KABANATA VIII

1.2K 34 4
                                    

                                                              •♥♥♥•

                                                         SOUL SIGNS

                                                        Kabanata VIII

                                                              •♥♥♥•

“ Girl, yung totoo ilang oras lang ang tulog mo? O baka naman hindi ka talaga napagkatulog.” Pambungad sa akin nitong si Mela.

“ Hi..hindi ko rin alam.” Wala sa sarili kong sagot.

Yes, wala akong tulog. Magdamag kong inisip ang mga binitawang salita ni Paolo kahapon, and another Yes! Sabihin na nating gusto ko siya pero dahil narin sa mga ipinakikita at ikinikilos niya sa harap ko simula pa ng mga bata kami, sinong hindi mafafall out of love sa isang kagaya nya? Nandoon na nga ako sa Move On Thingy Stage ‘di ba? Tapos bigla syang e-entrance at babanat ng ganoon, na gusto niya ako at kami na? Santisima Cruz!

“ Duh Mela, halata namang masyadon niyang pinagisipan yun no! Knowing Maf, hindi 'yan magpapahinga hanggat hindi naliliwanagan.”

 

“ Yeah, tama ka d'yan Alice.” Imposible mang mangyari, ngunit sa pagkakataong ito magkasundo silang dalawa sa pangangantyaw sa akin.

“ What now, Maf?” ewan ko na kung sino sa dalawang iyon ang nagtanong sa akin dahil nakasubsob parin ako.

“ I really don’t know.”

 

“ God Maf! Wala ka bang ibang isasagot kundi “anong malay ko”at“ hindi ko alam”? Eh iningles mo lang rin yung mga sinasabi mo!”This time, alam kong si Alice ang nagsabi noon dahil sa tono nang pananalita n'ya walang dudang siya iyon. Pero tulad kanina, lutang parin ang pagiisip ko.

Pumasok kami ng room like nothing happened, pangatlong klase na namin  ngayon at ito na rin ang huling klase para sa araw na 'to. As usual si Alice, kuntodo pakinig dahil siya naman talaga ang palaaral sa amin. Si Mela na nagcecellphone ng patago and I guess  katext niya nanaman siguro si Jb n'ya.

Isa lang ang napansin ko, ang mga kaklase kong kung minsan ay tumitingin sa direksyon naming tatlo. Grabe, kailan kaya sila mahihiyang hindi kami pagusapan? Noong nagtapon ata ng kakapalan ng mukha ang Diyos sinalo nilang lahat at nagpagawa ng pool para sa kanila ang bagsak. Nakakahiya sa aming tatlo ha!

Tutal walang pumapasok sa utak ko kahit na isang Major subject ang klase namin ngayon, tumingin nalang ako sa labas ng bintana at pinaglaruan ang hawak kong Stabilo Highlighter.

Kitang kita ko mula rito sa loob ang buong kabuuan ng Campus namin, nasa ikalawang palapag kasi kami ng Building. Tanaw dito ang malawak na Ground Floor, ang buong field kung saan may mga puno na masarap sanang tumambay kesa maupo dito at mabaliw sa pagkakainip. Iba talaga kapag graduating student ka, wala na kayong masyadong inaaral puro report at kung anu-ano nalang ang maipagawa ng mga Professor.

Soul Signs .℘ᶴᶬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon