Hello ate! ^^ Dedicated to sayo kasi ikaw gumawa ng magandang bookcover ko! ^^
September 5 2013
Dear Athena,
Happy 2nd Death Anniversary nga pala minamahal kong Athena, eto nanaman ako sirang plakang nagsusulat ng sulat sayo tuwing death anniversary o birthday mo. Alam mo Athena, kung nandito ka lang ang saya saya ko siguro ngayon! Pano ba naman kasi
Hindi naging sapat ang tatlumpong araw para mahalin ka, alam mo Athena, kung ako lang masusunod? Dadag dagan ko man lang ng trenta minuto buhay mo o kaya naman tatlumpong oras, tatlumpong linggo, tatlumpong buwan o kahit tatlumpong taon pa para mas mapakita ko yung nararamdaman ko sayo, sana nga pwede ko ibalik yung mga panahon na may oras ka pa sana nasabi ko sayo na mahal na mahal kita. Pero wala eh, naduwag ako. Natakot ako kasi akala ko kung sinabi ko sayo yung nararamdaman ko baka maslalo akong masaktan sa pag alis mo. Pero mali pala ako doble ng sakit at sising sisi ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko man lang sayo nasabi yung nararamdaman ko.
Salamat nga pala Athena sa lahat lahat ng ginawa at tinuro mo saakin, salamat sa pagtuturo mo sakin na dapat pahalagaan yung buhay dahil ang swerte swerte ko kasi pwede akong mabuhay ng matagal di tulad sayo. Kung pwede lang tayo magpalit ng kinalalagyan, isasakripisyo ko buhay ko sayo. Masgugustuhin ko pang ako pa mamatay at manatili kang buhay, kay sa naman na mamatay ka at parang araw araw akong pinapatay dahil sa pangungulila ko sayo at masakit saakin at sa puso ko na wala man lang ako nagawa para pahabain buhay mo. Yung tipon isa ka sa mga rason ba't ako araw araw bumabangon at nakangiti tapos maglalaho ka rin pala? Pero dadating din yung na araw magkakasama rin tayo Athena habang buhay, hindi nga lang ngayon pero handa ako maghintay sa panahon na iyon makasama ka lamang. At naniniwala ako na buhay na buhay ka sa puso't isipan ko. Mahal na mahal kita Athena.
Nagmamahal,
Baekhyun
FLASH BACK 2011
Athena's POV
"Kayo po ba ang mga magulang ni Athena?" Tanong ng Doktor
"Kami nga po, ano na po nanyari sa anak ko?" Sagot ni Mommy
"Ikinakalungkot ko pero wala po tayong sapat na gamot at teknolohiya para sakanyang sakit sa bato (kidney)"
"W-wala na po bang ibang paraan para gumaling anak namin?" Tanong ni Daddy
"Inuulit ko po, wala po tayong sapat na teknolohiya sa ating bansa para sa mga ganitong sakit. Kung gusto niyo pa humaba ang buhay ng anak niyo maari niyo siyang ipa gamot sa Amerika o sa Korea" Pagkatapos nun umalis na yung doktor
"Ipapagamot ba natin ang anak natin sa Korea o sa Amerika?" Tanong ni Daddy kay Mommy
"Ipagamot natin siya parangawa mo na gusto pa siya makasama ng matagal" Sagot naman ng Mommy ko habang nakayuko siya
Ako nga pala si Athena, ang nagiisang anak nila Samantha at Luke. May sakit ako sa bato na wala ng lunas for short, may tali na buhay ko. Nagsimula ako nagkasakit sa bato nung 18 years old ako at hanggang ngayon na 21 years old na ko meron pa rin. Sa totoo lang lahat na ata ng gamot naiturok na saakin at nainom ko na, pero wala eh panahon ko na atang mamatay. Pero seryoso ayoko pang mamatay marami pa kong plano sa buhay ko, at isa na dun ang makita ang bias kong si Baekhyun este di ko pala siya bias, asawa ko na pala siya. Walang basagan ng trip! Libre lang mangarap sa mundong ito diba? Sa sobrang fan ako ng K-pop nag pa Korean Classes pa ko (Malay mo magkita kami at maging kami balang araw? Joke feeler ko, asa naman ako diba?)
Ang saya saya ko nga nung malaman ko na magpapagamot daw ako sa Korea, gusto ko sana tumalon sa saya pero alam mo na may sakit ako.
--
Incheon International Airport
Pagkatapos ng Apat na araw na pagpla-plano, nandito na rin kami sa Incheon International Airport. Nanlaki mata ko sa sobrang laki ng Airport na to parang pwede ka ng makipaghabulan! Dami kong gustong gawin pero hindi ko magawa, nakakainis! Naka wheel chair kasi ako. Di kalayuan nakita na namin si Tita na naghihintay dun sa Arrival area
"Samantha!!" Sigaw ni Tita Sandra
"Sandraa!!!" Sigaw naman ni Mommy
Tapos nagyakapan yung magkambal na parang walang bukas. Oo magkambal sila Mommy at Tita. ^^
"Anak mo?" Tanong ni Tita. Ay hindi hindi Tita! Apo ako niya ko!
"Oo anak ko siya si Athena" Sagot naman ni Mommy
"Hi Athena! Ang cute cute mo naman!" Bati sakin ni Tita.
"Hello po Tita! Ang ganda niyo rin po!" Bati ko din sakanya
"Hahaha! Ang galang na bata!" Pagpupuri ni Tita saakin "Nasaan nga pala asawa mo?" Dagdag pa ni Tita
Tumawa na lang si Mommy at sabay turo kay Daddy na naghahawak ng wheel chair ko.
"Ay sorry Samantha, ang laki kasi ng pinagbago ng asawa mo eh. Kaya di ko na mamukaan. Tsyaka alam mo naman tagal na natin di nagkita" Sabi ni Tita
"Hahaha okay lang yan kambal! Mahigit isang dekada din yung pumunta ka dito sa Korea!" Sagot naman ni Mommy
"Haha oo nga tama si Samantha, ako nga din di ko na siya mamukhaan" Sabi ni Daddy
"Alam niyo, sumakay na kaya tayo sa kotse para makapahinga na si Athena?" Suggestion ni Tita
"Oo nga no, sige sige sakay na tayo sa kotse" Nag agree naman si Mommy
Papunta na kami sa bahay ni Tita, sila Mommy, Daddy at Tita busy sa paguusap habang ako naman busy sa pag pi-picture. Picture dito picture doon, malamang sigurado ako na una at huling beses ko na makakapunta dito sa korea. Hay grabe gusto ko sana pumunta sa Dorm ng EXO pero baka pagkalaman pa kong sasaeng, kaya nevermind mas gugustuhin ko na lang na umabang sa updates sa twitter. Habang nagpipicture ako nanlaki yung tenga ko nung marinig ko sa Tita ko na
"Gusto niyo pagkatapos natin magcheck up bukas mag libot libot tayo dito sa Korea?" Yaya ni Tita saamin
"Osige sige libutin natin yung Korea pagkatapos yung check-up ni Athena" Sagot naman ni Mommy
"Samantha, may nirecommend bang Doktor si Doc. Valdez? (Doctor Valdez- Siya yung Doktor ni Athena sa Pilipinas)" Tanong ni Daddy
"Oo meron siyang nirecommend sakin" Reply naman ni Mommy
--
Pagdating namin sa bahay ni Tita, pinatulog muna ako ni Mommy. Kasi baka daw napagod ako sa biyahe namin.
Kinabukasan
Medyo maaga ako nagising ngayon at syempre nagpasalamat muna ako sa Panginoon sa isa pang araw ng buhay ko.
"Gising ka na pala Athena!" Sabi ni Daddy
"Oo nga Daddy eh, ang haba ng tulog ko. Yung pagkadating natin dito sa bahay ni Tita at hanggang ngayon" Sagot ko naman
"Okay lang yan! Ang mabuti pa kumain na tayo, para makainom ka na ng gamot mo" Yaya ni Daddy saakin
Pagkatapos namin kumain, nagbihis na kami at pumunta na kami sa Ospital, pero sa sobrang excited ata ng mga magulang ko, na pa aga kaming pumunta sa ospital. Naunahan pa nga namin yung doktor, kaya naman na pag-isipan ng Tita ko na maglibot libot muna sa Ospital. Napag-tanto ko din na magpahangin muna sa roof deck para pampalipas oras, sabi kasi ni Tita maganda yung view ng roof deck sa ospital nito. Halos makita mo na nga daw yung buong Seoul eh. Joke lang O.A naman buong Seoul talaga? Haha
"Mommy punta po muna ako sa roof deck" Paalam ko
"Ha? Bakit naman nak?" Tanong ni Mommy
"Gusto ko kasi magpahangin" Sagot ko naman
"Osige sige, susunod na lang ako sayo nak" Sabi niya
Roof Deck
Nagmumuni at ineenjoy ko yung simoy ng hangin nang makita ko si
B-baekhyun na may balak magpakamatay?! Tatalon na sana siya sa 25 story bldg ng pinigilan ko siya.
(Nakakorean to, pero trinaslate ko na lang ^^)
"Wag kang magpakamatay!" Sabi ko
"At sino ka naman para diktahan ako?!" Sagot niya naman
"Grabe! Bias pa naman kita tapos Bad Influence ka pala!" Banat ko
"Pake mo ba? Eh kilala mo lang naman ako sa Pangalan" Pagalit na sabi ni Baekhyun
"Ok Fine. Fan mo nga lang ako, pero still ang swerte swerte mo pa rin"
"At bakit mo naman yan nasabi?" Tanong niya
"Kasi ikaw may pagkakataon kang mabuhay ng matagal tapos mag papakamatay ka lang?!" Sabi ko
"Masgugustuhin ko na lang mamatay kay sa naman maramdaman pa tong sakit na nararamdaman ko sa Puso ko!" Sagot niya
"Yan lang rason mo?! Ang babaw mo naman pala! Eh ako nga gusto kong mabuhay ng matagal tapos ikaw magpapakamatay?" Sabi ko
Wala siyang masagot hanggang napikon ako
"Gusto mo diba mamatay? Sige! Magpakamatay ka diyan, tumalon ka! Gusto mo tulakin pa kita?!"
"Uy wag, pero seryoso hindi ka pwedeng mabuhay ng matagal?" Tanong niya
"Hindi" Sagot ko "Hindi pwede dahil may tali na buhay ko"
"Weh talaga?"
"Edi wag kang maniwala! Tse di kita pinipilit." Tapos biglang dumating si Mommy
"Nak nandiyan na yung doktor."
"Sige ma, susunod na ako ^^" Sagot ko
Pero bago man akong makaalis sinabihan ko si Baekhyun ng...
"Pag-isipan mo yang gagawin mo"
Tapos umalis na ko sa roof deck na nakaiwang naka nga-nga si Baekhyun.
Dali dali nakong pumunta sa room nung doktor. At naabutan ko silang naguusap nila mommy at daddy
"Oh nak maupo ka" Sabi ni Mommy
Habang nakaupo ako sinimulan na ni Mommy ibigay lahat ng results ng examinations ko sa Pilipinas
"Mrs and Mr. This results are not enough para malaman ko anong gagawin ko sakanya" Sabi ni Doc
"Ha? Ano pa ba kulang?" Tanong ni Daddy
"We need further examinations, I'll set an appointment tomorrow. And I higly recommend na I-confine yung anak niyo para mabantayan namin yung kalagayan niya. Pero Mrs. & Mr. Walang kasiguraduhan na hahaba ang buhay niya"
Pagkatapos nun pinaregister na ko ni Mommy sa registration para maconfine na ko, si Daddy naman kausap yung doktor at ako naman nakaupo lang ako sa lobby na nagmumuni muni
(<_<)
(>_>)
(v_v)
(>_<)
(^_^)
Papunta na sana ako sa Comfort room ng nakaramdam ako ng hilo hanggang nandilim ang paningin ko. Pero bago ako mawalan ng malay may nakita akong isang lalaki na tumulong saakin, hindi siya si Daddy pero parang pamilyar saakin yung mukha niya
BINABASA MO ANG
30 days of romance [ON-HOLD]
Fiksi Penggemar[THIS IS NOT A BAEKYEON FF] Meet Athena, ang dakilang fan ni Baekhyun. Pero hindi siya isang ordinaryong tagahanga na buong magdamag nakatambay sa monitor. She's suffering Kidney failure. Pero ang kanyang sakit ay hindi na malulunasan dito, kaya pum...
![30 days of romance [ON-HOLD]](https://img.wattpad.com/cover/8962871-64-k847262.jpg)