I- THIS IS IT!

170 9 7
                                    

HE'S SO F*CKING GWAPO! 

(A/N: Napakagandang pambungad sa Chapter 1. Wala eh, fangirl)

Christian Sy just posted a photo.

Like Comment Share

WTF. 300 likes agad? Kakapost lang nito ah!

Like!

Comment:

Ang gwapo mo talaga! <3 Be mine please?

Aba, patikalan na ng mukha, Hindi naman niya mapapansin yun eh. Nakakainis naman kasi eh! Ang malas ko talaga kahit kalian. Sa dinami-dami naman ng taong magugustuhan ko eh yung sikat pa! Si Christian Sy pa! Yung tipong libu-libo ang kaagaw ko. Hay nako. Don’t get me wrong ha, hindi siya artista, sadyang sobrang gwapo niya lang talaga at effortless niya kaming napahanga. Sa mga hindi siya kilala, sino nga ba si Christian?

Si Christian Sy ay…

1.       Gwapo

2.       Mabait

3.       Gwapo

4.       Chinito

5.       Gwapo

6.       Maputi

7.       Gwapo

8.       Mayaman

9.       Gwapo

10.   Matalino (sa UST siya nagaaral)

11.   Gwapo

12.   Sporty

13.   Gwapo

14.   Namention ko na ba ang Gwapo? BASTA GWAPO! Perfect! Ayun na yun!

Christian Sy naman eh! Paano mo ba mapapansin ang kagaya ko? Isa lang naman akong hamak na babae na aligaga sayo. Ay joke, kilala mo na ba ako? Ako si Ces Dizon! Ang napakabait na si Ces Dizon. Ang matalinong Ces Dizon na tanga pagdating sa pag-ibig. Isipin mo yun, naasa ako sa isang katulad mo. Langit ka, Lupa ako. Cake ka, pandesal ako. Wine ka, nestea ako. Carbonara ka, instant noodles ako. At higit sa lahat……. Gwapo ka, mabait ako.

Notification:

Christian Sy liked your comment: Ang gwapo mo talaga! <3 Be mine please?

Christian Sy also commented on his photo.

OH MY FCKING GAS. IS THIS REALLY HAPPENENG?!

Napansin niya na ako!!!! HAHAHAHAHAHAHA OMGGGG. THIS IS THE HAPPIEST DAY OF MY ENTIRE LIFE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! AT LAST NAPANSIN NIYA NA AKO!!!!! OH SHT, BAKA MAY CHANCE NA AKO SA KANYA. BAKA MUTUAL FEELINGS KAMI, BAKA TYPE NIYA DIN AKO. TAPOS MAGIGING KAMI, TAPOS PAPAKASALAN NIYA AKO TAPOS ANO, ANO.  BAKA WAAAAAAAAAAA THIS IS IT!

Or not..

Click notification.

Lahat pala ng comment naming fangirls, nilike niya.

Ang masaklap pa,

Nireplayan niya yung iba.

Christian Sy: ……. Di ko na mamemention ang lahat basta Thank you talaga guys! :)

 

Sabog.

Yan napala mo, assuming ka kasi.

May pa- ano ano ka pang nalalaman diyan.

Alam mo naman sa sarili mo na hindi ka mapapansin niyan eh. Yung chix nga hindi niya pinapansin, eh ikaw pa kayang mabait. Pero malay mo? Malay mo ano? Na destined talaga kami sa isa’t isa. Lul, destined ka pang nalalaman diyan eh. Diba ganyan naman sa mga storya, nakukuha nila yung mga prince charming nila. Sa storya yun, hindi sa realidad. Tandaan mo, ang mga storya ay kathang-isip lamang at malayong mangyari sa totoong buhay.

Naman kasi eh.

What’s on your mind?

What’s on my mind? Edi si Christian Sy! Sino pa ba?

Hay, bwisit.

Balang araw, dadating yung panahon na mapapansin mo ako. Pero sana, malapit na yun. Nakakainis naman kasi eh. Alam mo ba para kang bituin?  Ang hirap mong abutin. Pero may mga bituin naman na sila yung mismong bumabagsak diba? Sana ganun ang mangyari sa akin. Sana you’ll fall for me and make my dreams come true.

POST.

Notification: Lei Dizon commented on your status.

Lei Dizon: Woooo drama, itulog mo na lang yan!

 

 

Panira.

Panira ng moment.  Leche talaga tong kapatid ko. Kahit kalian hindi ako sinuportahan nito sa buhay ko. I can really feel the sisterly love! Can you feel it too guys?

Notification: Jeric Tan commented on your status.

Jeric Tan: Minsan kasi, masyado kang nagfofocus sa star na yun. Hindi mo alam na may bumagsak na pala na star. Hindi mo lang napansin kasi isang star lang ang nakikita mo. Isang star lang ang hinahangad mo. At isang star lang kasi ang sa tingin mong magpapasaya sayo. Haha

 

Ano naman yun?

Walangya talaga si Jeric, ang daming alam. Sino si Jeric? Nako! Stop right there! Alam ko na yang iniisip niyo ha! Tropa ko lang siya. Ay! Sobrang gwapo niyan (Pero mas gwapo si Christian, o diba naisingit ko pa). Ang bansag nga sa kanya ay “Face of the batch” Angas lang diba? Hayup, kaya nalaki ang ulo eh. Hay makatulog na nga! At madami pang gagawin sa school. Ganyan talaga pag graduating. Madaming requirements na pinapasa. Running for valedictorian nga pala ako. O diba, I have the brains and the heart. But the face, nevermind. Joke, maganda naman daw ako eh! Sabi nga lang ni mama.

Osiyasiya, good night! Malay mo umepek sa akin ang beauty sleep ;) You’ll never know if you’ll never try guys. hahahahaha

Good night Philippines and good night world. See you---

“ANAK! MAY LETTER PARA SAYO!!” 

A/N: Comments, pretty please? :))

Love, Another Fangirl (On-going!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon