III- ARGGGGGGGGGGH!

137 10 5
                                    

“I now declare you all…. GRADUATES! Congratulations batch 20**-20**! Hope you all have a bright future ahead.”  Ani ng aming principal. Ayan ang mga salitang hinahangad marinig ng bawat kabataan ngayon.

AT HINDI AKO NAIIBA! HAHAHAHAHAHAHA Bye SH and Hello UST! Bye Jeric and Hello Christian Sy! This is the happiest moment of my life so far. Syempre so far lang, kasi ikakasal pa kami ni Christian eh. Edi ayun na ang happiest day of my life ko!

“Hoy!” Kilala niyo na yan.

“Oh bakit Jeric?” Kakasabi ko pa lang na happiest moment of my life eh, biglang masisira agad?

“San ka mag-aaral?” Psh, baka sundan ako nito ha. Ganda ko kasi! *flips imaginary hair*

“Sa UST at bakit mo naman tinatanong? Siguro susundan mo ko no? SABI NA NGA BA EH AT MAY GUSTO KA SA AKIN!” Kaya pala inaasar ako nito! Kasi may gusto sa akin. HAYYYY NAKO. Style niya bulok!

Tinignan niya ako ng maigi, mula ulo hanggang paa. “SABI NA NGA BA EH AT---“ bigla niya akong pinitik sa noo. “Bakit mo ginawa yon ha?! CHIX KA BA HA?” asar kong sabi. Sakit niya talagang pumitik.

“Ginigising lang kita. Baka kasi nanaginip ka pa. Ako magkakagusto sayo? Hahaha, mas pipiliin ko pang mamatay na virgin kesa makadate ka.” Sabay tawa, ay hindi! HUMAHALAKHAK talaga siya.

“HINGA NAMAN DIYAN OH! Tawa ng tawa eh. Bwisit!” Magwalkout ka na Ces. Masisira lang ng tuluyan yang araw mo.

Paalis na ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “Wait, may sasabihin pa ako.” Wag mong tignan Ces! Wag na wag! “OH ANO? Di ka pa tapos sa pangangasar?” Lumapit siya sa akin. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Nasa likod ko kasi siya. “Wag kang malikot.” Naiirita na ako ha! “Bakit ba?” Hinawakan niya ang shoulders ko. Huminga siya ng malalim “May tagos ka kasi eh.”

FCK! Maski sa graduation day ko, hindi ako iniwan ng kamalasan! Ganon ba niya ako kamahal?

“Uy Jeric, diyan ka lang ha. Dali na, tulungan mo ako. Please.” Naramdaman kong ngumiti siya. “Sabihin mo munang gwapo ako.” Sht bwisit talaga to. Bakit ba kasi hindi nagbehave tong napkin ko eh! Nagkatagos tuloy ako! “Ok fine, ang gwapo mo talaga Jeric.” Naramdaman ko na nagsmirk siya. “Alam ko! Ay nakalimutan kong sabihin sayo, sa UST din ako magaaral.” Sht, bakit sa UST pa? Leche! Wait wait. Uyy bakit siya nalayo sa akin? 

“Uy Jeric, wag ka namang ganyan oh! JERIC PLEASE!” Nagmamakaawa ako sa kanya, palayo na siya ng palayo. “SHT NAMAN JERIC EH! MAKIKITA NILA. PLEASE!”

“Don’t worry Ces, joke lang yun. Gwapo ko kasi eh. SEE YOU!” Sabay takbo.

“JERIC!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”

Si Jeric, parang gripo. Hindi titigil hangga’t di papatayin.

“Oh anyare sayo Ces? Bakit parang namatayan ka diyan?” Si Cams. “Dali! Pupunta pa tayo sa Party nina Alyssa! Tara na!” Hinatak na niya ako papunta sa kotse nila. Nagtataka ba kayo kung bakit wala si Mama? Nasa US siya ngayon. Alam niyo na, trabaho. Malas talaga, kung kelan graduation tsaka wala eh.

Love, Another Fangirl (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon