Accidental Kiss (4)

3.8K 87 4
                                    

HAI POV

Hindi ko napansin na nakatulog pala ako hmm balak ko pa naman sabayan si Yin paguwi mamaya ehh malapit lang naman yung bahay niya sa inuupahan ko. Bumangon ako tapos nag unat..

Me: "ugghh!!..sarap sa feeling!!"

Kinuha ko yung bag ko tapos sinuot ko yung jacket ko hmmm ginabi na pala ako tsk talaga hindi ko na nga maabutan si Yin. Nang nasa gate na ako..nakita ko siyang nakatayo sa may waiting shed na parang may hinihintay kaya lumapit ako dito.

Me: "uyy Yin gabi na ah? sino hinihintay mo?"

Yin: "ahh wala sige alis na ako"

Me: "tara sabay na tayo"

Tumalikod na siya sakin pero hinawakan ko siya sa balikat at pinaharap..alam niyo yung feeling na slow motion yung pag harap niya?? ^_^ grabe naman!!

Yin: "bakit?"

Me: "suot mo ito"

Tinanggal ko yung jacket na suot ko tapos isinuot ko sa kanya pero ayaw niya..

Yin: "paano ka?"

Me: "ok lang ako no mainit naman dun sa clinic kanina kaya ok na ako. Alam ko kasing kanina ka pa jan na nakatayo ehh malamig ngayong gabi"

Hindi na siya sumagot at sabay na kaming naglakad..walang kibuan..walang nagsasalita..alam kong malapit na kami sa bahay niya kaya ako na ang nag basag sa katahimikan.

Me: "salamat nga pala kasi pumayag ka na makipagkaibigan sa akin"

Yin: "tsk! oo na!"

Me: "sus! galit ka nanaman sa akin :("

Kiniliti ko siya ng kiniliti naiirita na siya hanggang yunh irita na niya naging tawa na sobrang cute niya pinag titinginan na kami ng mga tao pero wala akong pake kasi minsan lang kaming ganito.

Yin: "hahahahaha t-tama na Hai!!"

Nakayakap na ako sa kanya habang kinikiliti ko siya wala na siyang palag pero ayun nanaman yung slow motion. Slow motion yung mukha niyang nakatawa..nakita ko nanaman yung mapupungay niyang mata na may kasamang saya dito..yung ngiti niya na hindi matutumbasan ng kahit ano..yung labi nyang mapula..sa kakakiliti ko sa kanya na out of balance kami kaya natumba kaming dalawa. Nakapatong siya sa akin tapos ako nakapikit..dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita kong magkalapat ang labi namin..kaya napasigaw siya.

Yin: "aaahhhh!!!!!"

Yin: "anong ginawa mo?!! bakit mo ko hinalikan?!! tsk what the F!! tsk kainis talaga!!"

Tumakbo siya pauwi at naiwan ako mag isa doon na nakaupo. Pinagmasdan ko lang siyang lumayo hanggang hindi ko na siya nakita. Hinawakan ko yung labi ko tapos napaisip ako kung bakit hindi ako nakaramdam ng pandidiri kasi nga parehas kaming lalaki. Tumayo ako tapos ewan parang paulit ulit sa utak ko yung pagkakahulog namin. Parang yung utak ko lutang sa nangyari. Bumalik lang ako sa normal kong pag iisip ng makauwi na ako grabe ang haba ng araw ko ngayon..ang daming nangyari..yung iba maganda ang naidulot :)

Nagluto ako ng hapunan ko tapos kumain..niligpit ang pinagkainan..naglinis ng pinagkainan..nag half bath tapos humiga sa kama at naka tingin sa salamin.

Me: "hayss anong nangyayari sa akin??"

Nagising ako sa kahol ng aso ewan ko pero imbis na mainis ako sa mga aso parang ok lang kasi nga mahilig ako sa aso. Dating gawi parin..Kain..Ligo..Bihis..Pagwapo..And ready na ulit. Sumakay ako sa bike ko tapos dumeretso sa bahay nila Yin.

Me: "tao po"

Lumabas ang isang lalaki siguro mga 30+ na ang edad niya.

Me: "anjan po ba si Yin?"

Addicted To You (A Twisted Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon