Chapter 8

2.8K 84 5
                                    

HAI POV

Grabe na ito! maling mali ehh!! hindi ako pumapatol sa kapwa ko lalaki! argh! hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa ibang lalaki kay Yin lang talaga!! Pano na yan? straight ako no! at alam kong straight din si Yin! hayss dapat ma alis ko itong nararamdaman ko!

Sabay kaming umuwi ni Yin tapos pagkatapos ko siyang ihatid umuwi na ako sa inuupahan ko. Nang nasa pinto ako at kukunin ko sana yung susi, nagulat ako kasi nakabukas yung pintuan! baka may magnanakaw patay ako neto!!

Pumasok ako at nakita ko yung personal driver ni dad si kuya makmak at sobrang nagulat ako sa nakita ko!! si dad nakaupo sa sofa! argh! pano niya ako nahanap!

Dad: "Hai umuwi kana sa bahay"

Me: "huh?! hinding hindi ako uuwi at titira kasama yang asawa mo!"

Dad: "Hai ano ba?!! hindi ako pumunta dito para makipagtalo kaya umuwi kana!!"

Me: "tsk! kung ayaw mong makipagtalo ikaw ang umuwi dad!"

Dad: "aba sumosobra kana!!"

Sinapak ako ni dad at naramdaman kong dumugo yung sa may labi ko. Tsk kainis naman!! kailangan kong lumipat ng matutuluyan!! Umalis si dad tapos naiwan ako dun na nakaupo sa sahig tsk bahala na! dun nalang ako kay Yin magpapalipas ng gabi at bukas na bukas hahanap ako ng mauupahan.

Nagbike ako papunta sa bahay nila Yin at dumeretso sa may kusina. Nakita ko si tito Rex na naghuhugas ng plato.

Me: "tito pwede po ba ulit makitulog hahaha"

Tito: "oo naman pwedeng pwede hahaha punta ka nalang sa kwarto ni Yin"

Buti nalang nakatalikod si Tito kaya hindi niya nakita yung sugat sa labi ko. Pumunta ako sa kwarto ni Yin at nakita ko siyang nakaupo sa study table siguro nagrereview siya. Hindi ko nalang siya iistorbohin baka mabwisit lang siya sakin hahahaha.

Yin: "oh bakit ka nandito? may pasok bukas umuwi kana"

Me: "dito muna ako Yin..pinaalis ako sa inuupahan ko ehh" palusot ko nalang, hindi ko sinabi na si dad ang dahilan.

Tumigil si Yin sa ginagawa niya agad agad siyang lumapit sa akin! grabe sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko!

Yin: "Hoy!! ano nangyari sa labi mo? bakit may pasa ka?!!"

Me: "ahh wala to napaaway lang"

Yin: "tsk basagolero!"

Pumunta siya sa may study table niya at may kinuha siyang medical kit sa may drawer niya. Kumuha siya ng bulak at betadine. Ginagamot niya yung sugat ko at nakita ko yung mukha niyang napakaseryoso hehehehe ang cute cute niya! sana ganito lagi pwesto namin, hinding hindi ako magsasawa pag ganun!

Yin: "oh ayan tapos na"

Me: "salamat hehehe matutulog na ako ah?"

Yin: "oo pahinga kana jan"

Lumabas siya ng kwarto tapos ako nakatitig lang sa may kisame hayss mali talaga itong nararamdaman ko ehh. Nagmumuni muni ako siguro inabot ako ng 10 mins na nakatingin lang sa kisame hahaha. Bumukas yung pintuan at pumasok si Yin. Umurong ako para bigyan siya ng space sa higaan alanagan namang solohin ko yung kama hahahaha

Yin: "Hai alam ko naman na ang lahat ehh"

Me: "huh?"

Yin: "alam kong mayaman ka tapos alam ko din na nangungupahan ka lang. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Me: "pasensya na, akala ko kasi magbabago ang pagtingin mo sa akin pag nalaman mo na ganun ang estado ko"

Yin: "Hai ok lang naman sa akin ehh pero di ba mayaman ka? bakit nangungupahan ka pa?"

Addicted To You (A Twisted Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon