Chapter 2

19 6 0
                                    

Thirteen years ago...

Yvonne's POV

2nd year high school...

"Yes naman! Perfect ako sa math test natin!" Sabi ni Alice. Siya kasi ang pinakamatalino saming apat. Kaya naman walang duda kung perfect sya sa mga tests namin. May pagka-grade conscious din kasi siya. Wala siyang ginawa kundi ang mag-aral at magbasa. Magpapamisa ako kapag bumagsak tong taong to eh.

"Walang nagtatanong, ok? Pwede ba shut up ka na lang?" Pagtataray ni Lilian.

"Ang taray mo naman. Naglalabas lang ako ng nararamdaman ko eh. Siguro bagsak ka kaya ang sungit mo no?" Biro ni Alice.

"Wala naman kasing magtataka kung pasado o perfect ka man sa mga tests at assignments natin eh. Atsaka di ka pa nasanay dyan kay Lilian. Eh likas na mataray talaga yan eh. Bumagsak o pasado man yan, walang magbabago sa ugali nya." Singit ni MJ.

"Wow ha! Mabait na kaya ako sa lagay na to."

"Oh talaga? Yan na pala ang bagong definition ng mabait. Di ako nainform." Sabi ni MJ. Nakakatuwa talagang tignan tong mga kaibigan ko tuwing nagsasagutan. Simula grade two, magkakakilala na kaming apat. Bagong lipat ako noon sa St. Patrick's nun nung nakilala ko sila. Mababait naman sila kaya simula non, lagi na kaming magkakasama. Tahimik naman ako lagi sa grupo namin kaya madalang lang akong masali sa mga sagutan nila. Pagnagaaway na ang tatlong mokong na'to, ako ang nagtataglay na peacemaker nila. Kahit na di ako gaanong nagsasalita saming magkakaibigan, masaya nakong inoobserve sila.

"Nako tumigil na nga kayong tatlo at kailangan na nating magmadaling pumunta sa cafeteria dahil baka humaba ang pila sa bilihan ng pagkain." Suway ko sa kanilang tatlo.

"Tara na nga. Mukhang nagugutom na'tong alaga natin. Mahirap na kung mangayayat pa'to." Hatak sakin ni Lilian.

Pagdating namin sa cafeteria, hindi ako nagkamali. Medyo mahaba na nga ang pila. "Sabi na sa inyo eh. Tignan nyo. Ang haba na ng pila." Nang pumila na kami, napansin ko ang matangkad na lalaki sa harapan ko. Si Arthur pala. Nakaramdam naman ako ng kilig dahil nasa harapan ko si puma ko. Puma as in short for pumapagibig. Kaklase ko sya simula nung grade five hanggang ngayon. Crush ko si Arthur noon pa. Bukod sa pagiging gwapo nya, matalino at athletic din sya. Tinitilian nga sya ng mga girls at feeling girls eh. Pero di nya pinapansin ang mga ito. Akala na nga iba na bakla sya eh. Pero isipin na nila kung anong gusto nilang isipin. Wala akong pakialam kung bakla man 'tong Arthur Mendoza na'to. Basta simula ng naging kaklase ko sya ng grade five iniibig ko na ito. Char. Pag-ibig na agad? Bata palang ako nun 'no. Maghunus-dili ka nga Yvonne. Ka-babae mong tao, kumekerengkeng ka na dyan.

"Oyy kumanan ka nga." Bulong sakin ni MJ.

"Huh? Anong pinagsasabi mo?"

"Kasi nandyan si Mr. Right sa harapan mo." Patuloy nyang binulong tapos bigla syang tumawa ng malakas. Loko-loko talaga to. Pano kung marinig ni puma yung sinabi nya.

"Hoy! Nahipan ka ba ng masamang hangin? Bat tumatawa ka dyan mag-isa?" Sabi ni Lilian.

"Wala wala. May naisip lang akong nakakatawa." Sagot ni MJ. Hindi kasi alam nina Alice at Lilian na crush ko si Arthur. Mahirap na kasi kung madaming nakakaalam na may gusto ako sa kanya, baka kumalat pa.

"Wala ka dyan. Parang namang di kita kilala. May tinatago ka eh. May sikreto kayo ni Yvonne no?" Pilit ni Lilian.

"Wala nga promise. Porket tumawa lang mag-isa, may sikreto na. Di ba pwedeng may naalala lang?"

"Sige nga...ano yung naalala mo na yan?" Hayy..magsisimula na naman tong dalawang to. Di ba lilipas ang araw na di nagbabanggayan ang mga kaibigan ko.

"A...e..."

"I...o...u...you see? Di ka makapagisip ng idadahilan mo. Nakakahalata nako sa inyo eh. Alam ko naman na magbestfriend kayo at nirerespeto ko yun pero parang di nyo naman kami kaibigan ni Alice eh. Ano nga kasi yun?" Lalong pagpupumilit ni Lilian. Pasaway naman kasi tong si MJ. Mangaasar na nga lang, mangbubunyag pa ng sikreto. Kahit kailan talaga tong babaeng to oo.

"Kung ayaw umamin, wag pilitin. Tama na kasi Lilian. Ano namang pake mo kung may sikreto sila. Bestfriend nga eh di ba? Ibig sabihin, halos lahat ng sikreto mo, sa kanya mo lang sasabihin. Kaibigan nga tayo pero ikaw narin ang nagsabi. Nirerespeto mo sila. Kung may secret man sila, edi hayaan mo. Sasabihin naman nila satin yan kung may pake tayo eh. Tama ba?" Singit ni Alice. Hayy salamat Alice at sumingit ka. Natahimik tuloy si Lilian

"T-tama ka dyan Alice! Ano ba naman kasing pakialam nyo sa pusa ko?" Sabi ni MJ. Huh? Anong pinagsasabi nitong pusa? Sikreto ang pinaguusapan namin tapos napunta sa pusa.

"Shunga. Anong pusang pinagsasabi mo? Eh wala ka namang pusa." Sabi ko sa kanya.

"Uhh mga ate, wala na pong pila sa harapan nyo. Pwede bang umabante na kayo? Gutom na yung mga tao sa likod nyo eh." Sabi nung babae na nasa likuran namin. Napatingin tuloy kami apat sa harapan namin. Yung pilang mahaba kanina, naglaho na. Ay magic.

"Sorry ate ahh. Eto na po at aabante na kami." Sabi ko. Nakakahiya. Nang dahil dyan sa bulong ni MJ kaya di na namin napansin na umabante na yung pila.

After naming umorder, umupo na kami sa usual na table namin sa pinakacorner ng cafeteria kung saan medyo kakaunti lang ang tao. Yung ang pinakaperfect spot para saming magkakaibigan dahil ayaw namin ng maraming tao lalo na sa mga umaaligid na manliligaw ni Lilian. Haba kasi ng buhok nito eh. Dinaig pa si Rapunzel sa haba ng buhok nito. Ito din ang perfect spot dahil malapit lang ang table namin sa table nila Arthur. Hayy, ang sarap talagang sulyapan nitong lalaking to. Syempre di ako nagpahalata sa mga kaibigan ko no. Mahirap na at baka magbangayan na naman tong mga to.

Sa mahigit tatlong taon kong kaklase si Arthur, never ko pa talaga syang nakausap ng matino. Except nalang siguro nung humingi sya sakin ng papel dahil ako ang nagsisilbing supplier ng klase namin. Sana naman dumating ang araw na makakausap ko sya. Hayy..kailan kaya yun?

After ng lunch namin, dumiretso na kami sa room namin dahil onting oras nalang ang natitira at magttime na. Normal naman yung naging takbo ng afternoon class namin. Klaseng nakakabagot tapos pagwalang teacher, super ingay ng klase. Araw-araw ng ganun yung klase namin. Pero itong araw na yata yung pinakaunusual. Nang nagdismiss na ang klase, nauna na ang mga kaibigan ko na umuwi. Kesyo may gagawin daw sila. Nagaayos ako ng mga gamit ko nang biglang lumapit sakin si Puma ko.

"Hi Yvonne. Pwede ba kitang makausap?"

Re-ByeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon