Reina's POV
Nasaan ako? Tumingin ako sa paligid then narealize ko nasa bahay na pala ako.I'm safe hahaha. Pero pano ako napunta dito?
Sino kaya yung mga nagligtas sa akin di ko na sila matandaan eh?
Napunta na ba sa zoo yung sampung unggoy kagabi?
Bakit ba ang daming tanong sa isip ko?
Basta ang importante walang masamang nangyari sa akin and thanks sa kanila. Pero sino?
" Bebe girl gising ka na pala!" si dad bebe ng bebe nakakainis. -_-
" Dad di na ako baby kaya stop calling me bebe." sabay pout ko.
" Basta bebe pa rin kita. Teka, gusto mo bang pumasok?" oo nga anung oras na ba? 6:15 pa lang. Pwede pang pumasok 8:00 naman ang pasukan eh.
" Opo papasok po ako" kaya ko naman eh.
" Bebe girl baka di mo pa kaya." sabay pout sa kanya ba ako nagmana?
" Dad, kaya ko na po don't worry at saka big girl na ako." para tuloy akong bata na feeling matanda. Gets niyo yun? Ako hindi rin eh.
" Ok sabi mo eh." dad
" Dad sino pala yung mga naghatid sa akin kagabi?" tanong ko kay dad.
" Ahhh tatlong lalaki yung naghatid sayo kagabi, sabi nila nahilo ka daw sa school, akala ko nga mga manliligaw mo bebe girl, sasabihin ko sana na wala ka pero kasama ka pala nila." ahhh ganun pala
" Dad wala akong manliligaw anu ka ba?! pinapangunahan mo ako ah." sabi ko sa kanya.
" Ayaw mo nun haha. Osya maligo at baka maleyt ka sa school" Dad
At ayun nga naligo na ako, kanta muna ng i came in like a wrecking ball...... sayang walang wrecking ball hahaha joke.Ayun nga after 10 minutes tapos na ring maligo, tapos nagpalit na ako then tanan kakain na muna ako.
" Ganda ni bebe girl ah" syempre naman as always ahaha
" Bola yan dad alam ko." syempre pahumble effect ako hhahaa.
" Di ah sige na kumain ka na." dad
After ko ngang kumain umalis na ako syempre at pumunta na ng school.
" Manong sa school po" ayun nga pinaandar na ni manong yun kotse.......
AFTER 10 minutes.........
SCHOOL
" Maam andito na po tayo" sabi ni manong.
" Sige manong salamat" at umalis na siya.
So naglibot- libot muna ako sa school wala pa namang time at kaunti pa lang ang students dito.May nakita akong isang nerd na babae na andaming dala-dala, second day palang ah.
" Miss bakit andami mo namang dala?" tanong ko sa kanya.
" Wala lang to, huwag mo akong tutulungan kung hindi mapapahamak ka." huh? weh?
" Miss huwag kang matakot" sabi ko tapos may bigla humawak sa kamay ko. Lima lang naman sila, jusko lagot ako nito.
" Miss nangingialam ka naman eh" ooh ohhh lagot na.
Susuntukin na sana nila ako nang biglang....
"ARAY!!!!!!"
0_0
Nabigla lang naman ako sa gumawa. Si nerd lang naman.Binali lang naman niya ang kamay ng limang ugok nito sa isang kurap ko lang.
WOW AS IN WOW. Nerd ba talaga to?
" Wag niyo siyang idadamay kung hindi lagot kayo sa akin" sabi nila sa akin at bigla silang nagtakbuhan.
" Kayang kaya mo naman pala, bakit mo sinunod ang utos nila?" ang lakas naman niya.
" Kasi ayoko nang bumalik sa dati kong buhay but things are not working." Di ko maintindihan ang sinasabi niya, dating buhay?
OH NO! Baka naman kriminal to?!!!!
" Anong dating buhay?" ako
" Bago ko sabihin yan, I'm Erika, Erika Krizelle Rascon." Nice name ah.
" I'm Reina, Reina Resurrecion." ako
" No classes this morning due to a faculty meeting, classes will start resume at 1:00 pm thank you." sabi dun sa office, yes makakwentuhan ko to.
" So tara sa canteen? My treat at dun ka na rin magkwento." pag-aya ko sa kanya.
" Sige let's go" erika
CANTEEN
" So pwede ka nang magkwento" ako
" Kasi ang dati kong buhay... ay GANGSTER......" Erika
0_0
Ganyan lang naman ang mukha ko nung nalaman ko na gangster siya, wow di ko pa napansin.
" Huwag kang matakot sa akin di naman nanakit ng mababait na tao." Buti naman pero ayaw ko sa kanila eh.
"Ayaw ko talaga sa mga gangster pero bakit mo pala tinalikuran ang pagiging gangster?, ayaw mo nun malakas ka?" sabi ko sa kanya.
"Malakas ka nga pero marami namang mapaphamak na mahal ko sa buhay. Maraming mamatay". Bakit ayaw mo pala sa mga gangster?" sabi niya
" Kasi sila ang dahilan kung bakit namatay ang kuya ko" sabi ko
" Sorry. Pero bakit nga pala nakipagkaibigan sa akin kahit ayaw mo sa gangster?" Erika
" Kasi alam kong mabait ka haha. Oh so, tell me about your gangster life?" feeling close na ako.
" Well kasama ako sa Silent killers, top 2 sa pinakamalakas na gang pero nagbago ito nung namatay yung leader namin, niligtas niya kaming mula sa pagsabog, at ayun nakaligtas nga kami pero after nun nagkawatak watak na ang buong gang, umalis na kaming lahat dahil ayaw na naming may mamatay pa." erika
"After nun wala na talaga, ayoko nang lumaban so i decided to be a nerd loke what you saw a while ago but di siya gumana at yun bumalik nanaman ang maangas na side ko. So huwag kang matatakot sa akin, can we be friends?" erika
" Sure why not. Alam ko namang mabait ka." ako. yehey may friend na rin ako sa wakas.
Naalala ko nanaman yung tatlong ugok na yun.Di pa pala ako nakakapag thank you sa pagtulong at pagligtas nila sa akin.
" Tara may pupuntahan tayo" aya ko sa kanya.
" Saan te--" di ko na pinatapos basta kailangan kong mag thank you sa kanila.END OF POV
--------------------------------------------------------------------
Ayaw pala niya sa mga GANGSTER.
VOTE AT COMMENT NAMAN OH HAHA.

BINABASA MO ANG
Gangster Love
HumorOnce a gangster, always a gangster. Si Zander ay tinalikuran na ang pagiging gangster para matahimik na ang kanilang mga buhay ngunit di pa rin siya tinatantanan ng kanyang nakaraan. Paano niya maproprotektahan ang tao mahal niya? Kapag nalaman kay...