do you know this girl?

74 1 3
                                    

Chapter 8

“Tulungan na kita.”

What??! Tama ba ung narinig ko? Di ba ako inuunggoy ng pandinig ko?

Oh my God! Oh my God! Oh my God talaga!

Close kami ni God ngayon kaya lagi ko siyang tinatawag sa isipan ko.hehe!

 Tumango na lang ako dahil hindi nga ako makapagsalita.

Kinuha ko na ang walis at nag-umpisa na akong magwalis. Itinataas ni Kent Lawrence ang mga upuan at winawalisan ko naman ang ilalim ng mga un. Syempre, binabagalan ko ang pagwawalis para magtagal pa ang moment naming dalawa.hahaha!

Pareho na kaming pinapawisan pagkalipas ng ilang sandali. Oh sh_t! Ang gwapo-gwapo pa rin niya kahit pinapawisan. Eeeeeh! I fight the urge to wipe the sweat slowly rolling to the side of his check.

Napakislot ako nang umangat ang kanyang paningin.

“Bakit? Pagod ka na ba?”

Wahahaha! Napatigil pala ako sa pagwawalis habang nakatingin sa kanya.

“Ahm.. H-hindi. T-tapusin na natin.” Damn it! I stammered as usual.

Mabagal naming ipinagpatuloy ang paglilinis.Pero kahit na anong gawin kong pagbagal, natapos din ang moment namin. Haist! It’s sad to say, moment ko lang pala!

Naupo kami at gosh, naupo siya sa tabi ko. Oh my God! Baka amoy-pawis na ako. Eeeeeh! Huwag naman sana. Ayoko siyang ma-discourage sa akin.

Dahan-dahan kong inamoy ang sarili ko. Napangiti ako. Thanks God! Naaamoy ko pa naman ang cologne ko.hehe..

Tumayo na si Kent Lawrence at naglakad patungo sa pintuan. Bago siya nakalabas, tumayo ako.

“Ahm.. R-renz, t-thank y-you, h-ha?”

Lumingon siya at ngumiti.

Wala na si Kent Lawrence sa paningin ko pero nakatulala pa rin akong nakaharap sa pintuang nilabasan niya.

Animo’y puno ng liwanag ang buong paligid. Liwanag na dulot ng ngiti ng lalaking matagal ko nang itinatangi. Hmm.. Malalim un ah! May silbi rin pala ang natutunan ko sa Filipino subject namin. Hehe!

Nakangiti kong nilisan ang silid namin sa Math. Para akong shunga na pinagtitinginan ng mga estudyanteng papauwi na rin sa wari ko.

Well, I really don’t care of what they think about me. Ang importante eh, masaya ako ngayon. As in, masayang-masaya ako ngayon. J

Nakarating ako sa bahay na nakapagkit pa rin ang ngiti sa aking labi.

“Mukhang masaya ang baby ko ah.”

Nagmano ako kay Papa at ngumiti lang. Akala ko titigilan na ako ni Papa pero,haist! In my dreams!

“Bakit kaya masaya ang baby ko? Puwede sigurong malaman ni Papa, ano?”

Wala na akong nagawa kundi isalaysay kay Papa ang nangyari sa Math classroom namin. At habang isinasalaysay ang nangyari ay parang may nagliliparang puso sa paligid ko at hindi mawala ang ngiti ko.

“Wow! Nag-level up na ang baby ko. Napansin na siya ng crush niya huh! Masaya ako para sa’yo. Ayus-ayusin kaya natin ‘tong buhok mo para makita nila, lalo na ni Renz, na maganda ang baby ko.”

Napangiti ako at niyakap si Papa. Un ang gustong-gusto ko kay Papa, very supportive siya sa akin. Mula nang mawala si Mama, siya na lamang ang kakampi ko sa lahat kaya mahal na mahal ko siya.

<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<pinkviolet28: Enter na po ang character ni Mishi, the brat.

<Mishi’s POV>

Damn that guy! Wala na siyang ginawa kundi bwisitin ako. Kumidlat sana at tamaan siya para wala nang sumisira sa araw ko.Grrrrrrrrrr!

Inis na inis akong umalis sa theatre arts room after our meeting. As usual, disastrous na naman ang meeting namin. Wala namang nangyari sa meeting eh kundi bangayan sa pagitan namin ni Jessie.

That jerk! Wala nang ginawa kundi pestehin ako. Lagi niyang pinipilit ang gusto niya.

So what, if he’s the president of our club? Ako naman ang favorite leading lady ng club namin.

I took my cell phone and dialled Kent’s number. It’s ringing, ringing and ringing.

Why is he not picking up? The hell!

I dialled again. And he’s still not picking up!

“Mishi, sabay na tayong umuwi.”

Do you know this girl?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon