JUST GIVE IT A TRY!
• ♥♥♥•
SOUL SIGNS
KABANATA I
• ♥♥♥•
“ BAKLAAAAA!” ayan nanaman itong si Mela, ang layo-layo pa pero rinig na ng buong corridor ang malamegaphone nyang bibig. Napatakip na lang ako sa magkabila kong tenga, sobra talaga ang alindog ng boses nya e, nakakabasag ng eardrum.
“ Hoy Girl, tigilan mo nga yang pangeechos mo dyan! Makatakip ng tenga kala mo naman sinisigawan ka!” maktol nya ng makalapit sa akin.
“ Ay nahiya naman ako bigla, sa bagay hindi nga pala kalakasan yang boses mo e no?” sarkastiko kong sagot sa kanya. Ibinaba ko na rin ang mga kamay ko, tutal sanay naman na talaga ako dito sa boses nitong babaeng to e.
“ Parang di ka na nasanay dyan.” Nakapamewang na sabi ni Alice.
Yeah, silang dalawa ang super best friend ko dito sa school. We’re at the same department which is Fine Arts. Higshschool palang kami e hindi na kami napaghihiwalay hanggang ngayon na huling taon na namin sa kolehiyo. Saming tatlo, ako ang pinakabata, pinakamaliit pero syempre pinakacute. Kaya siguro beybing beybi ako dito sa mga to.
“ Maria Feliz Del Rosario, tigil tigilan mo nga yang pagiinarte mo. Mabuti pa samahan nyo nalang ako there o, sa Architecture Department. Sisilay lang kay Papa JB ko!” kinikilig pang hila samin ni Mela.
Nagkatinginan nalang kami ni Alice, at syempre kahit anong pagtanggi naman ang gawin namin hindi yan papayag no. Diyosmiyo, biruin nyo ba naman. Dalawang buwan na syang nililigawan nung JB nayun pero hindi nya pa sinasagot. Kung makasilay naman daig pa ang stalker. Ang motto kasi nitong friend kong to “ Ang pag-ibig hindi yan minamadali kundi masusing pinipili.” O san ka pa? sya na ang modernong Maria Clara sa panahon ngayon. Ayaw nya pang sagutin kasi gusto nya sure na sure na sya kapag binigay nya na ang mapakla nyang Oo. Hihi ang sama ko ba? Nye, biro lang yun no.
Sabi nya pa noon nung kinukulit namin sya ni Alice kung bakit pinapahirapan nya pa yung tao ang sagot ba naman samin e “ Hindi naman kasi ako nagpapadalos-dalos, gusto ko sasagutin ko sya kapag naramdaman ko na sa kanya yung feeling na He’s the one. Kapag nasa kanya na lahat ng signs ko.”
“ Signs? E panahon pa ng hapon yun no!” bara ko pa sa kanya.
“ Hapon mo muka mo! Basta, kapag kasi naramdaman mo na yung ganitong feeling tyaka mo masasabi na tama ako, na sya ang itinadhana sayo ng langit.” Sinakyan nalang namin ang trip nya, tutal sya naman talaga ang sobrang baliw sa romantic na pag-ibig samin nina Alice e.
At yun nga, sinamahan na namin sya. Ayun ang lagay tuloy e parang sya ang patay na patay dun sa lalaking yun.
“ Ang gwapo talaga nya mga girls!” biglang harap samin ni Mela habang hawak hawak ang magkabilang pisngi. Ay ang lola nyo namumula na!
“ Sagutin mo na kasi!” naiinis kong sabi, e nagmumuka rin kaming stalker gaya nya e. Nakakabadtrip kaya yun!
“ Ewan ko ba sa baliw nayan kung anong nakita dun JB nya.” bara nanaman ni Alice. Oo sya ang nega saming tatlo.
BINABASA MO ANG
Soul Signs .℘ᶴᶬ.
Ficção AdolescenteStory of a teen aged girl named Maria Feliz Del Rosario. Just like any girls, she also knows how to love but she's afraid of falling for someone over and over again. But what if, fate will make its own way? Will she take it? Let's join her as she fi...