Chapter 7
<Belle’s POV>
SH_T!
Bushet sa lahat ng bushet! What the hell is he doing here?
Nakita ba niya ang pagwawala ko? Waaaaah!!!!
Lord! Sana kunin Niyo na ako…waaaah! Mas gusto ko pang matsugi kesa magpatuloy pa ang sitwasyong ito.huhuhu!
Teka, ouch! Masakit ang likod ko at ang PUWET ko. Araaay! Nabugbog ata masyado ang butt ko.huhu!
Kawawa naman ang puwet ko ngayong araw na ‘to. Kanina, itinulak ako ni Mishi, ngayon naman, nahulog ako mula sa ibabaw ng mesa ni Maam after my singing performance.
Minasahe ko ang nasaktang bahagi ng katawan ko. Hindi ako tumitingin kay Kent Lawrence. Hindi ko alam kasi kung ano ang magiging reaksyon ko sa magiging reaksyon niya.
Sana bumuka na ang sahig at lamunin na ako.huhuhu!
Mayamaya pa’y naramdaman ko ang papalapit na footsteps sa akin.
Nanay ko po!
Lord! Parang awa Niyo na, kunin Niyo na ako, pleeeeeeeaaaaasssseeee!
Teka, masyadong mahaba na ung please na un. OA na. =P
Nakiramdam ako pero wala naman akong nararamdamang may tao pa sa paligid.
Unti-unti kong itinaas paharap ang aking paningin. Nanlaki na naman ang mga mata ko.
Nanay ko po! Nasa harapan ko si Kent Lawrence!
Bigla akong nagbawi ng tingin and I just stare at my lap.
Wait a minute kapeng mainit! Totoo ba ung nadaanan ng paningin ko? Totoo bang nakalahad ang isang kamay ni Renz sa akin?
Haist! It’s only my imagination, IKR? Hinding-hindi mangyayari un. Mamatay man ako ngayon!
Bumaling ako kay Renz at OMG! Nganga talaga ako! Nakalahad nga ang kamay niya sa akin!
Wahaha! Lord, binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Please, huwag Mo muna akong kunin. Mag-uumpisa pa lang ang love story namin ni Renz. Wahaha! Masyadong ma-feeling ano?
Alanganin kong iniabot ang kamay ko kay Renz. Literal na hindi ako makahinga nang maglapat ang aming mga palad.
Parang nakikita ko ang mga sparks na nagmumula sa mga kamay namin. At unti-unti itong dumaloy sa puso ko na nagdulot ng di mahabol sa bilis na pagtibok.
Eeeeeeeeeeeeh! Oh my God! Oh my God! Oh my God!
How I wished I could stop the time para di na matapos ang tagpong ito sa buhay ko.
But of course! Di un mangyayari. Masyado naman akong makapangyarihan kung mapapahinto ko ang oras di ba?
Oh well. Magkahawak pa rin ang kamay namin ni Renz. Naramdaman kong hinihila niya ako patayo.
Oh no! Ayoko! Ayoko! Ayokong tumayo! Huwag mo akong pilitin please? Para tumagal pa ang holding hands natin. At mananatili tayo sa ganitong ayos.hehe
Kaso wala na akong nagawa nung hinila na nga niya ako patayo. Sira ang daydream ko.waaaah!
Pwede ba Belle? Tama na ang pekeng iyak.
Hahaha! Pinagalitan ko ba naman ang sarili ko. Shunga lang ang peg!
Akala ko ay aalis na si Renz dahil nagsimula na siyang humakbang palayo sa akin pagkatapos kong mag-thank you sa kanya nang mahina.
“Mag-isa ka lang bang naglilinis?”
Biglang napaangat ang tingin ko kay Renz. At hindi ako nakapagsalita!
What do you expect, guys? Imagine, tinulungan kanina at ngayon kinakausap ni hot guy Renz ang nerd na tulad ko. Siyempre, laglag-panga ako!Wahahaha!
No words came out from my mouth. Di talaga ako nakapagsalita at nakatitig lang kay Renz. Kung andito lang si Lei, siguradong binatukan na ako nun!
“Tulungan na kita.”