Part 4

461 18 1
                                    

Day 2

Athena's POV

Medyo late na ko nagising ngayon, paano ba naman kasi ako makakatulog ng maayos kung laging nag fla-flash back sa utak ko yung nanyari nung mga nakaraang araw.

Laking gulat ko na paglabas ko ng kwarto may nakita akong isang lalaki na naka cap at shades at siya si

"Baekhyun?! Ba't ka nandito?" Tanong ko sakanya

"Pumunta ako ng maaga dito para maaga tayo makapunta sa dorm namin" Sagot niya naman

"Dorm?"

"Oo! Dorm ng Exo" Ipinakita niya sakin yung papel na sinulatan ko na gusto kong gawin "Nakalimutan mo na? Yan pa naman unang sinulat mo sa listahan"

"Ah" Napakamot na lang ako ng ulo

"Athena, bigyan mo naman ng maiinom yung bisita mo" Sabi ni Mommy

"Hahaha sige po Mommy" Sagot ko naman

"Uy wag na, busog pa ko eh" Singit ni Baekla sa usapan namin ni Mommy

"Pakipot! Tinimplahan na nga kita ng kape eh" Inabot ko sakanya yung tinimpla kong kape

"Hahaha, mag bihis ka na Athena. Baka may makakita pang sasaeng na pumasok ka sa dorm"

Naligo at nagbihis na ko, pagkatapos pumunta na kami ni Baekla sa dorm nila. Eto pa yung nakakakilig na part hinawakan niya ng mahigpit yung mga kamay ko

KINIKILIG AKO!

Assfghjklqwertyuiopzxcvbnm1-.2/,3:?4;!5('7$7&8@9"0[_.]\,{|?}~!#<'%>^€*£+¥=• Pero syempre tinatago ko lang yung kilig ko hahaha

Tapos binuksan ni Chanyeol oppa yung gate

BAEKYEOL!!!

#1 Shipper kasi ako ng BaekYeol kaya feel ko tuloy 3rd party ako (Feelingera ko talaga, feeling ko naman may gusto sakin tong si Baekla kahit di naman!)

Okay back to reality

Nung nakita ko si Chanyeol napatingala ako sakanya (Eh syempre ang liit liit ko 5'5 footer lang ako tapos siya 6 footer) Tapos nagbow ako ng 180 degrees na instead 90 degrees lang. Kaya yan natawa sakin si Chanyeol oppa

Pagpasok namin ni Baekla sa dorm nila una kong nakita na naglalandian yung Hunhan sa labas nagkwe-kwentuhan (Malandi agad? Agad agad?) Sa loob naman nakita ko sila Kai at Suho na abala sa paghihintay ng niluluto ni Kyungsoo. Pero alam mo kung ano yung nakakalungkot? Wala si Papa Kris! Kahit anino niya di ko man lang nakita! Isama mo na rin si Tao, Chen, Xiumin at Lay (T_T) Pero hayaan mo na, nandito naman yung BaekYeol eh! :""">

Pinakilala rin ako ni Baekla sa ibang members na nandito

"Guys, meet Athena. Athena, meet Chanyeol, Sehun, Luhan, Kyungsoo, Suho and Kai"

"Nice to meet you Athena" Nakipagshake hands sakin si Chanyeol

"Hi noona!" Kumaway naman sakin si Kai

"Nice to meet you too guys ^^" Sagot ko naman

Tamang tama din, tapos na rin si Kyungsoo dun sa niluluto niya. Eto naman si Kai sugod agad! Parang may humahabol lang eh no? Pero infairness ang bango nung niluto ni Kyungsoo. Nagugutom tuloy ako (>_<)

"Athena, try mo to" Pag yaya ni Kyungsoo sakin na kainin yung niluto niya

"Ang sarap Kyungsoo, ang sarap" Pagpupuri ko sa niluto niya

Tapos yung iba kumain din nung niluto ni Kyungsoo, at syempre nasarapan sila (Eh ako nga nasarapan sa niluto ni Kyungsoo sila pa kaya?)

