Rebel (1)

8.1K 158 14
                                    

Edited

***************
Ako nga pala si Lawrence Hai Valerio. Mas sanay akong tinatawag sa pangalang "Hai". Pinanganak akong mayaman kaya medyo maluho ako ay hindi pala, sobrang maluho talaga ako, pero hindi porket mayaman ako at nakukuha ko ang lahat ng gusto ko ay ibig sabihin masaya na ako. Sa totoo lang nangungulila ako sa ina dahil kamamatay lang niya. Ang dad ko naman ay nag asawa nanaman kaya kami nag kakagulo ng dad ko. Mabuti akong tao pero bad boy ang datingan ko hahahaha syempre gwapo ako ehh. Matangkad, Maputi, Chinito, hindi naman ako matalino pero nakakasabay lang ako. Ok balik tayo sa pagiging mayaman ko. Ang dad ko ay nag maay-ari ng Restaurant madaming branch mga 8 branches na ito. Meron din kaming Hospital at 5 na clinic. Nag mamay-ari din ng school ang dad ko at may share din siya sa school na katapat nito.

Ako ay college na sa pasukan kaya naghahanda na ako. Parang ayaw ko kasing mag aral sa school ni dad kasi babantayan nanaman ako tsk naiilang kasi akong may sumusunod sakin. Back to my life andito kami ngayon sa table at kumakain. Sa harap ko nakaupo yung asawa ni dad which is ang pangalan ay Lyla tapos ang dad ko naman ay nasa tabi ko ang pangalan niya ay Kurt.

Dad: "Hai anong kukunin mong course sa college?"

Me: "mag take ako ng marine"

Lyla: "maganda nga yang course na yan anak"

Me: "tsk! wag mo nga akong tawaging anak!" inis kong sabi.

Dad: "Hai!!! ano ba! kumakain tayo! At wag kang bastos!"

Lyla: "ok lang kurt naiintindihan ko si Hai"

Me: "una sa lahat hindi mo naman ako anak! pangalawa hinding hindi mo ako magiging anak!" tumayo ako at aalis na sana pero nag salita si dad.

Dad: "Hai!! sumosobra kana!! kung ganyan din naman ang ipapakita mo sa harap ko, lumayas ka nalang!!"

Me: "ayan lang naman ang hinihintay kong sabihin mo eh! ang palayasin ako para makaalis ako dito sa pamamahay na ito!!"

Dad: "aba bastos ka talaga ah! simula ngayon wala kanang matatanggap na anumang pera sa akin!"

Lumapit siya sakin at sinapak ako. Inawat naman agad siya ni lyla upang tumigil si dad.

Me: "aalis na ako."

Pumunta ako sa kwarto para mag impake. Meron naman akong ipon ehh atsaka binenta ko yung kotse na ibinigay ni dad sa akin. Binenta ko din yung mga mamahaling relo at iba ko pang gamit. Kinuha ko din yung atm ko baka kasi lagyan niya kahit wala na ako malay mo naman. Ma pride akong tao pero gagamit parin ako ng utak syempre.

Naghanap ako ng lugar upang matutuluyan. May nakita akong for rent na bahay doon kaya pumunta ako.

Me: "tao po.."

Lumabas naman ang isang matandang babae, siguro mga nasa 40 na siya.

Manang: "anong kailangan nila?"

Me: "magtatanong lang po sana ako kung magkano ang renta jan sa bahay po"

Manang: "ahh 3500 lang iho. Kung gusto mo ngayon kana lumipat"

Me: "kukunin ko na po manang, eto po ang down payment at advance para sa bahay"

Manang: "ahh sige salamat iho, ako nga pala si Ceny. Sige na iho mauna na ako, tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka, jan lang ako sa tabi ng bahay mo"

Me: "maraming salamat po manang Ceny"

Pumasok na ako sa loob. May isang kwarto ito at may salas at kusina. Maganda din naman yung banyo. Inilagay ko na ang mga gamit ko para makapag simula na. Bukas kasi mag eenroll ako sa school, dun sa tapat ng school ni dad. Ayaw kong mag aral dun sa school ni dad ehh mamaya kung ano ipagawa sakin wala akong freedom. Tinignan ko yung phone ko at nakita kong madaming miss call si lyla pati mga kaibigan ko. Nag half bath ako at nag suot ng night gown tapos humiga sa kama. Ipinahinga ko na yung mata ko hanggang makatulog na ako.

Addicted To You (A Twisted Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon