Part 6

429 17 3
                                    

4th Day

Baekhyun's POV

Papunta na ko sa bahay ni Athena ng dumating si Kyungsoo at tinanong kung saan ako pupunta

"Oh Baekhyun, san punta mo?" Tanong ni Kyungsoo saakin

"Diyan lang, sa bahay ni Athena" Sagot ko naman

"Sa bahay ni Athena? Sama ako sayo Baekhyun"

"Sige sige, sama ka sakin"



Pagdating namin, naabutan namin si Athena na nagbabasa ng pocket book



"Athena!" Sigaw ni Kyungsoo na agad naman lumapit at nakipagbeso

"Oh kamusta na kayo Kyungsoo at Baekhyun?" Tanong niya saamin

"Okay lang naman kami ^^" Sagot ko

"Haha, salamat pala sa pag-alaga sakin ah. Lalo ka na Kyungsoo! Ang sarap sarap kaya nung soup na ginawa mo! ^^" Pagpapasalamat ni Athena



Maspinapasalamatan mo pa yang si Kyungsoo kaysa saakin? Na ako yung nagpunas sayo para bumaba lagnat mo! Porket siya nilutuan ka niya ng masarap na soup, parang kinalimutan mo na ko...




"Gusto mo Athena, lutuan kita ulit?" Tanong ni Kyungsoo

"Oo naman! Lika dun tayo sa Kusina"



Tapos naiwan ako mag-isa dito sa living room, tsk. Hindi man din ako niyaya na pumunta sa kusina?!



Kaya ang ginawa ko na lang, pampalipas oras nanuod na lang ako ng t.v habang yung dalawa naglu-luto at nagta-tanong sa isa't isa sa kusina



"May kakao ka ba Athena?"

"Oo add mo ko, sa kakao ^^"

"Malapit na matapos yung soup"

"Wow ang bango! Nakakagutom!"



Woooow! Waf kayong dalawa! Hindi niyo ba ko nakikita?! Kasama ako ni Kyungsoo pumasok dito sa bahay niyo at mas inentertain mo siya?

Habang nanunuod ako ng t.v may biglang nagtext saakin


"Baekhyun, magkita tayo please..."


Nagtext saakin ni Taeyeon. Isa din tong makapal ang mukha eh no? Makikipagbreak tapos babalik at magtetext ng "magkita tayo" bahala ka diyan, manigas ka! Kaya di ko na lang siya nireplyan at patuloy akong nanuod ng Korean telenovela.

Pero sadyang makulit ata tong si Taeyeon, text ng text. Ano bang ginagawa ko sakanya?


"Please, I'm really sorry Baek. Magkita tayo may mga icl-clear lang ako"

"I'll wait for your reply"

"Kung satingin mo na titigil ako sa kakatext sayo, sinasabi ko na sayo na hindi. Kaya please magreply ka naman"

"Baekhyun naman eh"

"Hihintayin kita sa dorm niyo bukas"



Flood na inbox ko sakanya, kaya naman ni replyan ko siya nang -_-

"Shut-up Taeyeon! Di natin kailangan mag-usap okay?!" Tapos pinatay ko kaagad cellphone ko at pinagpatuloy ko nalang ang panonood.



Kyungsoo's POV

Naglu-luto kami ni Athena ng soup, grabe ang saya niya pala makasama! Kahit nung isang araw ko lang siya nakilala, kaya pala nahulog loob ni Baekhyun sakanya.

(Baka ako din mahulog sakanya? :"> )

"Kyungsoo, ba't parang umiiwas sakin si Baekhyun?" Tanong niya



Hindi ko alam kung anong isa-sagot, paano kung sinabi ko sakanya yung totoo? Di niya na ko mapapansin? :(



"H-ha? E-eh kasi g-ganito yun..." Kinakabahan ako

"Ganito ang alin?" Tanong niya

"N-napilitan lang s-siya pumunta dito" Patawarin mo ko Baekhyun


Nung narinig niya yun, yung mukha niya parang di na madrawing sa sobrang lungkot



"Nandito naman ako para sayo eh..." Dagdag ko pa. Unti-unti siyang ngumiti at niyakap niya ko ng mahigpit

"Salamat..." Bulong ni Athena saakin


Nakita kami ni Baekhyun na nag-yayakapan


"Ehem" Sabi ni Baekhyun

"Bakit Baek? May problema ba?" Tanong ni Athena kay Baekhyun

"Magpapaalam sana ako na aalis na ko"

"Aalis ka na?" Nanlaki yung mga mata ni Athena

"Oo, marami pa kong gagawin eh. Kyungsoo kaw na bahala kay Athena" Sagot naman ni Baekhyun

"Makakaasa ka sakin Baekhyun" Sagot ko at umalis na siya

"Ipagpatuloy na natin yung pagluluto ^^" Yaya ni Athena saakin



Baekhyun's POV

Pauwi na ko ng dorm na nagfla-flashback yung mga nanyari kanina, lalo na nung naabutan ko sila nagyayakapan. Masakit man isipin, pero wala naman akong karapatan para magselos sakanya...



Day 5

Tanghali na ko nagising, eh kasi naman tong si Kyungsoo. Gabi na nga umuwi, kakao pa rin ng kakao. At ang ingay ingay nung ring tone niya (Baka kausap niya si Athena sa kakao talk?)

Papunta na sana ako sa SMENT bldg. Na paglabas na paglabas ko ng gate mukha ni Taeyeon ang tumambad sakin.



"We need to talk" Sabi ni Taeyeon habang nakatingin ako sakanya

"Ano pa ba pag-uusapan natin?!" Bwiset na bwiset kong sinabi ko sakanya

"About our past?" Sagot niya

"Mag-usap na lang tayo sa coffee shop"



Coffee Shop

Umorder si Taeyeon ng 2 mocha frappe at isang doughnut, treat niya daw kasi ako ngayon. Ewan ko kung bakit at anong pumasok sa utak niyang ilibre ako

"Baekhyun..." Sabi niya sakin

"Oh?" Sagot ko habang nagte-text

"M-mahal pa rin kita"

"Wow, rebound" Sagot ko

"H-hindi!" Pagde-deny niya

"Oh? Diba may ka-date ka na?" Tanong ko sakanya

"Baliw! Hindi yun totoo"

"Ah. Kung hindi totoo, ba't ka nakipagbreak?"

"Akala ko kasi, hindi ako deserving sayo..."

Tapos di ko siya sinagot

"Uy Baekhyun :("

"Ang babaw mo! Dahil diyan sa akala mo babaliwalain mo yung 7 months na pinagsamahan natin? 7 months Taeyeon, 7 months! Hindi isang linggo lang o isang buwan!" Sagot ko sakanya na parang nilabas ko na lahat ng galit ko


"Kaya nga nagsisisi na eh..."

"Nasa huli ang pagsisisi"

Tapos bigla niya kong niyakap

"Pero gusto ko sanang malaman mo na mahal na mahal pa rin kita" bulong niya sakin



Athena's POV

Nasa coffee shop ako ngayon, para makapag-isa. Tsk dapat si Baekhyun kasama ko ngayon eh, pero di pa siya nagpaparamdam simula nung umalis siya kahapon.

Nagmumuni muni ako ng nakita ko si B-baekhyun na kayakap si Taeyeon? Totoo pala yung BaekYeon? Grabe buti pa siya, nayayakap niya si Baekhyun. Tapos ako hanggang tingin lang...

Baka mapansin pa ko ni Baekla dito, kaya naisipan ko na lang umuwi.

Habang pa-uwi ako, nagfla-flashback yung mga nanyari kahapon, yung mga sinabi ni Kyungsoo saakin. Na napipilitan lang siya pumunta sa bahay namin.

Napipilitan

Napipilitan

Napipilitan

Napipilitan

Ipinagpipilitan ko lang ba sarili ko sakanya? :/

Tapos kayakap niya pa si Taeyeon kanina, siguro kailangan ko na tanggapin na fan niya lang ako. Fan na walang pag-asa sakanya.



Baekhyun's POV

"Pero gusto ko sanang malaman mo na mahal na mahal pa rin kita"


Tapos tinulak ko siya


"Wala na tayo Taeyeon, at hindi na dapat binabalikan ang mga nakaraan" At umalis ako ng di ko man hinintay ang kanyang sagot



Author's Note: Hello! Salamat po pala sa pagbabasa ng story ko ^^

Kahit parang di na nagmukhang one-shot ^^

Vote-Comment

30 days of romance [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon