Chapter 9

2.6K 97 2
                                    

HAI POV

Hindi ko alam ang gagawin ko kasi alam kong galit si Yin sa mama niya pati sa step brother niya at ako yun!

Nandito ako ngayon sa bahay kasi wala naman akong mauuwian kaya no choice. Nakita ko si dad na nakaupo sa sofa tapos nakita niya ako.

Dad: "Hai buti naman at umuwi kana"

Me: "Im not in the mood"

Dumeretso ako sa kwarto ko at nagbihis hayss ano ba ito! hindi ako sanay ng hindi nakikita si Yin! Hinahanap ng katawan ko yung presensya niya!! pero ano ba ang magagawa ko eh galit sa akin si Yin? hmm siguro papalipasin ko muna yung galit niya.

-------------------

YIN POV

Tsk so si Hai pala ang step brother ko! edi magsama sila! magsama sila ni mama!

Nagpunta ako sa may tabi ng ilog hindi naman kalayuan sa bahay namin. Lagi akong nandito pag gusto kong mapag isa. Gabi na at medyo malamig hayss sa dinami dami ng magiging step brother ko si Hai pa. Napalapit na ako sa taong yun kahit baliw baliw siya. Hindi naman ako galit sa kanya eh galit ako kay mama atsaka kung hindi si Hai ang step brother ko, kung ibang tao yun? siguro isinumpa ko na yun!

Ang ganda ng bituin sa kalangitan! Promise dito ko ipupunta yung taong mahal ko. Yung taong gusto kong makasama habang buhay. Kailan kaya siya darating sa buhay ko? Tsk! bakit yan ang iniisip ko?! ang iniisip ko dapat si mama eh! Hayss ang dami ng miss call ni papa kaya umuwi na ako.

Pagdating ko sa bahay, nakahanda na ng pananghalian si papa kaya umupo na ako para kumain. Wait! nasanay akong si Hai ang naglalagay ng pagkain ko pero wala siya kaya wala akong utusan!

Papa: "Yin nasaan si Hai? at bakit ngayon ka lang?"

Hindi ako makasagot kasi hindi ko alam ang irarason ko. Hayss isip isip!!

Me: "umuwi muna si Hai pa tapos ako tinapos ko lang yung paper works ko sa school"

Papa: "ehh bakit parang malungkot ka?"

Hala! nahalata ata ni papa kaya dapat casual lang para sa pag acting!

Me: "hala pa hindi ah! masaya nga ako eh ohh!! hahaha" mgumit ako ng pagka lapad lapad para magmukhang masaya!

Papa: "kumain ka na nga lang!"

------------------

KINABUKASAN

Nasa school ako ngayon at inaantok nanaman ako! nag review kasi ako ng mga lesson namin ngayon para advance ako atsaka pass time narin kasi wala akong kakulitan kagabi.

Wala parin si Hai kahit start na ng class, wala paring nagpapakitang Hai sa classroom. Hmm asan kaya yun! Kung alam ko lang eh! hindi naman talaga ako galit, pero bakit ganun? hindi ako nakaramdam ng galit? Hayss ewan itutulog ko nalang!

-------------------

1 week ng wala si Hai grabe! ano yun? baka ma drop siya sa school pero napag alaman ko na ninong niya ang admin ng school atsaka dad niya naman yung may ari ng sikat na school jan sa harap lang! aba mayaman talaga sila! tsk kaya naman pala kami pinagpalit ni mama kasi mayaman na mayaman yung dad ni Hai!

Lumapit sa akin si Cindy yung patay na patay kay Hai kulang nalang maghubad siya sa harap ni Hai hahahaha

Cindy: "ahhmm Yin diba close kayo ni Hai? pakibigay naman itong notebook niya, naiwan niya kasi ehh last week pa"

Me: "ahh sige salamat"

Hmmm grabe naman pati notebook naiiwan! Wait pangit sulat ni Hai ah?? hahahaha makita nga yung mga sulat niya.

Addicted To You (A Twisted Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon