Present Day...
Yvonne's POV
"OMG! Yvonne? Ikaw nga ba yan?!"
"Lilian? Halasya! Wala kang pinagbago ahh."
"Ikaw naman yung malaki ang pinagbago. Ikaw kaya yung tipo ng babae na di mahilig magayos pero tignan mo oh. Nagaayos ka na ng sarili mo. Lumabas lalo ang ganda mo." Puri sakin ni Lilian. Nasa coffee shop kami ngayon sa Antipolo para sa catch-up naming magbabarkada. It's been five years simula nung huli kaming magkita na magkakaibigan sa airport. Yung araw na huli ko rin siyang nakita.
"Napilit lang ni mommy. Alam mo naman yon, gustong-gusto niyang ginagawang Barbie doll ang anak nya. Ikaw din oh. Ang ganda-ganda mo pa rin." Sambit ko kay Lilian. Si Lilian ang isa sa mga closest high school friends ko. Sa aming apat, sya ang pinakamaganda at pinakasikat. Pinipilahan nga yan ng mga lalaki eh.
"Syempre naman. Sayang ang beauty kung di ko aalagaan no. Alam mo naman, ang beauty di nagtatagal kaya dapat imaintain hangga't kaya ko pa."
"Tama nga naman. Teka nasan na ba sina MJ at Alice? Alas-dos ang usapan pero mag-aalas tres na at wala pa sila."
"Sus. para namang di ka nasanay dun sa dalawa. Daig pa nila si Queen Elizabeth pagdating sa pagiging late eh." sabi ni Lilian.
"Hoy Lilian! Ang OA mo naman. Kailangan lang namin ng grand entrance nitong si Alice no." singit ni MJ.
"Speaking of the devil...Anong grand entrance? Bakit? Ano bang akala mo dito? Red carpet? FYI, Ms. Marie Jeanette Bautista, coffee shop 'to oy." Pagtataray ni Lilian.
"Sus. Maniwala ka dyan sa babaeng yan. Pano? Hapon na nga ang usapan natin pero late pa rin sya nagising. Nakailang beses na kong tumawag dyan pero di sumasagot. Kaya ayan. Late kami." Singit ni Alice habang umuupo sa tabi ni Lilian.
"Wow! Thank you hah! Akala ko pa man din ipagtatanggol mo ko dito sa water lily na'to. Sige lang. Pagtulungan nyo kong dalawa. Dito na lang ako kay Yvonne. At Least sya alam kong kakampihan ako neto. Bestfriend ko 'to eh." Sabi ni MJ habang sumisiksik sa pwesto ko. Sa kanilang tatlo, si MJ ang bestfriend ko. Ewan ko ba kung paano ko 'to naging best friend. Siguro dahil sa kanya ako pinaka-comfortable. Sa kanya ko rin nasasabi ang mga sikreto ko na di ko masabi-sabi kina Lilian at Alice.
"Excuse me? Oyy, wag nyo kong idamay dyan no. Bahala kayong tatlo dyan."
"Hmpp...ganyan kayong tatlo sakin ahh. Yvonne, umorder ka na nga lang ng maiinom at makakain natin. Ikaw na rin yung magbayad since ikaw din yung matagal na nawala." Nagulat naman ako sa sinabi ni MJ. Akala ko ba kkb ang catch-up na'to. Eh bakit napunta sa librehan.
"Oo nga, Yvonne. Namiss ko na yung mga libre mo eh. Yung dalawa kasi dito ayaw manglibre eh." Pagagree ni Lilian.
"Tss.. Ito mukhang libre. Nililibre naman kita noon ng siomai rice ahh." Angal ni Alice.
"Babae...para po sa inyong kaalaman. Nung college pa yun. Which is six years na ang nakaraan." Pagtataray ni Lilian. May likas na katarayan talaga tong babaeng to. Di ko nga alam kung pano ko naging kaibigan tong babaeng to eh.
"Sush. Eto na oh" sabi ko habang nilalabas ko ang credit card ko. "Bilhin nyo na ang gusto nyong bilhin. MJ ikaw na ang bumili tutal ikaw naman ang nag simulang magpalibre. Basta Americano lang sakin at tatlong pistachio macaron lang ok nako dun."
Sinamahan ni Lilian si MJ na umorder at after seven minutes, bumalik na sila sa table namin na dala-dala ang mga order namin at nagsimula na ang kwentuhan sa mga panahon na di kami magkakasama.
"Kumusta ka naman Yvonne? Musta naman ang buhay spokening dollars?" Tanong ni Alice at kinuha ang cup nya na naglalaman ng Caramel Macchiato.
"Ayun enjoy naman. Kahit na medyo stressed out nako sa ospital. Puro trabaho kasi ang ginagawa ko dun eh." Nagmigrate kasi kami nina mommy at kuya Sid sa Canada when I was 18 years old. At dun nagsimula ang buhay ko na wala siya. Na walang umaaligid at nangungulit sakin.
"Nako buti naman at nagka-time ka para magbakasyon dito sa Pilipinas. Miss ka na ng iba nating kabatch sa St. Patrick eh." Sambit ni Lilian.
"Nako talagang magkaka-time yan. Eh umuwi lang naman yan ng Pilipinas para ipaalam satin at sa daddy nya na ikakasal na sya." sabi ni MJ at inangat ang kamay ko na may singsing sa ring finger ko.
"OMG! I didn't noticed the ring on your finger." Gulat ni Lilian.
"Gee! Thanks, MJ. Thank you at pinangunahan mo na naman ako sa balita ko." Ngiti ko kay MJ na may halong pangaasar.
"Oops. Sorry. I thought nasabi mo na rin sa kanila."
"So, ngayong ikakasal ka na, does that mean na talagang naka-move on ka na kay Arthur?" Tanong ni Alice. Nawala bigla ang ngiti ko sa mukha ko nung binanggit ni Alice ang pangalan na yun. Kailangan pa bang i-bring up yan? It's already been five years simula nung huli ko siyang nakita sa airport kasama ang mga kaibigan ko.
"Ano ka ba naman Alice?! Kailangan pa ba talagang buhayin ang patay." Pag-eyeroll ni MJ.
"Sorry naman. Nako Yvonne. Wag mong intindihin yung sinabi ko. Sadyang di lang talaga ako nagiisip. Sorry talaga." Paumanhin ni Alice.
Pinilit kong ibalik ang mga ngiti ko sa mukha ko. "Nahh. It's ok. Ikakasal na nga ako di ba? So that means, the answer is yes. Oo naka-move on nako sa kanya." Sabi ko kay Alice at dinampot ko ang drink ko at ininom ito...
BINABASA MO ANG
Re-Bye
Teen FictionSabi nila, ang pag-ibig ay parang spell. Walang reverse, di mo alam kung anong lunas, at mahirap takasan once na tamaan ka nito. It's been eight years since Yvonne saw Arthur at the airport. Ang gabing natapos ang lahat pero makalipas ang ilang taon...