Chapter 13

2.5K 75 1
                                    


HAI POV

Almost 1 month na pala kaming mag kakilala ni Yin, at grabe lang kasi sa maikling panahon ang dami na agad nangyari, sa loob ng isang buwan ang daming naganap na hindi ko inaasahan tulad ng pagmamahal ko kay Yin, hindi ko inexpect na magkakagusto ako sa kapwa ko at isa pa ay nalaman kong step brother ko siya. Madami na ngang naganap pero ang hinintay ko talaga ay yung araw na maiinlove sa akin si Yin, hahaha hindi naman natin alam kasi ako ngang straight nainlove sa kanya kaya hindi ako titigil hanggat hindi siya naiinlove sa akin hahaha

Nandito ako ngayon sa mall para mamili ng kung ano ano, napaka special kasi ng araw na ito sa akin, alam niyo ba kung bakit? kasi birthday ni Yin, birthday ng mahal ko hahaha, pero ano ba ito hindi ako komportableng wala siya sa tabi ko hahaha hinahanap hanap ko agad siya!

Nang matapos ako sa pamimili ng mga kailangan dumako naman ako sa bilihan ng regalo, hmmm hindi ko alam ireregalo ko sa kanya, sigurado akong ayaw niya yung pang girl kasi nga lalaking lalaki ang porma niya. May nakita akong malaking stuff toy, ang laki laki yung pang human size talaga at ang cute cute hahaha panda kasi siya kaya sobrang cute! Agad agad kong kinuha yung panda at binayaran ko, ipapakuha ko nalang to kung sino pwedeng mautusan hahaha malaki eh atsaka may mga bitbit pa akong mga pinamili kanina hahaha

Pagkatapos kong bilhin yun, tinawagan ko si Karl at Kent para kunin yun hahaha alam ko namang susunod sakin yung mga kupal na ito, aba kung hindi itapon ko sila sa dagat na puro pating hahaha.

Habang naglalakad ako, napadaan ako sa jewelry shop at may nakita akong dalawang sing sing, silver and gold daw yun at pwede daw ukitan ng pangalan dun sa sing sing kaya binili ko yung dalawa at isinuot ko yung isang sing sing na may nakaukit na "Yin" tapos yung ibibigay ko kay Yin ay may pangalan ko naman hehehehe kinikilig ako kahit hindi ko pa naiibigay! hahaha

Pag dating ko sa bahay ay tulog parin si Yin hahaha napuyat kasi yan kagabi nanonood ng movie yan bagsak siya hehehe hindi ko na ginising kasi baka makulangan sa tulog. Nag prepare na ako ng mga gagawin ko sa kusina, gusto ko lahat special, kasi para naman ito sa special someone ko kaya parang iregalo ko na sin ito sa sarili ko hahaha

Tinignan ko yung oras at nakita kong quarter to 12 na kaya dapat gisingin ko si Yin para kumain ng tanghalian, aba wala na nga siyang agahan eh hahaha sigurado akong gutom na gutom ito.

Pagpasok ko sa kwarto, tulog na tulog siya, ang gwapo niya matulog at ang cute cute hehehehe malalim kaya ang tuloh niya? hmmm kung malalim ibig sabihin pwede ko siyang samantalahin hahaha grab the oppurtunity ika nga hahaha!!

Pumatong ako sa kanya at inamoy amoy ko yung leeg niya! grabe nakakalibog naman! natetempt akong itali siya at tirahin na mala 50 shades hahaha, inamoy ko yung leeg niya paakyat sa jawline niya tapos papunta sa cheeks niya, nang nasa labi na ako, napatigil ako at napatulala lang, ang ganda ganda ng lips niya, ang pula pula, hindi ko akalain na nahalikan ko na ang mala anghel niyang labi, agad kong hinalikan iyon yung smack lang para hindi siya magising hahaha pagkatapos kong halikan kinalabit ko na siya

Me: "Yin...psst..gising na...Yin..."

Yin: "uhmm..."

Tumagilid siya ng higa kaya nahulog ako sa kama! aray ko naman! hahahaha

Me: "aray!!"

Sa pagsigaw ko na iyon ay naramdaman kong bumangon siya at lumaput sa akin

Yin: "anong nangyari?!"

Me: "ahh wala hahaha nadapa lang ako hehehe"

Hahaha palusot nalang ako, alangan namang sabihin ko na nakapatong ako sa kanya kanina baka masapak pa ako nitong mahal ko hahaha

Addicted To You (A Twisted Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon