• ♥♥♥•
SOUL SIGNS
KABANATA VII
• ♥♥♥•
“ Maf, yung Last Sign.” Nakatulalang wika nilang dalawa.
Nang narinig ko ang mga sinabi nila, para bang kusang nagfunction ang utak ko. Ano raw, Last Sign? Damn! Ngayon ko lang natandaan, yung ginawa ni Jayson ang Last Sign. Unti-unting bumalik ang mga alala ako noong araw na ginawa namin iyon.
Cafeteria, 4:17 PM.
” Basta kailangan talasan natin ang mga mata natin girls ha! Tawagin natin itong “Soul Signs ” Yay! Excited na ako para sa Baby ng grupo natin. At last makikita na ni Baby Maf ang soulmate nya!” pumapalahaw na tili ni Mela noong hapon na iyon.
Hindi ko rin malaman kung paano ba ako napasubo sa gulong ito. Tanging natatandaan ko lang ay nabuko nila na naghahanap ako ng paraan kung paano mo malalaman na may gusto sa iyo ang isang guy sa Google. That time, napilit nila akong umamin at doon nga nabuo ang plano. Kay Alice nanggaling ang unang Sign, which is “First Sign: He’ll give/buy a napkin for me.”
Kung tutuusin talagang maski ako ay hindi makapaniwala sa mga takbo ng utak ng mga kaibigan ko. Pero mukang tadhana na ang nagbigay ng tulong mismo. Sinong magsasabi na ang inaakala kong laro naming tatlo ay matutuloy at magkakatotoo. Dahil si Ryan, isa sa mga manliligaw ko ang gumawa ng unang Sign.
Sumunod ay ang kay Mela. “ Second Sign: He wears lipstick.” Nung una, akala ko’y wala nang mas titindi pa sa sinabi ni Alice. Yun pala ay meron pa, at ito nga ay ang naisip ng pinakakalog sa aming tatlo. Saan ka nakakita ng lalaking gumagamit ng lipstick? Ok, granted na may mga Clowns at Artista pero like duh? Trabaho nila yun at di talaga maiiwasan. At sa tinagal tagal ng paghahanap namin, nagkatotoo nga ito at si Brix ang nakagawa.
Bawat pagkakatotoo ng mga signs na ginawa namin, kinunukuhanan nila ng proweba. Nandoong kuhanan nila ng litrato at ngayon nga ay ang pagkuha nila ng mismong video. At ang malala, ito ang huling Sign. Ang Sign na kung saan ako mismo ang gumawa.
“ Last Sign: Have the courage to tell everyone how special I am.”
Iyan ang naisip ko ng mga oras na iyon. Sino ba namang babae ang aayaw sa lalaking may lakas at tapang ng loob na ipagsigawan o kahit magconfess sa babaeng gusto nya kahit magmuka pa syang tarantado sa harap ng ibang tao? Babae rin ako, at oo. We have sweet bones! Pangarap kong mangyari sa akin ang ganoon. Gusto kong malaman kung gaano ako kahalaga sa kanya, kung hanggang saan ang kaya nyang gawin para mapatunayan nya ang pagmamahal nya sa akin.
Tulad nga nang nangyayari ngayon. Si Jayson ang lalaking gumawa nito.
Sa totoo lang, gusto lang talaga nina Alice at Mela na kuhanan ng video ang pangungulit sa akin ni Jayson. Ang kaso sa di inaasahang pangyayari, pati yung pagkakasabi nya ng mga bagay na iyon. Nakuhanan rin pala.
“ MAF!” sigaw muli ni Mela, na ngayon ay may kasama ng pagbatok sa akin.
“ Aray ha!” reklamo ko.
BINABASA MO ANG
Soul Signs .℘ᶴᶬ.
Novela JuvenilStory of a teen aged girl named Maria Feliz Del Rosario. Just like any girls, she also knows how to love but she's afraid of falling for someone over and over again. But what if, fate will make its own way? Will she take it? Let's join her as she fi...