Chapter 9
Nagpanting ang tenga ko nang marinig ang boses na un. God! Nakakakilabot talaga ang feeling kapag naririnig ko ang boses ng walanghiyang lalaking ito.
Bumaling ako sa kanya at tiningnan nang pagkasama-sama. Kung hindi lang malaking kasalanan ang pumatay ng tao, pinagtataga-taga ko na ang letseng ito.
“Whooh! Grabe ka naman kung makatingin, Mishi. Wag mo nga masyadong ipahalata na may gusto ka sa akin.”
The nerve! “Antaas talaga ng tingin mo sa sarili mo, ano? Bakit hindi ka na lang mahulog at bumaon sa lupa para mawala ka na sa mundo! Saka, I have a boyfriend at kung ikukumpara ka sa kanya, you’re just a dirt from the nose.”
Mabilis akong umalis. Walk out ang drama ko.
Dumiretso ako sa parking lot at sumakay sa likurang bahagi ng kotse namin.
“Kuya Alex, alis na tayo!” sigaw ko sa drayber namin.
Nakita kong nabigla si Kuya Alex sa pagsigaw ko. Bumukas ang pinto sa kanan at sumakay si Jessie. Damn this guy! Ang kapal talaga ng mukha ng unggoy na ito, nakisabay na naman sa pag-uwi.
Sinaksak ko ang headphone sa tenga ko. Ayokong marinig ang kwentuhan ng dalawang nasa harapan. At lalong ayokong marinig ang boses ng kinabubuwisitan kong unggoy.
Nakauwi kami nang hindi ako nagsalita. The hell kung napanisan ako ng laway. I don’t give a damn!
No one utter a word among our maids when I enter the house. Sanay na ang mga kasambahay namin na kapag nakasimangot at nagmukhang linya na ang mga kilay ko, walang mag-iingay at walang magsasalita.
“Good afternoon everyone! Kumusta na ang magagandang nilalang sa bahay na ito?”
Super kapal talaga ng face! Nagawa pang mambulabog sa pamamahay ng ibang tao.
Tuloy-tuloy na akong pumanhik at nagkulong sa kuwarto.
<Jessie’s POV>
“Ano na naman ang ginawa mo kay Mishi at ganun na lang kasama ang timpla ng alaga ko?” si Nanay.
Nagmano ako kay Nanay.
“Si Nanay naman. Ano naman ang puwede kong gawin sa alaga nyo? Masanay na kasi kayo na spoiled brat ‘yang alaga nyo.”
“Kahit spoiled ‘yang si Mishi, may mabait na side din yan. Aba! Kapag magkasama lang kayo saka siya nagkakaganyan ah. Ano na naman ba ang ginawa mo? Nagbangayan na naman ba kayo?”
“Nanay, baka may buwanang dalaw ang alaga nyo kaya masungit ngayon.”
“Naku! Batang ito! Umuwi ka na nga at nang makapagpahinga ka na.”
Nagpaalam na ako kay Nanay at umuwi na aming munting tahanan. Tama, munting tahanan na regalo ng pamilya Delos Reyes sa aking mga magulang na matapat na naglilingkod sa kanila.
Ilang taon na bang naglilingkod sina Nanay at Tatay bilang katulong at drayber sa pamilya nina Mishi? Hindi ko na alam. Basta mga dalaga’t binata pa sila nang magsimula silang manilbihan sa pamilyang iyon.
At alam ko na malaking tulong na rin ang nagawa ng butihing pamilyang iyon sa pamilya namin. Kumbaga itinuturing na rin nila kaming kapamilya.
Wala akong masasabi sa kabaitan nina Mayor Joseph at Mrs. Imee. Napaka-humble pa ng mag-asawa sa kabila ng mayaman at maituturing na makapangyarihan sila sa aming bayan. Wala kaming nagiging problema sa kanila. Maliban kay Mishi, ang nag-iisang anak.
Actually, gaya ng sabi ni Nanay, wala namang problema kay Mishi kung pakikitungo sa mga kasambahay ang pag-uusapan. Basta iwasan lang gawin ang mga bagay na makaiinis sa kanya. Halimbawa na lang kanina, huwag kang mag-iingay o magsasalita kapag nagsusungit siya.