Love, Another Fangirl (ongoing)

798 10 11
                                    

FANGIRL ako.

Ako yung tipo ng babae na makita lang ang picture niya sa FB eh, sasabog na sa kilig. 

Ako yung tipo na nagpost lang siya tungkol sa love eh iisipin ko na para sa akin yun.

Ako yung isang ngiti niya lang, parang hihimatayin na. 

Ako yung, sa bawat araw na ginawa ng Diyos, hindi maiwasan na tignan ang litrato niya. 

Ako yung nagiimagine na nandyan siya tabi ko. 

Ako yung naghahangad na mapansin niya ako. 

Na balang araw eh magugustuhan niya ako at mamahalin.

Pero sino nga naman ba ako? Isang hamak na tagahanga niya lang. Sa libu-libo na babaeng nagkakagusto sa kanya, magagawa pa ba niya akong mapansin? 

Buhay fangirl. 

Akala ng iba masaya. 

Masarap sa feeling. 

Pero nagkakamali sila. 

Mahirap. 

Masakit.

Naghahabol sa wala. 

Ganyan talaga ang nararamdaman namin. 

Masakit isipin na yung taong gusto mo, kamalas-malasan mo, eh hindi man lang alam na nabubuhay ka sa mundo. Idagdag mo pa na libu-libo kayong naghahabol sa kanya. 

Dear Christian, 

     Hi Idol! Ang gwapo gwapo mo talaga! Idagdag mo pa ang kabaitan niyo. :) Total package na talaga kayo. Masaya po ba ang maging sikat? Yung feeling na madaming naghahabol sa inyo na chix? Hayyy, bakit mo kasi sinalo lahat ng kagwapuhan sa mundo eh. Yan tuloy, pati ako nainlove sayo. Sana po mabasa niyo tong letter ko para sa inyo, pero i doubt it kasi madami kang fangirl which means madami kang fanmail. Sana po balang araw mapansin niyo ako. Kasi alam mo, parang sayo na naikot ang mundo ko eh. (Oa ba? Pero totoo eh.) Sana maging parte man lang ako ng mundo mo. :) Sige idol, hanggang dito na lang sulat ko. Baka mainip ka na kung binabasa mo man to. I love you to the infinity! 

 Love, 

Another Fangirl

Oo, fangirl ako. Masakit man, pero wala akong magagawa. 

Siya pa din yung leading man nang buhay ko,

Kahit na sa buhay niya, props lang ako. 

A/N:

Comments pretty please? :) Share your insights! ♥ 

Love, Another Fangirl (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon