KABANATA III

1.4K 36 3
                                        

                                                                  • ♥♥♥•

                                                           SOUL SIGNS

                                                          KABANATA III

                                                                 • ♥♥♥•

 “ Anong sabi daliiiii!” excited na agaw sakin ni Mela ng phone ko. Nandito kami ngayon sa canteen dahil breaktime.

Mula kasi ng matapos namin ang first sign, I’ve decided na replayan na ang mga messages nila sakin, Hindi kasi talaga ako nang e-entertain ng mga suitors dati kaya iniignore ko lang sila. Pero ngayon dahil sa disido narin naman akong mahanap ang “meant to be” sa akin, why not giving chances diba?

“ Yaaa! Wag ka daw papalipas ng gutom bakla! Bet ko talaga sya sayo!” bali si Ryan kasi yung nagtetext sakin. You know, the first sign guy, ang lalaking malakas ang loob na bigyan ako ng napkin thing! At sya lang naman ang manok nitong si Mela, sya raw ang ideal guy sa tatlo.

“ Mela naman, nakakahiya o ang dami ng nkatingin satin dahil sa lakas ng sigaw mo.”

“ Bakit may sigaw bang mahina?” sabat ni Alice, hay nako, imba talaga sila!

Hanggang sa biglang lumapit samin si Jayson. Para pa nga syang tanga kasi kitang kita ko habang gumigiling syang umupo sa bangko. Hindi nya ba alam na hindi ako natuturn on sa kanya? Kahit naman kasi magaling sya magsayaw kung sobrang hangin lang din naman e wag na!

“ Hi girls!” bati nya kina Alice, inismiran lang naman sya ng mga ito. Lalo na si Mela, hindi nya kasi malimutan yung ginawa sa kanya ni Jayson dati. “ Hi Baby.” Sabi naman nya sakin. napangiwi nalang ako sa kanya at tyaka kumaway ng napipilitan. “ eheh, Hi.”

“ Bakit ikaw lang ata ang walang food Baby? Wait here okay, I’ll get you something. ” tyaka sya tumayo.

“ Jayson wag na, hindi naman ako nagugutom.” Pigil ko sa braso nya. Dyahe naman pati.

“ Hmm, no Baby not this time.” Tapos yun umalis na sya, ay bahala ka nga sa buhay mo.

Napahawak nalang ako sa noo ko pagkaalis nya. Hindi naman kasi talaga ako nagugutom, mas inaalala ko pa yung quiz namin kanina sa Major elective namin kesa kumain eh.

“ Alam mo girl, kapag pala si Jayson naging boylet mo mas makakatipid ka araw-araw, malay mo pati kami ilibre nya!” tapik sakin ni Mela.

“ Baliw! Ikaw magpalibre? E gumagastos ka nga ng bongga sa lahat ng bagay tapos may libre ka pang nalalaman dyan!” bawi ko sa kanya.

“ Maf, okay din naman si Jayson. Ang kaso lang talaga laging may bagyong kasama, lakas ng arrive lagi eh!” pagkatapos sumingit ni Alice samin ni Mela, sumubo na ulit sya ng bread nya.

“ Oo nga girl, may itsura naman sya kaso kay Fafa Ryan parin ako!” kitam fan na ata ni Ryan to e.

“ Here Baby!” muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko dahil kay Jayson, hindi man lang kasi umiimik nandyan na pala.

“ Sa…salamat dito ha, sabi naman kasing wag na.” tyaka ko sya nginitian. Biruin nyo ba naman isang pringles na cheese ang binili nya at isang mogu-mogu. Oo nga pala’t at isa parin tong anak mayaman.

Soul Signs .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon