Chapter 5
<Kent Lawrence’s POV>
Asan na ba un? Anak ng tokwang baboy! Patay ako kay Mishi kapag nawala un. Siguradong magagalit at aawayin ako nun. Siyempre, magtatampo pa at kailangan kong suyuin. Suyuin? Kelan pa nakasama sa bokabularyo ko ang salitang un?haha!
I don’t woo girls. Hindi ako nanliligaw. Kaya kung break,eh di break! I really don’t care! But not yet with Mishi, di pa ako nagsasawa sa babaing un. Sarap kaya niyang kahalikan. Game na game!
Hinalungkat ko ang bag ko. Nilimas ko na rin ang laman ng bulsa ko. But there’s none. Wala talaga!
Haist! Saan na napunta un? Buti na lang wala pa si Mishi at may meeting silang theatre arts students.
Inisip ko kung anong nangyari ngayong araw.
[flashback]
Nabwibwist ako dahil hindi ko maintindihan ang ipinapaliwanag ni Mrs. Santos. Kaya humanap ako ng mapaglilibangan. Pampalipas-oras kumbaga. Inalis ko ang singsing sa daliri ko. Bigay ito ni Mishi. Galante ang latest ko.hehe. Anak ba naman ng mayor ng lugar namin.
Binili niya ito kapartner ng singsing na suot niya. Damn! Kelan pa ako nakasama sa baduy na ginagawa ng couples? Couple? I really don’t think us as couple. We’re more players than couple. And we’re playing a very interesting and enjoyable game. And mind you people, we’re both enjoying this game!
“Very good, Maria Isabelle.” Boses ni Mrs. Santos.
Napaangat ako ng tingin. Alanganing ngiti na naman ang nakita ko mula kay Nerd. Napaka-boring siguro ng buhay ng babaing ito. Laging libro ang kasama. Haist! Bakit ko ba siya pinag-aaksayahan ng lakas at oras?
Mrs. Santos announced to the class that next week will be our exam. I groan just like almost everybody in the room.
[end of flashback]
So, hindi ko na naibalik sa daliri ko ung singsing. The biggest possibility is, I left it. Or maybe I dropped it in our Mathematics room.
Mabilis akong naglakad pabalik sa room. Baka sarado na o kung minalas-malas ay nakapaglinis na ang assigned cleaners at napulot na nila ang singsing.
Whew! Buti na lang open pa ang room namin. Nakita kong nakaawang ang pinto. Itutulak ko na lang ito nang marinig ko ang tinig na sumasabay sa kanta ni Taylor Swift.
Dahan-dahan akong sumilip.
Chapter 6
I suppressed a smile. I didn’t expect such an entertaining sight!
I saw Nerd singing and dancing sa ibabaw ng table ni Mrs. Santos. Feel na feel nito ang pagkanta. Bigay na bigay na parang wala nang bukas. May papikit-pikit pa siyang nalalaman.Wahaha!
Natuwa naman ako sa kanya so I continue watching her. Ayokong mambasag ng trip!
100% sure akong mapapahiya siya kapag nalaman niyang pinanonood ko siya.
Natapos na ang pagwawala este pagkanta ni Nerd. At nag-bow pa talaga!
Almost paradise…
Anak ng tokwang baboy!
Mabilis kong hinugot mula sa bulsa ang cellphone ko at pinatay ang sound.
Damn! Bumalik ang paningin ko sa loob ng room. Itinulak ko ang pinto at aakma nang pumasok. Tumingin ako ulit kay Nerd na hindi na nakaalis sa ibabaw ng mesa.
Nakita kong napamulagat si Nerd nang makita ako. Di naman ako nagpahalata na nanood ako ng performance niya. Kaso sa pagkakabigla, napaatras si Nerd at…
Aaaaah!
BLAG!
HAHAHA! Akala ninyo sinalo ko siya ano? Di naman ako si Superman na simbilis ng kidlat no? Ang layo kaya ng pintuan sa table ni Mrs. Santos. In the first place, WHY WOULD I DO THAT??
I entered the room and went straight to my chair. I saw my ring in the corner. I picked it up and I decided to get the hell out of there!
Oouch!
Lazily, I looked at where the ouch came from. Nerd is still on the floor. She’s massaging her back and her butt! Napasama siguro ang bagsak niya. Tsk, tsk, tsk!
Naawa naman ako sa itsura niya kaya nilapitan ko siya.
I offered my right hand to her.
<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
pinkviolet28: Weeeeeeeh! Kinikilig na ako…hahaha!