Chapter 3

29 4 2
                                    

Yvonne's POV

Thirteen Years Ago...

"Hi Yvonne. Pwede ba kitang makausap?" Bati sakin ni Arthur ng nakangiti. O-M-Goodness! Totoo ba'to? Di ba ko nananaginip? Si Arthur Espinosa Mendoza ng San Juan, Manila ay nakikipagusap sakin? Di sya nanghihingi na papel ngayon kundi...ano? Ano nga ba kailangan nya at lumapit sya sakin ng biglaan?

"Sure. Anong kailangan mo?" Ngiti ko sa kanya. Pinipilit kong itago yung kilig ko. Baka kasi mahalata nya eh. Sana hindi ako traydurin ng pisngi ko sa pamumula.

"Di ba kaibigan mo si Lilian? I was just wondering if I could ask you for her number." Ouch. Sakit naman nun. Minsan ka na nga lang kakausapin ng crush mo, hihingin nya pa yung number ng kaibigan mo. Sabi na eh, wag na wag umasa dahil sa huli, ikaw din ang masasaktan.

"Ooh. Why? Gusto mo sya no?" Biro ko sa kanya. Nakakaloko naman oh. Kapag hiningi ng lalaki ang isang number ng babae, edi automatic crush nya na yun. Bakit yung kaibigan ko pa yung crush nya? "Sorry ah. Di ko kasi pwedeng ibigay yung number nya ng basta basta eh. Baka kasi magalit yun sakin. Kung gusto mo, ikaw nalang mismo yung humingi ng number nya sa kanya eh. Pasensya na talaga." Napa-pout sya sa sinabi ko. Anak ng fishball naman oh! Wag na wag syang magppout. Ang cute cute nyang tignan kahit na nasaktan ako sa favor nya eh. Baka matunaw ako nito.

"Nahh. It's ok." Ngiti nya ulit. "Thank you nga pala ahh. Uuwi ka na ba?" Tanong nya sakin.

"Ahh.Hindi pa eh. May meeting pa kasi yung Science Club for the upcoming fair."

"Ganun ba? Ok sige. Mauuna nako ah. Ingat ka ha. Bye Yvonne." Paalam nya sakin atsaka nya kinuha yung bag niya at lumabas ng pinto. Kinilig ako nung sinabi nya na ingat daw ako. Hay..as if namang may meaning talaga sa kanya yun. Sige Arthur, magiingat talaga ako for you.

"Bye." Bulong ko sa sarili ko. Di ko alam kung matutuwa ba ko o hindi ngayong araw eh. Bakit si Lilian pa? Sa dinami-dami ng babae dito sa St. Patrick's, siya pa yung napili nya. Hindi naman sa tutol ako or something pero kasi masakit kung malalaman mo na crush ng crush mo yung kaibigan mo. Nakakaloko lang di ba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pumasok ako kinabukasan sa school na malungkot pa rin dahil nga sa hiningi ni Arthur yung number ni Lilian pero pilit kong tinago yon dahil sa ayokong maapektuhan ang araw ko nang dahil lang dun.

"Good morning, Yvonne!" Bungad sakin ni Alice.

"Oh hi! Good morning!"

"Yvonne! Good morning! May homework ka ba sa Biology?" Bungad ni MJ.

"Oo. Bakit? Mangongopya ka? Hindi pwede!"

"Ayy! Damot mo!" Simangot ni MJ.

"Talagang magdadamot yan. Eh kung ako yan, di rin kita papakopyahin eh." Sagot ni Alice. Patuloy pa rin sa pagsimangot si MJ nang biglang pumasok si puma ko. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kahapon.

"Hi Yvonne. Good Morning!" Masiglang bati sa'kin ni Arthur with smiley face up to his ears tsaka sya umupo sa pwesto nya. Ay feeling close? Nagkausap lang kami saglit kahapon tapos makabati ng good morning wagas. Pero infairness, kinikilig deep inside ang lola nyo.

"Anong meron? Ba't bigla kang pinansin non?" Tanong ni Alice.

"Oo nga. Sa tagal nating magkaibigan parang ngayon ka lang niya binati." Sabi ni MJ. Mukhang di makapaniwala tong dalawang to sa nasaksihan nila. Yung tingin nilang dalawa mukhang bata na naghahanap ng kasagutan sa katanungan nila.

Re-ByeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon