What?! Anong sabi nya? Totoo ba to? Nananaginip ba ako? Di ako mapaniwala sa narinig ko at dahil dun, sinampal ko ang sarili ko. Narinig kong tumawa si Arthur.
"No. You're not dreaming." He's still chuckling when he said it. "So? Anong sagot mo?"
"I-i-i-..." Kriiiiiiiing! Wow! Ang galing naman ng timing oh. Eto na yung importanteng moment ng buhay ko eh.
"I hate to interrupt pero baka di nyo narinig na tumunog na yung bell. Tandaan nyo terror si Ms. Malaya." Singit ni MJ.
"Yeah. Kailangan na nating bumalik ng room. You can save your answer for later para makapagisip ka pa." Sabi ni Arthur.
Pagbalik namin sa classroom, pinagkakaguluhan kami ni Arthur. Tanong dito, tanong dyan. Kesyo may pag-asa daw ba si Arthur sakin. Syempre meron! 101% ang pag-asa nya sakin no. Kahit di na nga sya manligaw sakin eh. Sagot agad!
"Whoa! What just happened? First, nagtapat ng feelings si Franz kay Lilian. Tapos ngayon naman, si Arthur sa'yo! Ang bilis naman ng pangyayari." daldal ni Alice habang naghihintay sa susunod na class. Kahit ako windang din sa mga pangyayari eh. Sumimple ako ng sulyap kay Arthur. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakatingin na siya sakin at bigla itong ngumiti. Di ko alam ang gagawin ko.
Habang nakatingin ako kay Arthur, narinig kong nagsalita si MJ. "Anong ng mangyayari sa'tin nito, Alice? For sure tayong dalawa nalang ang matitira sa barkada ngayong may syota na sina Lilian at Yvonne." Pagsimangot nito. Syota agad? Di ba pwedeng manliligaw muna? Pero ang sarap sa pandinig ng syota ah.
"Loko. Wala pang kami. Wag kang excited." Singit ni Lilian sa usapan.
Dumating ang dismissal na puro tanong ang inabot ko sa mga classmates at teachers ko. Diyos ko! Pati mga guro ko nakikiusyoso sa buhay ng mga estudyante nila. Bago pako makatayo sa upuan ko, lumapit na si Arthur sakin at binigyan ako ng note atsaka ito umalis.
"Let's meet tomorrow morning before class sa butterfly garden. I'll be waiting for your answer. :)" Taray! May ganon pang nalalaman tong lalaki na'to ahh. Pagkalabas ko ng room, nagulat ako at nang makita ko ang aking pinakagwapong kuya.
"O kuya. Ba't nandito ka? Susunduin mo ba ko? Hindi mo naman ako sinusundo sa classroom ko ah." Tanong ko dito. Di naman kasi ito gaanong dumadaan ng 3rd floor kung saan naroon ang mga room ng 2nd year.
"Nabalitaan ko yung nangyari kaninang lunch. Ganda ng baby sis ko ah. Hiyang-hiya ako sa sobrang ganda! Akalain mo yun, isa sa mga heartthrobs ng school, which includes me, ay napaibig mo. Tindi ng charisma mo!" Tss. loko-loko talaga tong kuya ko. Meet my kuya Sid nga pala. He is already in his 4th year of highschool. He is the worst of the best kuyas in the world. Why? Lahat na kasi ng katangian na ninanais ng isang tao sa kuya nila, nasa kanya na. He is mabait, maalalahanin, matulungin, matalino...In short, he's a sweet brother. Basta nasa kanya na lahat. Kaso sa sobrang perfect nya sa pagiging kuya at anak, lagi nalang akong nacocompare sa kanya, but I still love him though.
"Geez. Did you just come here para asarin ako?"
"Nahh. Asa ka naman. Dumaan lang ako para sunduin si Cha no. Wala pa kasi sya sa meeting place namin." Si Cha ay ay classmate ko at girlfriend ni Kuya Sid. Halos di nga mapaghiwalay yung dalawang yun eh.
"Eh sus ang landi mo kuya. May pa-meeting meeting place ka pang nalalaman dyan."
"Well..ganun talaga. Umiibig eh. Ikaw din naman ahh. Umamin na nga sayo yung pumapagibig mo oh. Teka, nasan na pala si Cha?"
"Nakita ko na syang lumabas ng room kanina eh."
"Ah. Baka nagkasalisi kami. Sige una nako." Paalis na sana si kuya ng bigla syang bumalik. "Teka, may club meeting ka pa diba? Sabay nalang tayo umuwi nina Cha. Hintayin ka nalang namin sa oval." Tss.. sweet talaga nitong kuya ko. Tuluyan ng umalis si kuya at naiwan akong mag-isa sa hallway.
Dumaan ang club meeting namin na ang iniisip ko ang scenario ng mangyayari bukas sa butterfly garden. Sasabihin ko daw kay Arthur na pwede syang manligaw tapos yayakapin nya daw ako with matching lipad lipad ng butterflies. Hayy. Di na talaga ako makapaghintay para bukas. Maggagabi na ng matapos ang meeting namin. Sana hinihintay pa rin ako nila kuya. Nang dumating ako sa oval, si kuya lang ang taong naroroon. Walang Cha. Nauna na siguro itong umuwi.
"Kuya. Tara na? Nasaan na si Cha?" Aya ko kay kuya.
"Iniwan na nya ko." Sabi nito habang nakatulala sa malayo.
"Hah? Bakit? Ah siguro nauna na siya para gawin yung English assignment namin. Balita ko kasi mahirap daw yun eh." Sambit ko. Pero nakakutob ako na di maganda ang ibig sabihin ni kuya.
"Di mo ba ko nagets? Iniwan na nya ako. Nakipaghiwalay na sya sakin." Sabi ni kuya atsaka tumulo ang mga luha nya. Naawa ako bigla kay kuya. Siya yung tipong laging nakangiti at parang walang iniinda. Ngayon parang pinagsukluban siya ng langit at lupa.
"Hah?! Bakit ang bilis? Parang nung isang araw ang sweet sweet nyo tapos ngayon biglang tumabang?"
"Sabi nya sakin matagal na daw nyang gusto makipagbreak. Di lang daw sya makahanap ng tiyempo. She said she doesn't love me anymore. That she doesn't deserve me because she said that I'm too perfect for her. Like what the heck?! I'm supposed to be the one saying who deserves me or not. Hindi ko alam na may problema na pala sa relationship namin. Bakit di ko ito napansin? Edi sana naayos ko ito ng maaga pa." Di nako nagsalita at hinayaan ko nalang na umiyak si kuya sa harapan ko. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko sa kanya.
Tahimik kami buong biyahe pauwi ni kuya. Nang dumating kami sa gate ng bahay namin, bigla itong nagsalita.
"Sorry sa pagdadrama ko kanina ah." Atsaka ito ngumiti. Pinilit nyang itago ang kalungkutan nya sa pamamagitan ng mga ngiti pero kita ko pa rin sa mata ni kuya na sobra syang nasaktan sa nangyari. "Wag mo nalang sabihin kina mama at papa yung nangyari. Kunwari ok ang lahat." Ayan na naman sya, pilit nyang kinikimkim ang lahat. Tumango na lang ako sa gusto nyang mangyari at tinapik ang balikat nito. Pagkapasok namin ng gate, nagulat na lang kami ng biglang lumabas si papa sa pinto na dala dala ang isang bagahe.
"Pa, anong meron? San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya at bakas sa mukha nya ang pagmamadali. Lumabas din si mama sa pinto at halatang umiiyak.
"Nagmamakaawa ako. Wag mo kaming iwan ng mga anak mo. Kahit para sa mga anak mo nalang" Hagulgol ni mama habang hinahatak nya si papa na senyales na pinipigilan nya itong umalis. Hindi pa rin rumihistro ang mga pangyayari saming dalawa ni kuya. Para kaming nanonood ng live drama sa mismong harapan namin.
"Bitawan mo nga ako, Sylvia! Sawa nako sa buhay na to! Nakakasakal ka na. Hindi nako masaya sayo. Sa kanya nako masaya." Nagulat ako sa mga salitang binitawan ni papa. Matagal na bang may iba si papa? "Mga anak, pasensya na kayo pero di ko na kaya." Hinalikan ni papa ang noo ko at tinapik ang balikat ni kuya. Kita ko sa mga kamao ni kuya na nais nyang suntukin si papa pero di nya ginagawa. Tuluyan nang lumabas ng gate si papa at naiwan kaming tatlo sa loob ng tahanan namin. Tumingin ako kay mama na humahagulgol pa rin, kay kuya na nakatulala sa pangyayari at sa labas ng gate kung saan nakita ko ang mga kapitbahay namin na tila inaabangan ang mga susunod na mangyayari. Sa isang iglap lang, wasak na ang pamilya namin dahil umalis na ang haligi ng aming tahanan. Masaya na sana ang araw na to dahil kay Arthur pero mapapalitan din lang naman pala ng sakit dahil sa idinulot ni Cha kay kuya Sid at ni papa kay mama.
Pagkapasok namin ng bahay, pinakalma muna namin si mama. Walang nagsasalita samin. Tila windang pa rin kami sa mga pangyayari. Nang kumalma na si mama, sinabihan ako ni kuya na matulog na at siya nalang daw ang magbabantay kay mama.
Nang makarating na'ko sa aking silid, nahiga na lamang ako at tinitigan ang kisame. Sa totoo lang, di ko alam kung ano ang una kong iisipin. Masakit sa loob ko ang mga nasaksihan ko ngayon. Lalo na siguro para kay kuya. Una, si Cha ang nanakit sa kanya. Ngayon, si papa naman. Tinitingala pa naman din ni Kuya Sid si papa dahil na rin siguro silang dalawa lang ang lalaki sa pamilya. Masyadong maraming ang nangyari sa araw na to. Sa nakita ko kay mama at kuya ngayon, ganon ba talaga ang ibig sabihin ng pag-ibig na yan? Masasaktan ka lang ba sa huli at iiwan ka lang ng taong mahal mo?
BINABASA MO ANG
Re-Bye
Teen FictionSabi nila, ang pag-ibig ay parang spell. Walang reverse, di mo alam kung anong lunas, at mahirap takasan once na tamaan ka nito. It's been eight years since Yvonne saw Arthur at the airport. Ang gabing natapos ang lahat pero makalipas ang ilang taon...