Part 3

490 15 2
                                    

Day 1

Athena's POV

Pumunta kami sa mall para mag laro sa arcade, at the same time tinuruan niya rin ako kung paano mag basketball. Syempre ako naman tinatago yung kilig habang tinuturuan niya ko. (Eh paano ka ba hindi kikiligin? kung yung dating nakikita mo lang sa picture nasa harapan mo na at nagtuturo pa sayo? :">) Nag Air-hockey din kami, nagkaron pa nga ng pustahan eh

"Ang daya mo naman Athena eh" Pagrereklamo ni Baekla saakin

"Hala? Madaya ba yun? Sadyang masmagaling lang ako sayo. Joke hahaha" Pabirong sagot ko

"Ts. Nanalo ka sa Air hockey, so malamang ililibre kita"

"Eto naman, wag na uy. Nakakahiya naman sayo"

"Hahaha okay lang Athena, swear"

"Wag na Baekhyun, sige ka iiwan kita dito" Sabi ko

"Haist. Sige na nga diyan ka masaya eh hahaha"

Alam mo kung ano yung awkward? Na habang naglalaro kami ng asawa ko este ni Baekhyun ang daming nagsisitinginan saamin?

Pagkatapos namin mag 'Air hockey' naintriga kaming dalawa dun sa isang machine na punong puno ng coins. Halos dun na nga maubos coins namin sa kakalaro dun eh. Nilaro din namin yung car racing, horse racing at yung dancing showdown ata yung tawag dun, yung susundan mo yung tao dun sa screen kung magle-left arrow ka ba, right, down o up. (Pasensya na bibihira lang talaga ako pumunta sa mga arcades, kaya yan di ako updated sa techie dito sa mga laro)

"Baekhyun! Laro tayo niyan!" Yaya ko sakanya

"Eh. Ayoko di ako marunong sumayaw" Sagot niya pa

"Alam mo pahumble ka, eh ang cute mo nga sumayaw eh!" Sabi ko sakanya

"Talaga? Cute ako sumayaw?" Tanong niya

"Oo! Kaya mag laro na tayo"

"Tinatamad ako eh"

"Sige na Baekhyun please" Pagmamakaawa ko sakanya

"Osige na nga, alam mo naman na di kita matitiis eh"

--

Halos mahigit tatlong oras ata kaming naglaro dun sa arcade, kaya naman pinaredeem na namin yung tickets na naipon namin sa kakalaro at ang nakuha namin stuff toy ay

PINK NA BUNNY!

Tapos binigay niya saakin

"Oh sayo na yan ^^" Binibigay sakin ni Baekla yung Pink na Bunny

"Wag na uy, nakakahiya naman sayo" Pakipot mode pa ko

"Pakipot ka pa! Hahaha alangan naman ako kukuha ng Pink na bunny na to? Baka pagkamalan pa kong bakla"

"Bakla ka naman talaga eh"

"Ano sabi mo?!"

"Ha? Ah e-eh ang sabi ko ang pogi mo! Kaya kukunin ko na tong pink na bunny ^^"

"Loko ka talaga, hahaha uy kain na tayo" Yaya sakin ni Baekla

"Haha sige sige" Sagot ko naman

Lumabas kami sa arcade at naghanap ng makakainan, at may nakita ako na isang food cart na nagbebenta ng Korean fish ball (mukhang masarap kasi eh)

"Baek! Gusto ko niyan *tinuturo yung Korean fishball* "

"Eh napaka oily niyan, gusto mo mabawasan yung 30 days mo?" Tanong niya sakin

"Drama mo Baek hahaha, o saan na tayo kakain?"

"Doon oh *sabay turo dun sa Korean Salad restaurant*"

" *sigh* O sige na nga"

Pagpasok namin dun sa 'Korean salad restaurant' binati kami ni Baekhyun ng isang waitress

"Annyeonghaseyo! *sabay bow ng 90 degrees*"

"Table for 2 please?" Sabi ni Baekla

"This way sir" Paslang na sabi ng waitress

Pinaupo kami dun sa sulok ng restaurant at binigay din saamin ng waitress yung menu

"Uy Athena anong gusto mong pagkain?" Tanong ni Baekla sakin na parang concern na concern saakin

"Ikaw bahala, kung ano yung pinaka masarap na pagkain" Sagot ko naman

"Haha sige sige"

Tapos umorder na si Baekla. Sa totoo lang kahit nag korean classes ako dati, wala akong naintindihan dun sa mga inorder ni Baekla ang naintindihan ko lang na inorder niya ay 'kimchi' hindi naman kasi ako mahilig kumain ng korean foods makalipas ng ilang minuto sinerve na nung waitress yung pagkain

"Here's your order sir, may gusto pa po ba kayo?" Tanong nung waitress kay Baekla

"Wala na, salamat" Sagot naman ni Baekla

"Okay sir, enjoy!" Umalis na yung waitress

Pagkatapos nun nakatingin lang ako kay Baekhyun habang busy siya sa pagkakain ng Kimchi

"Kumain ka na Athena, magutuman ka pa diyan eh" Sabi ni Baekla saakin

"Oo nga, kakain na" Sagot ko naman

Laking gulat ko nung sinubuan niya ko ng Kimchi

"Try mo to Athena"

"Ayoko di ako mahilig sa maanghang"

"Maanghang lang naman to sa dila eh, hindi sa lalamunan. Kung di mo kaya yung anghang eto naka ready na yung gatas" Sabi niya

"Haist. Sige na nga, diyan ka masaya eh" Binanat ko siya

Sinubuan niya ko ng kimchi, pati pisngi ko nagiging kimchi na sa sobrang pula. :"">

"Oh masarap diba?" Sabi niya saakin

"Oo masarap yung Kimchi ^^" Sagot ko naman

"Hahaha, kainin mo na yang inorder ko sayo. Best seller yan dito"

Pagkatapos namin kumain at magusap, hinatid niya na ko sa bahay ni Tita ^^

"Uy salamat pala Baekhyun sa araw na to. Pati na rin sa paghatid" Pagpapasalamat ko sakanya

"Wala yun Athena, bukas ulit ah *sabay kinindatan niya ko* " Tapos umalis na siya

Anak ng tokwa may Part 2 pa pala to bukas? Ayyieee kinikilig ako ^^

Dear diary,

Ngayon nag arcade kami ni Baekla, tinupad niya talaga yung pangakoniya saakin na it-ty ng tuparin lahat ng mga isinulat ko dun sa papel. Hahaha todo kilig din ako nung tinuruan niya ko magbasketball at sinubuan niya pa ako ng Kimchi at may bonus pang hatid. Shet kilig to the bones na to! Parang feeling ko wala na kong sakit haha. May Part 2 pa kami bukas ng asawa ko! Saan niya nanaman kaya ako ipapadpad bukas?

-Athena❤

30 days of romance [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon