Chapter 5

26 4 2
                                    

I wasn't able to sleep thinking about what happened. I mean, sinong bang makakatulog kapag ganito ang nangyari sa buhay nila? Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko. Alas tres na ng umaga nang tumungo ako sa silid nina Mama at sinilip ito. Ang himbing ng tulog ni Mama pero bakas dito ang pagod. Katabi ng kama niya ay isang armchair kung saan natulog si Kuya Sid. Nakatulog siguro siya habang binabantayan si Mama. I just went back to my room and tried my best to sleep. Anong oras kaya ako makakatulog nito?

"Yv! Yv! Gising na! Malelate ka na for school!" Nagising ako sa boses ni Kuya. Anong oras na ba? Bat ni hindi ko man lang narinig yung alarm ko? Kinapa ko agad ang phone ko at tinignan ang oras. Mygulay! 6:15 A.M. na! 30 minutes nalang at start na ang klase. "I'll go ahead na ah. May meeting pa ko before class eh." Nakangiti pa si Kuya habang nakatingin sa akin na tila walang nangyari kahapon. I wanted to ask him if he's okay pero wala ako sa mood magsalita ngayon kaya tumango na lamang ako.

Nang nakaalis na si Kuya, bumangon na ako at dali-daling tinungo ang banyo. Wala ng ligo-ligo. Wisik-wisik na lang. Basta wala ng muta at laway, okay na yan. Nagayos nako ng sarili ako. Napatingin ako sa salamin at kitang-kita na namamaga ang mga mata ko. Nginitian ko na lamang ang sarili ko sa salamin. Hoping that I'll be able to hide my pain. Tama! No one needs to know kung anong nangyari kahapon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

It's already 7 A.M. when I got in front of school. 15 minutes late. Okay lang yan. Katatapos palang naman siguro ng morning praise. Dumiretso nako ng Discipline's Office para kumuha ng late slip. Pagdating ko sa classroom, lahat ng kaklase ko at ang English teacher ko na si Mr. Javier ay nakatingin sa'kin. Late pa more. Binigay ko na ang late slip ko kay Mr. Javier at tinungo ko ang upuan ko ng lingunin ako ni MJ.

"Mukhang nag-enjoy ka ah." Bati ni MJ.

"Good morning din, MJ. Anong enjoy ang pinagsasabi mo?" Nasobrahan yata yung pagngiti ko.

"'Di ba dapat magkikita kayo ni Arthur before school? So, ano? Kamusta?" Oh jeez! Arthur! I completely forgot about him. Nako nako! Tumingin ako sa armchair niya pero wala siya. Nasan na siya? Don't tell me naghihintay pa rin siya sa butterfly garden. As if on cue, binuksan ni Arthur ang pinto ng classroom at tumingin sa kinaroroonan ko. He sighed as a sign of relief and he looked annoyed as well.

"Mr. Mendoza, you're late. That's unusual, considering that you're never late." Bungad ng guro namin. Umismid na lamang si Arthur at naupo sa kanyang silya. Sinundan ko siya ng tingin, hoping that he'll look back at me, but he didn't. I feel so terrible. Why did I forget about that? Well, it's not my fault. Hindi ko naman kasi napansin yung alarm ko eh. Yv, stop making excuses. It's still your fault.

"I'm guessing that your meet-up with Arthur didn't go well." bulong ni Lilian habang nagdidiscuss si Mr. Javier.

"Well, we didn't---" Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang nilakasan ni Mr. Javier yung boses niya.

"I hoped that you were able to finish your homework. I know that it is hard and a bit time-consuming, that is why I'm giving you guys an extension until the end of the day para sa mga students na iba ang pinagkakaabalahan." Mygulay. I even forgot about that. I've been so preoccupied that I forgot about Arthur and my schoolwork. I could literally say na windang pa rin ako sa mga oras na ito.

Lumipas ang morning classes namin na wala akong natutunan. Lutang ba naman ako eh. Oh hindi! May natutunan pala ako. I would like to thank my Geometry teacher sa pagbato sa'kin ng eraser dahil daw sa mukhang wala daw ang utak ko sa klase. Kung hindi sa kanya, hindi ko malalaman kung paano kunin ang area ng trapezoid. She made an entire sermon because of me. We should listen daw to her lesson kesyo it'll be on the quiz and it is important to know the formulas and stuff. After that, I spaced out again.

Here we are right now sa library, doing our English homework. Specifically, MJ and I. Di pa rin umpisa si MJ ng kanyang homework. Hindi naman nakakapagtaka yon. Mamaya ko na iintindihin si Arthur. Ang importante, matapos ko 'to. Nasaan na sina Alice and Lilian if you may ask? Kasama naman namin silang dalawa sa lib, but they're having their own businesses. Si Alice, ayun nasa sulok at nagbabasa ng Noli Me Tangere for fun. Like what? Sinong nagbabasa ng Noli sa second year? And for fun pa talaga ah. Si Lilian? Ayun ang haliparot kong kaibigan sa kabilang table, kasama si Franz. Mag-aaral daw. Sus, wag ako.

"Wahh! Nakakatamad gawin 'tong homework na'to." Pagrereklamo ni MJ.

"Eh kailan ka ba sinipag gawin ang isang bagay?"

"Hmmm. You have a point." Pag-agree sakin ni MJ, then she went back to doing her thing.

Natapos ang ko ang homework namin in just an hour. Wew! Time consuming daw. Wag ako. I can literally finish an essay in less than an hour tapos mataas pa rin yung makukuha kong grade.

Nang dumating ang dismissal, sinabihan ko na sina Alice na mauna dahil kakausapin ko pa si Arthur. Ayokong isipin niya na inindian ko siya. Nagaayos ng mga gamit si Arthur ng lumapit ako sa armchair niya.

"Arthur, can we talk?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Re-ByeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon