Note: Guys, for those who have read the first prologue I posted yesterday, you might want to read the new prologue I just uploaded? Binago ko kasi since medyo naenlighten ako at naisip kong baguhin. ;) Medyo literal kasi yung una kong post so I decided to edit it out. Anyway, her'es the first chapter. ;) Share your thoughts please? :)
---
Riding the LRT train is the daily adventure of ordinary people struggling to avoid the rush hour traffic of EDSA. At kasama na ako sa mga taong yun. Or at least, I do, every Wednesday. But this day seemed to be like a no ordinary Wednesday, my inside is telling me today’s gonna be different. All I need to do is to figure it out as the day unfolds.
“The end is near! Dadating na ang Diyos! Malapit na ang paghuhukom! Magugunaw na ang mundo! Mga kapatid, sama-sama tayong magdasal. Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo…”
Tinig yun ng isang matandang ale na kakapasok lang sa LRT mula sa EDSA Station. Halos lahat ng mga kasama kong pasahero ay nakatingin sa kanya, at tipong nawiwirduhan sa mga sinasabi ng pobreng matanda.
Napailing na lang ako. Gusto ko man tulungan ang matanda pero sa itsura at kilos pa lang nito, mukang hindi sya magpapaapekto sa sinasabi ko at ng mga kapwa ko pasahero.
“Ikaw!” Muling sabi ng matanda at dinuro nya ang isang babaeng buntis na nagulat dahil sa biglaang pagduro sa kanya nito. “Handa ka na ba sa Kanyang pagdating?”
At muling nag-sermon ang matanda. She’s saying something about the doomsday, earth’s rapture, or something about the Mayan calendar. Puro ganun lang ang sinasabi nya habang nasa kahabaan kami ng EDSA pa-Baclaran.
I looked at my wristwatch. Malapit ng mag-alas nuebe. Sana naman hindi ako mahuli sa 9 o’clock mass ng Baclaran Church.
I always make it a point to attend mass every Wednesday in Baclaran Church. Siguro kasi, nakasanayan na din ng pamilya namin ang ganoon. Lalo pa at uncle ko ang nagcoconduct ng misa doon. And also, I always take the train going to church since we all know na laging traffic sa Baclaran sa ganitong araw, not to mention na this is also a way para makatipid ako sa pagpapa-gas.
“SA DECEMBER 21, 2012, dadating na ang Panginoon. Dadating na---“
“Manang. Will you shut up? Kanina pa kayo salita ng salita dyan as if we care about what you’re saying. First of all, hindi magugunaw ang mundo. And second, you’re so-called God won’t be coming. Kung ako sa inyo, gumawa na lang kayo ng bagay na may sense. Hindi yung nang-aabala kayo ng mga pasahero dito. Geez.”
Natahimik lahat ng pasahero pagkatapos magsalita ng babaeng nagpatahimik din sa kawawang matanda.
I look at the girl who’s sitting near the door of the train. Malapit lang ako sa kanya dahil nakatayo naman ako sa kabilang side mula sa kinauupuan nya. She’s wearing a gray jacket, a knitted cap and big shades that’s almost covering her face. Oo, ganun kalaki yung shades na suot nya kaya hindi ko din masyadong makita ng mabuti yung muka nya, well except for the bright red lipstick painted on her lips. Nakasuot din sya ng earphones habang nakikinig sa iPod nya. At muka syang naglayas dahil sa maletang nasa tabi nya.
“Why the hell are you staring at me?”
I was a bit surprised when she spoke --- at me. Hindi ko yata namalayan na napatitig na pala ko sa kanya. I chose to ignore her at nagkunwari akong tumingin sa phone ko at kinalma ko ang sarili ko. It seemed like this girl is the kind of girl anyone doesn’t want to mess up with, and besides tinuruan ako ng tatay ko na wag pumatol sa babae.
“Fvck this life.”
Napailing ako nang narinig ko pang nagmura ung babaeng nasa harap ko habang kinakalkal ang maleta nya. Ginulo din ng babae yung dala nyang handbag na parang may hinahanap na kung ano mula doon. Then I saw her got out a stick of cigarette from her bag and she placed it in her mouth.

BINABASA MO ANG
Science and Faith
RomanceSandy is a modern woman who does not believe in love. Love for her is like a fantasy, it only exists in human's playful mind. She is also this brat who could always gets what she wants. But what will happen if things didn't go the way she wanted it...