Pagkatapos namin kainin yung niluto ni Kyungsoo, nagkwentuhan kami ng Exo sa living room nila ^^

"Paano kayo nagkakilala ni Baekhyun?" Tanong ni Sehun saakin

"Nakilala ko siya sa ospital" Matipid na sagot ko

"Ospital? May sakit ka pala Baek?" Tanong ni Suho kay Baekhyun

"Wala akong sakit" Sagot naman ni Baekla kay Suho

"Haha eh ba't ka nasa ospital?" Tanong naman ni Lulu sakanya. Tsk. Wawa naman si Baekla ko ang daming tinatanong sakanya

"Tatalon sana ako sa bldg" Reply ni Baekla

"Magpapakamatay ka?!" Gulat na gulat na sabi ni Chanyeol sa irog niya (irog talaga? Ang lalim haha)

"Wala kasi ako nun sa sarili ko, syempre nasaktan ako dun sa break-up ni toot. Buti na lang pinigilan ako ni Athena" Sagot naman ni Baekla sa concern na irog niya :"> Ang sweet talaga ng BaekYeol shet

"Wow, superhero ka pala noona" Sabi sakin ni Kyungsoo

SUPERHERO DAW AKO NG ASAWA KO? KENEKELEG EKE!

"Wait, ba't sa dinami dami ng building sa Ospital talaga?" Concern na tanong ng irog niyang si Chanyeol kay Baek

"Wala lang, para kung tumuloy man ako sa pagtalon ko. Masusugod ako kaagad sa ospital" Sagot ni Baekla

"Sira ulo! Nagpakamatay ka pa haha" Pabirong sabi ni Chanyeol kay Baekla

Tapos biglang napunta sakin yung mga tanong

"Eh ikaw Athena, ba't nasa ospital ka?" Tanong ni Lulu sakin :">

"Nandun ako para magpagamot" Tapos yumuko ako

"Magpagamot? Noona may sakit ka?" Tanong ng kabit kong si Thehun (landi ko)

"Oo" Nag fake smile ako sakanila "May sakit ako sa Kidney"

Tapos yung mukha nila parang di na madrawing sa sobrang gulat

"S-so magaling ka na noona?" Tanong sakin ni Kai

Tapos di ako nagsalita, "Aww" na lang yung na reply nila saakin at syempre kinomfort ako ng mga asawa ko. Ako naman todo kilig sa pagcomfort nila! Tsyaka inexplain na rin ng asawa kong bakla na si Baekhyun tungkol sa sakit ko.

Pagkatapos naman namin makipagchikahan sugod naman kami sa movie marathon hahaha tapos habang nanunuod kami yung kamay ni Baekla nakapatong sa balikat ko habang nanunuod ng ROMANTIC movie (Buti di nagselos si 6 footer)

Yung moment na focus na focus kami sa panonood tapos biglang may maghahagulgol sa likod

"Nakakaiyak!!!" Sigaw ni Thehun

Nagtinginan kami lahat sakanya, at dun niya lang na realize na ang lakas pala ng boses niya. Tapos nagtawanan na lang kami hahaha

Nung natapos kami mag movie marathon, binigyan ako nila ng album na may pirma nila! Pati posters! Ayyieee kinikilig ako shet harts ebriweyr :">

"Ingatan mo yan ah" Sabi sakin ni Kyungsoo

"Oo nga kung hindi joke" Biro naman sakin ni Suho :">

"Naman, iingatan ko to. Galing sainyo to eh haha" Reply ko naman

Mga 5:00 PM nag paalam na ko para umuwi tapos pinigilan ako ni Baekla sabi niya ihahatid ako huhu ano ba Baekla sasabog na obaryo ko dahil sayo!

Pagdating sa bahay nagpasalamat ako sa minamahal kong Baekla

"Salamat pala sa araw na to ah"

"Walang anuman" Sabay ginulo niya buhok ko "Malakas ka sakin eh" Tapos kumaway siya saakin bago siya sumakay sa kotse niya

Hay ang saya ng araw na to! :""> Nameet ko na yung mga asawa ko! Kinikilig na kooo!

Dear diary,

Ngayon dinala ako ng asawa kong bakla na si Baekhyun sa dorm nila. At nakilala ko na din yung mga asawa ko, sayang wala si Papa Kris pati yung ibang Exo-M pero masaya pa rin ako ^^ nakita ko rin si Chanyeol ang 6 footer na lalaki grabe feeling ko tuloy ang liit liit ko! Tapos pinakain pa ko ni Kyungsoo ng niluto niya! Hahaha at eto pa binigyan nila ako ng album w/ posters. Grabe parang panaginip lang to ah. Pero hindi eh ^^

Hashtag Best Day Ever❤

-Athena

30 days of romance [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon