

Shems! Ano ba kasi kailangan nya? Bakit ang isa sa mga popular people ng uni ay nakikipagusap sakin?? Teka! Ipapahiya nya ba ako dahil sa kahapon??

"I'm Trish, you're...Marga right?" Tanong nya sakin habang nakangiti pa din. Hindi ba sya napapagod don?? Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot. Ako naman kasi talaga si Marga.

"Uhm. Yea. Sorry sa mga classmates natin ha, and schoolmates. You know, wala kasi silang alam gawin kundi chumismis. Wag mo na lang silang intindihin." Sabi ni Trish sa akin.

Sooo. Alam nya rin pala ang mga chismis. Ay malamang! Sya nga yung kinawayan ni James eh!

Wala naman akong masabi kaya ngumiti na lang ako sa kanya. Tapos tumikhim sya.

"Mhmm. Yea. I was just wondering...since it's a friday tomorrow and I'm having a party...uhm...wanna come?" Pacute nyang tanong sa akin.

Hmmm. Tekaaaa. Hindi naman kami close nitong si Trish ahh? Bakit nya ko iniinvite??

Genie in a Bottle...of Tequila?? (girlxgirl) #wattys2019 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon