IV- Upon Seeing You part 2

111 9 3
                                    

 Thank you sa support girl :*

------------------------------------

“Finally meet you talaga?” Takang tanong ni Christian sa akin. Kasi naman Ces, bakit yun pa ang sinabi mo? Pwede namang Ah ok, ako si Ces Dizon. “Nakita mo na ba ako somewhere?” takang tanong niya ulet sa akin.

Ces, ISIP ISIP!

“Uh, ano kasi, ah yung kapatid ko! Die hard fan mo sa facebook. Ang gwapo mo daw kasi eh. Bukambibig ka niya palagi.” Ay wow naman Ces! Magaling ka mangbaliktad ng storya. Very good! *clap* *clap*

“Ah ganun ba? Pakisabi naman na thank you at sana mameet ko siya in the near future.” Sus, kahit wag na Christian! Baka agawin ka pa nun sa akin. Malandi pa naman yung si Lei. JOKE JOKE JOKE mabait yung si Lei! Kagaya ko....

“Yung Ces ba inshort for Princess?” Pauper. Pauper ako Christian. Pero pwede ding naman Princess, basta ba ikaw ang prince. ;) AND WE LIVE HAPPILY EVER AFTER. Or not...

“Hindi eh, inshort for Cecilia yun. Cecilia Marie Dizon ang full name ko. Ang lola diba?” Pero alam mo, gandang ganda ako sa pangalan ko kahit na parang pangmatanda siya. Sana nga daw yun na lang pangalan ng author ng storyang ito eh. Nashare lang naman!

“Hindi ah. Ganda nga ng pangalan mo, parang ikaw.” AYYYYYY CHRISTIAN, WAG KANG GANYAN! Wag mo kong pafall-in pa sayo ng lalo, baka masaktan lang ako. Pero malay mo, saluhin niya ako.. malay mo..

“Ehem ehem.”

SINO PA NGA BA ANG DAKILANG MANINIRA NG NAPAKAGANDANG MOMENT SA STORYANG ITO?

Tantananan. SI JERIC TAN!

“Hindi pa ba magreresume ang tour? Halos isang oras at kalahati na tayong nakaupo, ang dami pang iikutin.” Bored na sabi ni Jeric. Parang may saltik talaga ito ngayon.

“Ah ganun ba. Ah sige Ces, next time na lang ulet.” Nginitian niya nanaman ako at umalis na.

BWISIT KA JERICCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCCC! BWISIT KA! BWISIT KA!

Bakit ba parang pinaglalayo mo kami ni Jeric ha? Naman eh!

“Mukhang napasarap kwentuhan niyo ah, pakitandaan na campus tour ang pinunta natin dito, hindi get-to-know-well the tour guide.” Nilagay niya ang mga kamay niya sa bulsa atsaka umalis.

ANO BANG PROBLEMA MO HA JERIC? INAANO BA KITA DIYAN HA?!

“Bwisit ka.” Pinagsisipa ko yung coke-in-can na nakakalat sa cafeteria. Sorry coke! Ikaw pa tuloy yung napaglabasan ko ng galit. Pero bwisit talaga si Jeric eh! Bwisit na bwisit! Habang sinisipa ko yung coke-in-can, naiisip ko yung mukha ni Jeric. JERIC! LECHE KA! Nagmomoment na kami ni Christian kanina eh, sinira mo pa.

“Ay grabe girl, ang bait talaga ni kuya hot na tour guide. Nagkakwentuhan kami tapos kiniss niya pa yung kamay ko girl! Ang sweet sweet niya! Kinuha niya yung number ko!” Sabi  nung mukhang janitor fish na kasama namin sa tour. “Akin din bes, kinuha niya!” Nagtilian pa yung dalawang janitor fish.

Ah.. Ganun pala yun..

Bobo mo Ces. Bobo mo.

Inisip mo talaga na naattract siya sayo?

Tanga.

Isa kang malaking tanga.

Assumera ka kasi.

Ayan, nasasaktan ka nanaman.

Dear Christian,

                Hi. Ngayong araw na ‘to, nakita na kita inperson. Alam mo ba, ang saya saya ko! Akalain mo yun, nginitian mo ko ng apat na beses. Nagkakwentuhan tayo, nagholding hands pa nga tayo eh! (yung shakehands) at atlast nalaman mo na may Ces Dizon na nageexist sa mundo. Akala ko nga eh may something ka sa akin, pero sadyang  mabait ka lang talaga sa aming girls. Sorry sa pagaassume. Nakalimutan ko na hindi nga pala ako yung lead sa lovestory mo. Pero, pwede pa naman maging ako diba? Pwede pa naman diba?

 

                                                                                                                                                                                Love,

Another Fangirl

Ay sige Ces, isulat mo lang yan sa notebook mo. Parang naman kasi mababasa niya.

Parang naman kasi, mapapansin niya.

A/N: Comment and vote guys? :)

Love, Another Fangirl (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon