Part 2

588 22 3
                                    

Athena's POV

Pag gising ko nakita ko na lang sarili ko sa isang kwarto at sa tabi ko naman may isang lalaking tulog na nagbabantay saakin

Hindi siya si Daddy o Hospital staff man lang pero parang pamilyar siya sakin. Unti unti ko inangat ulo niya at nalaman ko na siya si

Baekhyun?!

Tapos bigla siyang nagising

"Oh gising ka na pala" Sabi ni Baekhyun sakin

Tapos hinawakan ko yung pisngi, kamay, at ulo niya

O_O

"Multo ba tong nakikita ko? Patay kana diba?" Sagot ko

"Grabe ka naman, di ko na tinuloy yung pagtalon ko" Sabi niya sakin

"Ha? Bakit naman?" Tanong ko

"Tama ka, tama ka na ang swerte swerte ko dahil binigyan ako ng mahabang buhay"

"Ah. Bakit ka nandito?"

"Tinulungan kita kanina, nakita kasi kitang walang malay sa lobby" Sagot niya naman saakin

Siya yung tumulong sakin kanina?!

"Ah. Salamat pala" Pagpapasalamat ko sakanya

"Haha your welcome, ilang taon ka na ba dito sa Korea?" Tanong niya sakin

"Kahapon lang ako nandito" Sagot ko

"Weh? Seryoso kailan nga?"

"Kahapon nga lang, kahapon lang kami dumating dito para magpagamot"

"Haha kala ko kasi nagbibiro ka" Patawang sabi ni Baekhyun saakin "Ang galing mo kasing mag korean, straight na straight" Dagdag pa nito

"Haha nagtake kasi ako dati ng Korean classes" Sagot ko naman

"Ano pala pangalan mo?" Tanong niya

"Athena, Athena pangalan ko"

"Ah. Salamat nga pala ulit Athena"

"Para saan?" Tanong ko

"Para sa pagtigil sakin tumalon sa bldg kanina, siguro kung di mo ko pinigilan patay na ko"

"Wala yun haha, syempre bias kita eh"

"Babawi ako sayo promise" Tapos inabot niya yung calling card niya sakin "Pwede mo ko i-line or i-kakao" Dagdag niya pa

Tapos dumating na sila Mommy at Daddy

"Salamat pala Baekhyun sa pag bantay sa anak namin" Pagpapasalamat ni Mommy kay Baekhyun

"Oo nga, busy kasi kami dun sa pinapabook na appointment nung doktor" Dagdag pa ni Daddy

"Walang anuman po Mrs. Samantha at Mr. Luke, babalik na lang po ako bukas" Pagkatapos nun, umalis na siya.

"Kamusta ka na anak?" Tanong sakin ni Mommy

"Okay lang naman ako Mommy" Sagot ko

"Ts. Buti nandiyan si Baekhyun" Sabi ni Daddy

"Oo nga buti na lang nandun siya, tsyaka Athena bukas naka schedule na yung examinations mo" Sabi ni Mommy

"Kailan po ba ako madi-discharge dito?" Tanong ko

"Di natin alam kung kailan" Malungkot na sabi niya

"Hindi na po ba ako gagaling?"

"Hindi natin alam Athena" Sagot naman ni Daddy

Dear Diary

Ang saya ko ngayon kasi una nakapunta na ko ng Seoul, pangalawa nakita ko na si Bias! Pangatlo binantayan niya ko sa Ospital! Okay hearts everywhere kinikilig na ko masyado ^^

30 days of romance [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon